give me hope...
Kapag nabuntis po ba ng maaga wala ng patutunguhan ang buhay? Huhu bigyan nyo po ako ng pag-asa kasi pakiramdam ko nasira na lahat ng pangarap ko. Im 21 yrs old.
Cheer up mom! Ako nga 20 years old palang, pero 37 weeks pregnant na rin. Di ako sumuko, kahit alam ko na may mga bagay na medyo maddelay dahil sa pagiging preggy ko, pero pinupush ko parin. Actually 5th year college na ko, graduating na. Pag diko talaga kaya pumasok ng school nagpapaalam ako sa mga prof ko, pero diko naisip na mag stop. Kase kung panghihinaan ako ng loob, sino kawawa? Ako rin diba. Gawin lang natin inspiration si baby. And always pray to God lahat ng pinagdadaanan mo. Nung una ganyan din naisip ko, pero tinatagan ko loob ko. Naisip ko na may mga nabuntis pa nga na mas banta satin pero kinaya. Ang importante di mo ginive up si baby. At ikaw rin po may alam sa mga kakayahan mo, kaya need mo rin lakasan loob mo and magtiwala sa sarili mo. :)
Đọc thêm19yrs old lang po ako unang nabuntis. 3rd year college. That time ako na lang inaasahan ng magulang ko para mairaos sila sa kahirapan. Sobrang na-depressed ako kasi nabuntis ako ng maaga. Pero pinagpatuloy ko pa rin pag-aaral ko. saktong sakto ang due ko non is April wala ng pasok. Sinuportahan lang kami ng mga magulang namin. Nag working student pa asawa ko non para lang makapagtapos rin siya sa pag-aaral. Ngayon stable na kaming dalawa. May konting ipon, Insurance at hinuhulugang bahay kahit hindi masiyado malaki ang sweldo. Buti na lang parehas kaming hindi maluho sa gamit. Now I'm on my second pregnancy (answered prayer) Medyo natatakot ulit ako pero kakayanin namin. Wag kang mawalan ng pag-asa. Ginagabayan ka ni Lord kaya kumapit ka lang. ❤️
Đọc thêm21 din ako and im currently 5 weeks and 4 days pregnant. Nag-aaral pa ako and tinatago ko pa sa ngayon. Sabi ko sa sarili ko, tapusin ko lang tong sem na to ng maayos, pahinga ako ng 1 sem. Wag ka susuko. Ako nung unang nabuntis, iyak din ako ng iyak kaya ang ending di na lang binigay samin ng asawa ko. Ngayon, buntis ako ulit. Dinadahan dahan ko na ang acads para kay baby. Praying na buhay na siya this time. Ang natutunan ko is, blessing yan ha! Blessing yan :) di pa nawawala sa calendaryo ang age natin kaya tiwala lang, di masisira ang buhay natin kung hahayaan nating hanggang dun lang tayo. Set a goal and achieve it! Pinagppray ko nga na maging top notcher ako in the future para sampal yun sa kanila na di ako nahuli. Nagpahinga lang ako :)
Đọc thêmSis I gave birth at 21 yrs old. Undergraduate, pero may stable job nung panahon na buntis ako hanggang sa nanganak. Sobrang down ko rin nung mga panahon na yon pero tinanggap kong blessing yung mga anak ko. Twins pa. It depends on how you are going to accept the situation. Use it as an inspiration to grow better. Ibang usapan ang pagiging magulang. Mukhang madali pero mahirap at kailangan ng maraming tyaga at pasensya. Pero diba, magagamit mong inspiration ang baby mo para makamit mo mga pangarap mo. Pag nawawalan ka na ng pag asa, may baby ka na nanjan para patatagin ka pa lalo. Dahil alam mong kailangan ka nya. Gawin mong syang strength sa araw araw kapag nagdodoubt ka, isipin mo yung anak mo never yan magdodoubt sayo.
Đọc thêmI got pregnant when I was 22 yrs old. Yung husband ko nagaaral pa nun. Ako kakagraduate lang, madami din akong gustong gawin sa buhay ko nun, madami akong plano. Pero yun nga nabuntis ako, pero pinanindigan namin mag asawa. pinilit nya padin makapag tapos, nag tyaga kami. Madami tlagang masasabi ang ibang tao pero kahit naman ano gawin mo may nasasabi padin sila. Nasainyong magasawa yun kung pano kayo magpapatuloy. Walang wala kami noon pero ngayon may bahay na kami, may sasakyan at masasabi ko na komportable na kami sa buhay. di katapusan ng mundo ang pagbubuntis mo. infact isa yan sa pinakamalaking blessing na matatanggap mo sa buhay mo. Cheer up, bangon lang, laban lang, malalagpasan mo din yan.
Đọc thêm18 ako nabuntis sa panganay ko. Kinasal kami ng asawa ko 19 ako. 3rd yr college ako nung nabuntis ako. Andyan tlga ung takot, doubts at pressure. Pero para sa anak ko kinaya. Mas nagkaroon ng direksyon buhay ko kasi mas naisip ko magpaka ayos para mabigyan ko ng ayos na buhay anak ko. 2years after ko nanganak pinatuloy ako ng asawa ko sa pagaaral. Now, 24 na ko may stable job na kami pareho. Nakapag pundar na kahit papano ng sasakyan at ilang gamit, nagaaral ndn panganay ko and currently 5months pregnant sa second baby namin. Wag ka panghinaan ng loob momsh. For sure binigay ni Lord sayo si baby for a purpose. Stay strong lang and be positive para sa inyo ni baby. Congrats and God Bless! ❤️
Đọc thêmNasa diskarte lang po yan, I got pregnant when I was 19 gave birth at 20 but still I graduated on time sa ngayon waiting lang ako na makauwi mom ko saka hahanap ng work. Minsan naiisip ko rin yan, kinokompare ko sarili ko sa mga ka-batch ko na may work na at nakakatulong na sa parents nila pero iniisip ko nalang blessed parin ako kasi may habang buhay na akong inspirasyon at motivation para mas maging mabuting tao, mas mapabuti pa ang sarili ko at magtrabaho ng maayos in the future dahil lahat ng yun ay para sa baby ko. :) Wag masyadong mag worry mommy, blessing yan mahirap man sa umpisa pero makakaya mo din dahil titignan mo lang yan pawi na lahat ng pagod mo :) God bless you and the baby ❤
Đọc thêmNasa tamang edad ka na, same 21 din ako najuntis. Ganyan talaga kapag buntis mamsh kase nga pinaka emotional moment ng babae ang pregnancy lalo kung yung tao sa paligid eh dinadown at dinedepress ka. Pero keep fighting and be motivated lang po. After mo manganak lahat ng bigat lahat ng sakit mapapalitan ng saya. Promise, babaguhin ni baby lahat magiging mas masaya at ositibo ka ulet. Naalala ko noon sa sobrang lungkot at grabe ng dinanas ko nung buntis ako si Taylor Swift lang yung kinakapitan ko kase nakakainspire at ang witty ng mga kanta at speaches nya. Ayan tuloy swiftie yung baby ko na 1 yr old na ngayon, makarinig lang ng kanta ni taylor hihinto yun para makinig 😍💕
Đọc thêmAte hindi kna po menor de edad.. At depende po yan sayo kung panu mo pplanuhin ang buhay mo ngaung may anak kana.. Kung pipiliin mo pong wlang direksyon ang buhay mo. Choice mo po yan.. Im 22 years old at buntis din po ako pero mas nagbigay ng malaking pagasa ang baby ko sakin, wla naman pong ibang gagawa ng path sa buhay mo ikaw lang din.. 😊Ang pagbuntis ng bata ay hindi po katapusan ng mundo panibagong simula po yun para magpatuloy at lumaban sa buhay. Having a baby is one of every woman dream.. Wag mo po sanang ituring na sagabal sa buhay mo ang baby mo kse at the end of the day sya lang ang taong hindi ka iiwan at patuloy na mgbibigay sayo ng pagasa..
Đọc thêm25 y/o and 14 weeks pregnant nako and may nasabi pa din ang mother ko na masakit but sabi ng father ko, I have to understand na nasaktan ko sya in some point. Actually sila parehas. Kasi kht na matanda na kasi tayo need tlga natin ng magconsult or atleast to inform our parents sa mga bagay bagay, showing respect na din.. Parehas kaming may maayos na trabaho ng boyfriend ko but still may mga plano pa din kami sa career and nadagdagan na of course sa magiging marriage namin and family. It does not mean na wala kang patutunguhan 😊 be strong lalo't may baby kana. Anyway, congratulations.
Đọc thêm