first time mom
Kapag low lying placenta po ba, magbabago po ba yung position ni baby and ng placenta before the due? 7 months pregnant po ako ngayon and medyo kinakabahan. Sabi po ng ob ko if ever di daw po magbago ang position, mag-cs daw po ko 🥺. Ano po ba dapat gawin para magnormal ang panganganak?
32weeks po and complete placenta previa prin, nka tatlong ultrasound na po ako.. may last ultrasound p po by 36weeks, kpag di prin po tumaas CS n tlga ako.. pero ngayon plang po hinahanda ko na sarili ko na maCS ako kung dun naman po kmi magiging safe ni baby, pero pray lang po momsh,
low lying placenta din ako my at 20weeks at 28weeks ganon parin at transverse position pa c bb. di pa ako nagpa ultrasound ulit 34weeks and 3days na ako ngayun . sabi kasi ng medwife ko sa first week dec nlng daw ako pa ultrasound para sure...
Aangat pa po, kasi lalaki pa si baby. Low lying di ako, normal delivery naman po si baby. Last wk lang po ako nanganak No bleeding while pregnant, careful lang sa activities. Hanggat maari more rest time.
Đọc thêmif low lying placenta mataas ang possibility na via cs ang delivery dahil prone sa bleeding. may mga cases na tumaataas ang placenta meron hindi. best to prepare yourself for cs delivery
bed rest po ang kelangan at nkataas ang mga paa ng mas mataas para tumaas ang placenta...ganyan po ako sa pangalawang baby ko...
Low lying placenta ako pero nagbago posisyon ni baby. CS pa rin ako dahil overdue na ko at di naalis sa 1cm for 3days.
pray ka lang po momsh..🥰🥰 magiging okay din po lahat..hehhe