BABY BATH
Kapag kakapanganak niyo kay baby at nasa bahay na kayo from hospital/lying in kailan niyo po siya pinaliliguan ?
Sabi ng pedia pwede na paliguan pag uwi kinabukasan galing sa hospital. Pero Pag uwi ni baby ko hindi ko pa po siya talaga pinaliguan kasi natatakot ako paliguan siya lalo at wala kaming kasama sa bahay na alam magpaligo ng new born kaya bulak lang dinadampi ko noon kay baby. Mga after 3 days pa nilakasan ko lang loob ko paliguan siya.
Đọc thêmPagkauwi po ng bahay galing lying in, pinaliguan na po namin si baby. Yun din kasi sinabi ng midwife, mabilis lang din po ang pag ligo kasi ginawin po kapag new born.
kinabukasan na kc gabi na kami nakauwi from lying in e,un nga lang amoy dugo pa sya kc ndi sya pinaliguan sa lying in
The next day po.. But dapat po maligamgam lang po kasi ginawin pa po sila.. Then i used cotton po sa pag ligo
The next day mommy as per his pedia's advised na rin at every day dapat ang paliligo ng newborn. :)
The following day po after I gave birth pinaliguan na po si baby sa hospital pa lang po
Paguwi po niliguan na namin daughter ko. Advise din ng pedia daily ang ligo.
Kinabukasan na kasi napaliguan na si baby sa hospital😊
Next day. Sa hospital pa lang pinaliguan na siya. :)
Kinabukasan po... Everyday ko pinaliliguan...