Nagsusuka pagkatapos mahulog
Kapag ba nahulog sa kama ang bata nagsusuka agad?
Yung 6mos old baby ko po nahulog sa kama namin, above knee lang po yung taas ng kama namin 5'2 po ang height ko. Around 5-6am po sya nahulog kasi iniwan ko sya dahil naiihi na ako. Nagulat nalang ako may bumagsak na, semento pa naman ang flooring namin. Inobserbahan ko sya within 1hr wala naman pong ngyare hanggang sa nakatulog na kami mag hapon. 6pm nilagnat po ang baby ko, may sipon din kasi sya. Tapos pinainom ko sya ng gamot. Inobserbahan ko pa din sya hanggang sa 12:11am lumungad sya or diko alam kung suka ba yun. After non until now wala naman na syang reaction nawala na din lagnat nya. Pero ang tanong ko po, di po ba cause ng pagkakahulog nya sa kama yun pag susuka nya? 18hrs po kasi ang lumipas since nahulog sya sa kama. Or baka po dahil lang sa sipon nya ang lagnat nya at normal lang yung pagsusuka na yun or lungad. Isang beses lang din kasi sya sumuka/lumungad. Salamat po
Đọc thêmKapag nahulog po ang baby sa kama o upuan, lagyan po agad ng cold compress ang affected part lalo na sa ulo. Then i-monitor niyo po siya. Kapag nagsuka, inaantok, seizure, double vision, o hirap makalakad, dalhin niyo po agad siya sa ospital. Pwede niyo po itong basahin: https://ph.theasianparent.com/nauntog-ang-ulo-ni-baby
Đọc thêmhello po. nauntog po anak ko sa pinto kaninang maga dumirediretso po sya, umiyak lang po nagbukol! hyper pa din naman maghapon, pero ngaung gabi po bago matulog nagsuka.. tapos ngsuka ulit ngaun lang.. konti lang naman sinusuka ka. bad indication po ba yun
Ano ba dapat gawin kapag nahulog ang bata? Depende sa lakas ng impact. Kapag nauntog or nahulog at sumuka or nawalan ng malay, go straight to the hospital na. Possible head or brain injury na yan.
Hindi po dapat magsuka hindi po magandang sign yun. Punta po kau pedia nyo.. once na nahulog or nauntog ang bata wag nyo po muna patulugin i watch out nyo po ang sign ng pagsusuka..
Kagabi lang nahulog ang anak ko. Umiyak lang, hindi nag suka. So I guess hindi normal ang pagsusuka sa mga batang nahulog. Patignan mo na po agad para maiwasan ang ibang complications.
Lang months po na nahulog baby nio?
Hindi po based on experience 2x na hulog ang anak ko sa kama kalabog sa lakas hindi nag suka perp namula yung mukha at iyak ng iyak. If nag suka, I suggest, bring to the er.
Ilang taon na po siya? Bad po kasi talaga ang effect kapag nahulog at sumuka ang bata. Or kung nawalan ng malay after tumama ang ulo. Dangerous po talaga.
3 times na po nahulog anak ko sa kama medyo mataas pa sya,sa awa ng dios ok nman po c baby obserbahan mo lang mommy kung my pagbabago kay baby.
Hindi naman po siya nagkaroon ng bukol or pasa sa ulo? Pero masama po talaga kapag nahulog at sumuka. Pacheck nyo na po sya sa doctor kaagad.
Superdad