Kaninang 4am pagkagising ko, nakapa ko na basa yung short ko. Parang tubig na malagkit, medyo madami din kasi pati kama nabasa. Sign na ba yun ng labor o normal lang sa buntis na may ganun? Masakit na din balakang, puson tsaka pempem ko pero kaya ko pa tsaka nawala-wala pa yung sakit. Nung tumawag kasi ako sa lying in, normal pa naman daw pero nakakaworry baka panubigan ko na pala yung nag-leak. Nung huli kong IE, wala pa akong cm 😞 Sa thursday pa next check up ko. Meron bang katulad ng nangyari saken dito? Thanks!