69 Các câu trả lời

March 18 EDD 🥰 38 wks today! Mejo masakit na sa pempem bumibigat na lalo pag naglalakad. Madalas antukin 😅 sabi nila wag na daw matulog ng tanghali kaso hindi talaga kaya mga momsh maupo lang ako tulog talaga 😅 As of monday, (37wks and 4 days) pag IE sakin closed but soft cervix na daw ako anytime bubukas na daw. Pero still no signs of labor (or di ko lang alam kung labor pain na nararamdaman ko 😅 minsan kasi bigla nalang nasakit puson ko pero tolerable naman 😅 tapos mawawala kaya di ko pinapansin 😅) First time mom din po ako 😊

March 15 here! Ang hirap huminga. Left side lang comfortable na position sa bed. Nakakangalay din. Ang bilis manakit ng legs ko kapag naglalakad. Sobrang sakit din ng likod ko pati balakang. Minsan sabay manakit balakang at tyan. Konting galaw lang sobrang pagod ako agad tapos mas dama ko side effects ng mga gamot na iniinom. Nakakatamad gumalaw galaw kahit na gusto ko maglinis at maglaba.

Same tayo mommy.. March 15..

march 24 due date... pero now 35weeks na ko sabi ng ob ko malambot na cervix ko kaya pala palagi masakit ang puson ko pag naglalakad o kumikilos then tigas ng tigas, so she decided na bigyan ako ng meds pampakapit for 1week then bedrest lang ,mahirap kasi baka mapaanak ng maaga hindi pa fullterm..

hello momshie EDD march 20 baby girl😊 no sign of labor may pinapalagay sa pempem ko yung borage oil hnd ko nilalagay kasi hnd ko maipasok😅 nangingig pa kamay ko so tini-take ko nalang sya hahaha.. lage matigas tyan ko malikot dn si baby. sana makaraos na.😇😇😇

edd march 30 baby girl. super likot na mnsan napapaigtad nlng aq.😅pero its all worth it kc alam qng active at healthy c baby. ang hirap na magpalit palit ng pwesto pag nakahiga.😪 tas lower back pain, and pag sumisiksik xa sa may pempem.😅36weeks and 2days here.

36 weeks and 2 days hirap sa pag hinga masakit ang tyan kasi panay tigas .. sobrang likot n baby kung sumipa parang tatagos sa balat.. minsan makirot ang puson at ngalay ang balakang.. hrap narin ako matulog sa gabi maskit sa likod😊😊

VIP Member

Same here! March 29 din edd ko. Baby girl 💗 super active and healthy ni baby, minsan masakit yung movements nya pero sabi ni ob strong bones na kasi kaya ganon hehe also lower back pain minsan kasi mabigat na tummy.

Scheduled cs march 8 at 38 weeks. Madaling mapagod hingal agad madalas na tumigas at masakit na sa pempem tlg. Madalas din gumalaw pero enjoy ko naman pag nafifeel ko sya khit minsan masakit. Malapit na 😍

Thank you 😊

Medyo nalilito ako sa due ko, June last period ko, dapat March EDD ko, pro sbi ni doc April pa daw Edd ko.. Nagprepare na din ako bka sakaling March katapusan din ako.. sa tingin nyo mga momsh??😁

due ko march 23 😁 minsan nakakaramdam ako natigas at nsakit tyan ko lalo pag naglalakd nasakit tyan at bandang puson ko tas sa baba ko parang may lalabas na ewan pero d nman tuloy tuloy

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan