AGREE or DISAGREE: Insensitive nga ba?

Kamakailan ay nag-post si Jinkee Pacquiao ng photo sa kaniyang Instagram account ng kanilang mga luxury bikes mula Hermes at Louis Vuitton. She captioned the photo: "His and hers." (Tinatayang nasa humigit kumulang na P500,000 ang Hermes bike, samantalang wala namang naka-publish na presyo para sa LV bike.) Nang ma-repost ito ng Inquirer, nag-react ang actress na si Agot Isidro sa Twitter at sinabing tila insensitive ang pag-flaunt ng wealth sa panahon na marami ang walang trabaho. Insensitive nga ba ang pagpo-post ng mga luho sa panahon ngayon—AGREE OR DISAGREE? Comment your opinion below!

AGREE or DISAGREE: Insensitive nga ba?
51 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Disagree! first and foremost, karapatan nila o ng kahit sino satin ang magpost ng anything sa social media. second, pera naman nila ang pinambili ng mga mamahaling bagay na yon, hindi galing sa kaban ng bayan! third, pinaghirapan ni manny ang tinatamasa nilang yaman ngayon kaya hindi kalabisan kung gamitin nila yun sa kung anong luho ang gusto nila. At kung sinsabi ni Agot na maging sensitive sila sa panahon ngayong madami ang nawalan ng trabaho at naghihirap, sila Pacquiao at may naitulong na sa bayan, hindi lang nila pinopost. Isa si Pacquiao sa unang nagbigay ng tulong para sa test kits, ginamit niya connections nia para makahingi ng tulong. nagdonate sya ng mga masks, ppe's para sa mga frontliners. and if you think yun lang nagawa nila, think again Agot! kasi for sure madami pa sila natulungan, hindi lang binabandera sa tv at social media. eh ikaw, Ms. Agot, may paki ka pala, ano na ba naiambag mo sa panahon ngayon?

Đọc thêm
Thành viên VIP

Actually, tama ang mga Mommies dito, since pera nila yan, go! Pero, recently, Mommies, I realized something. Dapat pala we also have to consider the effect of our posts to other people. Yes, we may be proud of our possessions, but others can't even afford to buy food. Imagine their feelings. Before pandemic, mahilig ako magpost ng mga fancy things na meron ako, masasarap na food, pero I stopped doing it since pandemic kasi wala ako mapost haha at alam ko na marami ang nasa krisis, kasama na rin kami. Sometimes, our posts effect self-pity and jealousy on others. Just my two cents po.

Đọc thêm
4y trước

I agree po mommy. Hindi mkakatulong ung gnubg post sa panahon ngayon

Super Mom

I am disagree with Agot Isidro. Unang una, sariling pera ng Pacquiao ang binili nila sa mga gamit nila. Pangalawa, instagram nya yan so may karapatan syang mag post ng anong gusto nya. Pangatlo, hindi kasalanan ng Pacquiao na marami ang naghihirap ngayon, ano ba ang connect ng mga naghihirap sa pagpopost ni Jinkee? wala naman. Pang apat, ang dami nang natulungan ng pamilyang Pacquiao sa mga kababayan natin lalo na sa Mindanao. Hater lang talaga si Agot, bakit hindi na lang maging masaya para sa kapwa hays.

Đọc thêm

Hahaha grabe, lahat gawan ng ISSUE! Taga Gensan po ako, and twice ko na nasakyan yang mga bike ni Maam Jinkee na madalas nasa court area lang ng mansion dati. And matagal na yan na bike nila (hindi ko lang matandaam yung year na dumating yan sa Mansion 2 nila parang nasa year 2014-2016). May ikakabili naman sila Maam Jinkee nyan actually 🤣 tsaka kung natulungan lang paguusapan - di na mabilang mga natulungan ng Pamilyang Pacquiao hindi lang dito sa Gensan & Sarangani.

Đọc thêm

Disagree, I don't think Jinkee wants to brag kaya nya shinare yan or nagpapaka insensitive sya, if you're going to watch their family's vlogs nga napaka low-key lang nila. I mean, walang kayabang-yabang sa pagsasalita and all, very evident na gusto lang nila magshare about their life. Tsaka alam naman ng halos lahat na nung umpisa palang ng pandemic, buhos na rin yung tulong ni Pacquiao eh and from what I know that money is from his own pocket. Medyo ang inggitera ng dating ni Agot dito.

Đọc thêm

For me naiintidihan ko both sides. Wrong timing lang siguro ang pagpopost kasi nga sa nangyayaring kahirapan sa bansa. And sa side naman ni Jinkee yes walang masama na magpost na kahit na anong kaalwaan sa buhay, sa timing nalang siguro talaga. Ang importante maging responsable talaga sa bawat kinikilos, tulad nga sa kanta sa church na walang nabubuhay na para sa sarili lamang.

Đọc thêm
Super Mom

Disagree. Okay lang naman magflaunt since kaya naman nila talaga bumili ng luxury items kahit bago pa magECQ. Atsaka may right naman tayo magpost ng kung anong trip natin ipost sa mga social media natin pwera na lang kung lumalabag ito sa mga rules. Ang masama lang yung nagflauflaunt pa ng mga ganyan tapos walang pambayad sa utang.. Inuuna pa luho😂 #JustMyTwoCents

Đọc thêm
Thành viên VIP

Napakaraming foundation at libo libo na ang natulungan ng paquiao family. Ano naman kung ganyan nila ipamper ang mga sarili nila. Sakanilang pera naman yun at deserve nila yun. Di rin naman sila matatawag na madamot kase tumutulong sila sa mga tao.. Wla din naman sila ginagawang masama sa kapwa nila tao. Kaya for me, wlang masama sa ginawa ni jinkee..

Đọc thêm

I DISAGREE! Hahaha. Minsan talaga matatawa ka nalang sa mga tao na ginagawang issue pati mga ganitong bagay.😅 BTW, ang dami kayang suntok na sinalo ni Sen. Manny para makapag bigay ng magandang buhay sa pamilya niya. And as far as I know marunong din naman silang tumulong. Kaya sabi nga nila pag inggit pikit.🤣

Đọc thêm

Okay lang naman po, malay niyo nabili na nila yan before pandemic. Deserved naman nila yung gumastos ng pera dahil pinaghirapan din po ng asawa niya yan. Parang tayo din, deserve din natin gumastos ng kahit ano dahil pinaghirapan natin pera natin, yun nga lang e di ganun kamahal katulad ng pag gastos nila 😅

Đọc thêm