17 Các câu trả lời
as early as 6 weeks po nakikita ang heart beat. Kaya nga ang ginagawa ng mga OB pag wala silang nakikitang heart beat nireresetahan sila ng gamot or ng pampakapit. meaning po may bahay bata kna, nangitlog na pero wala pang nadedetect na heart beat. sa una ksi di ko na matandaan dahil antagal na din. pero sa 2nd ko 14weeks ko nalaman na buntis ako, okay naman nakita agad. then etong pinag bubuntis ko ngayon 10weeks naman ng malaman ko, okay din nalaman ko agad buo na nga sya as 10weeks kitang kita na. Tiwala lang. Malay mo pag balik mo okay na. Pahinga ka nalang muna tas wag ka masyado mag isip para di makaapekto sa pagbubuntis mo.
6 weeks and 2 days po Ako sa 1st transvaginal ultrasound may heart beat na pero 114 BPM palang mababa daw po kaya niresetahan Ako pampakapit na Duphaston 2 times a day for 7 days Ng Ng OB ko then pinabalik Ako after 1 week transvaginal ultrasound ulit 7 weeks na sya 163 BPM na heartbeat. naka indicate din yan sa impression repeat scan 1-2 weeks.
94 lang po yong sakin bpm at 6weeks and 1 day.. di naman kasi po ako sa ob ko nagpa ultrasound, sa hospital lang.. pero positive lang po na magiging ok lahat 😅
6weeks and 3days nafound out ko na buntis ako ang tru transvaginal may nakita napo ang may nadetect napo na heart beat. Pero wag ka mag alala mommy dahil may mga nakasabay din ako na even sila wala pa hb nababasa. Keep the faith and follow lng kay ob. Think positive :)
thank you
5 weeks palang po nung na found out kong preggy ako, pinabalik ako after 2 weeks confirmed as early pregnancy palang po yan since SAC palang wala pang embryo, wag po mag overthink and sundin lang po sinabi ni OB. Congrats!
thank you po
Pababalikin ka naman nyan uli Para magpa ultrasound. Yung sakin 6 weeks din nung una walang heartbeat pa ang Sabi mag antay ng 8 to 12 weeks magkakaroon, nagpa ultrasound ako uli pagka 11 weeks may heartbeat na.
pwede.
it could happen if nagpa TVS ng too early. kaya nagpa TVS ako at 10weeks (based sa LMP). pero 7 weeks pa lang si baby sa TVS. so may 3 weeks difference. repeat TVS after 2-3weeks. kita na si baby. always pray.
thank you po im to worrried po kasi as first time ko pong maging preggy. thankyou so much po.
6 weeks and 1day yong lmp ko sa ultrasound, may nakita napong bahay bata tsaka frtal heart rate. sa tvs ultrasound ko, walang na detect, na bahay bata.. wag lang po mag overthink, magkakaron yan 🙂
11 weeks po yung sakin nung na-TVS ako, sa TVS machine na din nalaman yung heartbeat count ni baby. first ultrasound ko na naconfirm ni OB na preggy ako, 7weeks palang nun, wala pang sinabing heartbeat.
thank you po sa info. nio maam ..♥️
Too early po for detection ng heartbeat. Nagpa TransV ako 7 months medyo hirap pa hanapin, pero nadetect naman. Kung may binigay na Folic na sainyo, tuloy nyo lang inumin hanggang sa next visit nyo
thank you po for info.😁 sana in my next ultrasound meron ng development
At 7 weeks earliest na magkaheartbeat, at 9 weeks dapat meron na, medyo alarming na pag wala pa at 9weeks. Pero 6 weeks ay too early pa talaga, wala pa po yan.
thank you po sa info. 😁 sana in nxt month meron na pong hb. c baby .
Anonymous