53 Các câu trả lời
Mamsh, pa checkup po kau s ob Tapos Sabihin nyo po ang desisyon nyo ni hubby. Para schedule po kau at tanungin kng Kelan nyo gusto biyakin, 37 weeks po xe is full term na.ako po 40yrs old na po ako ng manganak first time mom, bale nung una gusto ko mag labor Sabi ni ob at my age parang Dpat dw cs na. So to make story short, nagpa CS na ako xe mejo tumataas na din ang heartbeat ni baby nun. Sabi ni ob hindi na kita Pauwiin Bka masayang ang inalagaan ntin na blessings. So far ok nman ang cs masakit Lang Ung skin test sobra😫 Tapos pag sumakit Pag anu pain reliever request mo then wag kalimutan ang MaTibqy at magandang binder! Safe delivery mamsh😉 Godbless & congratulations in advance😊
Yes tama po sabi sayo ng midwife hindi basta-basta nag ccs ang mga ib unless kailangan. Huwag po kayo padala sa takot. Kung ok naman pagbubuntis mo at walang complications wala po magiging problema. 37 po ako when i had my first baby normal delivery. Lahat nagsasabi na baka ma cs ako pero confident talaga ako na kaya ko mainormal siya. Mabuti ka nga may support system ka kasama nandyan asawa mo. Ako nag labor mama ko lang kasama ko. Pray ka lang and makinig sa advice ng ob/midwife. Kaya mo yan. Hindi madali ang recovery ng cs pero pag normal paglabas ng baby pagdating mo ng kwarto parang hindi ka nanganak. Paglabas namin ng hospital nakapaglaba na ako.
Yes po naka depende talaga un kay O.B.. katulad ko sabi din ni parents cs na lang kasi nga baka mahirapan ako sa normal.. pero gusto ko normal...saka sabi ni ob kaya naman i normal..naglabor pako gang 9cm kaso ayaw na talaga ni baby bumaba..kaya ending cs din...sabi ni ob na need na ma cs ako kasi 16hrs nako nagllabor at pumutok na din panubigan ko pero di pa din nababa sa 10cm.. baka ma stress na daw c baby sa loob.. kaya ayun cs na.. wag ka pa stress mamsh..kaya mo yan wag ka matakot.. masarap din maramdaman ung sakit ng normal delivery mamsh..kaya kaya mo yan.. 💪❤️ nga pala 31 yo din ako mamsh.. 😊
Sa pagkakaalam ko po di talaga basta basta ang CS. OB po talaga magdi decide nun kung may nakita napong complication during pregnancy palang,may chance po talaga na ma CS ka; pero kung normal naman po lahat during your whole pregnancy then normal po talaga kayo. May tinatawag lang po silang Emergency CS pag nagkaroon naman ng complications during labour. Marami naman pong nanganganak ng normal na mas mataas pa sa age nyo. Dapat lang po magkaroon kayo ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Always pray lang po and wag po kayong mag iisip agad ng negative. :)
10hrs ako nag labor sa 1st baby ko mga kasama ko sa operating room na ibang manganganak iyak ng iyak ako chill lng.. hindi masakit labor ko swerte ko kaso ayaw lng tlga lumabas agad ni baby 3am nag decide ob na cs nako kse ang tgal talaga pero thanks god nung kumpleto na gamit ko for cs bigla nlng lumabas ulo ni baby kaya nag normal delivery paden ako .. hoping for another normal delivery on april for my 2nd baby .. sana dina matagal labor 😊
Hindi yan totoo mumsh. Nasasayo parin yun kung gusto mo magpa-CS basta exact weeks si baby mo. Kapag hindi exact weeks si baby, hindi papayag si OB mo na maCS ka. NaCS ako nung April and Kahit nakapwesto na si baby ko, I decided na iCS ako ng OB ko dahil nga ayoko maranasan yung talagang labor. So ayon hinintay lang namin na maging exact 37weeks ako para maCS ako. At sa awa ng Diyos healthy anak ko and I’m a breastfeeding mom 🥰🥰
Magprivate hospital ka para ikaw mismo magdedecide kasi ako di ako nakaranas ng paglabor dahil sa pulupot na pusod ni baby sa leeg at maliit ang sipit spitan ko nagdecide ako na magpacs na kaso walang tumatanggap ng public hospital sakin lalo na dahil pandemic nga buti andyan ang grandparents ng hubby ko sinagot nila halos 100k na bills sa private hospital at sa awa ng diyos maayos kami ni lo.
Sa first baby ko rin , gusto ko na mag pa cs kasi halos 4 days na ang labor ko at sobrang sakit. Pero si OB nde nya ako pinayagan kasi nga raw first baby at wala naman nakikitang komplikasyon. So ayun kahit sobra ang paghihirap na dinanas ko na inormal ko naman , alam nila yan mamsh mag tiwala ka lang. Tsaka sa OB ka mismo manghingi ng advise iba rin kasi ang practice ng midwife kesa sa Doctor talaga.
Hello Sis! You have to talk with your OB. Sa totoo OB talaga magdedecide kung for Cs ka or Normal Delivery. Mostly kahit pa OB yan preferred pa din nila ang Normal delivery over Cs. Kaya kung kaya iNormal delivery ipapa ire ka talaga. Why? Kasi madaming risks ang Cs over NSD. Kaya need mong magconsultbsa Ob mo regarding your choice. Para mas mapaliwanagan ka nya. At mas makadecide ka. 😊
Sa OB ko non first trimester pa lang pinapili na nya ko kung CS or normal para maiprepare ko sarili ko emotionally and financially😂. Kung ano daw ang mas comfy sakin,dun daw kami pero syempre depende sa magiging circumstances sa mismong araw ng panganganak ko. Try nyo pong lumipat ng OB na makikinig sa side nyo. Mas okay sana mommy kung around 24-30 wks pa lang nakahanap para magkapalagayan na kayo ni OB.
lea