Tamang pagdisiplina

Kailangan po ba paluin o saktan ang bata para matakot sa inyo at laging sumunod? Hindi po kasi ako namamalo at madalang sumunod saken yung anak ko kailangan ko pang utuin para lang sumunod. Madalas po naiikumpara ako sa ibang nanay. Lalo na at pag minsan pinapaalagaan ko anak ko sa kapatid ng asawa ko. Yung anak ko ay takot sa kanilang mag asawa lagi kasi po nilang sinisinggahan konting pagkakamali ng anak ko papagalitan na nila kaya parang nag kakatrauma sa kanila at ayaw na pumunta. Kaya kapag may pinapagawa sila sa anak ko nasunod agad ito sa kanila. Dapat po ba ganon? 2 years old and 9 months lng po anak ko, kailangan ko po ba takutin or paluin yung ganyang edad para sumunod saken?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mommy depende sayo yun, ikaw naman ang mommy eh. Ako kasi pinalaki ako ng hindi ako pinapalo eversince 23yrs old na ko pero takot pa din ako sa nanay ko. Minsan kasi pag pinapalo sila tumatatak sa kanila gang sa paglaki nila.