33 Các câu trả lời
Kadalasan, yes. Monthly ang consult to monitor baby's development sa tyan. Di naman need na every check up mag UTS. Papsmear is done once a year. Mapapamahal lang talaga sa vitamins and laboratory.
Yung sa akin is 300 check up plus tinitingnan na ni doc sa ultrasound machine niya si baby ng libre pero soft copy results lang walang hard copy na binibigay si doc then vitamins. 1k parin lahat.
sa center libre po check up.. ako 2 OB ko dati parehas private, ung isa sa St. Claire 800 ung isa sa Makati Med 1800 kaso free sa HMO eh kaya wala ko gastos, vitamins lang and ultrasound 😅
wala po kasi akong work ngayon kaya walang hmo haha tapos po bago ko nalaman na buntis ako, tuwing interview nauungkat naman po yung cancer ko kaya di ako natatawagan ulit. Dati 500 lang checkup e ngayon pong pandemic nagsitaasan 😅
400 ung check up sa OB ko dito sa angeles pampanga pero naka HMO ako kaya free ko nakukuha, ung gamot nasa 500 to 1500 monthly, ung ultrasound libre din dahil bff ko ung rad tech hihi
mag center na lng po kayo mommy.. kaka check up ko lng kanina first check up binigyan nila aq ng mga vitamins wala dn bayad.. ung ultrasound and laboratory lng babayaran mo..
ang galing naman po. san po location nyo? wala po kasi talaga akong idea at matagal na din walang nabubuntis sa angkan namin hehe
ganyan po talaga mommy ang mahalaga naaalagaan si baby ng ob natin at para alam din natin ang status ni baby. blessing sa atin ito kaya ibigay natin ang best natin
mejo magastos talaga mag buntis sis 😅 checkup ko 600. nagpa utz ako last check up 1500. pre natal meds umaabot din halos 3k a month. di pa kasali mga laboratory
Wala akong gastos sa check up ko, public kasi, tiis nga lang. May choice ka naman, sa mahal o mura, sa di ka susungitan at masungit, sa kumportable ka o hindi
me kada check up 100 lng nagrerange nadadagdagan lang pag need ko buy ng vitamins ..pag ubos na.. sa birthing home ako nagpapacheck
Ako sa Chinese gen nagpapa check up sa me charity nila walang bayad check up donation lang. Pag me laboratory un lang talaga gagastos ka
may nakapagsabi nga din po sakin maganda daw don kaso malayo, from malolos Bulacan po ako hehe
Anonymous