38 Các câu trả lời
Sa ngaun di pa safe na ibyahe ang baby not unless, may sariling sasakyan. Sabihin mo, Ma hindi po ako papayag na dalhin sa Iloilo ang baby ko. Tapos di kasama ako o asawa ko. Ano tuta lang po? Di po tuta anak ko na kung kung na cutan hihiramin at dadalhin sa malayo. Hindi naman po kawawa anak nyo. Dahil nag ttrabaho po sya para sa anak nya, sa aming mag-ina. Kakapanganak ko lang po, at mas kailangan ako ng anak ko. Sa ngaun, di po ako.makatulong sa gawaing bahay kasi kakapanganak ko nga lang at mas kailangan ako ng anak ko. Sana po intindihin nyo po ako. Nag daan din naman po kayo sa ganto dba. Wag naman nyo po ako idown masyado kasi nasstresS po ako. Ma, wag nyo naman po ako sabihan ng hindi ako marunong mag alaga. Hayaan nyo po ako matuto mag alaga. Kasi natutunan naman po yan. Puro na lang po negative mga pinagsasabi nyo sakin, lahat ng napapansin nyo sa akin mali. Supportahan nyo naman ako minsan. Onting positibo naman po. Para goodvibes. ECQ na nga po e. Dadagdagan pa. Yung mga pinagbabawal nyo po, e pang sinauna po yun. At walang scientific evidence. Puro kasabihan lang. Ang totoo po, para mas makatulong ako. Breastfeeding. Kasi hindi na ho gagastos ang asawa ko. At maraming benepisyo ang gatas ng ina. Di ko po pinag dadamot ang anak ko. Pwde nyo naman kargahin. Pero kailangan nya po dumede sa akin. At di po ako nakikipag kumpetensya sa inyo. Alam ko na madami na kayo na pagdaanan. Kaya hayaan nyo po ako maging asawa at ina sa mag-ama ko. Hindi po suka ang tawag dun. Lungad. Kailangan po kasi ipa burp/padighayin ang baby pagkatapos padedehen pra di mag lungad. Ganto sabihin mo "ma, kaka kuha ko palang sa anak ko, sanayin agad? Nag ba bonding lang po kami. Kasi pag lumaki sya, hindi ko na yan mabubuhat lalo na pag napasok na sya sa school, pag nag binata. Kaya ene enjoy ko lang habang sanggol pa sya. Ninanamnam mo lang. Hindi sinasanay. "Ma, bat nyo po pinapalitan ng damit? Kakapalit ko pa lang naman po. Ayaw nyo po ba yung sinuot ko sa anak ko?? Dagdag sa labahin na naman palit agad. Kung pawis dun lang papalitan damit o lagyan ng lampin sa likod." "Ma, hindi naman po sa,di ako marunong mag alaga ng anak ko pag umalis kayo. Sa una siguro mahihirapan. Pero kakayanin ko po kasi mahal ko ang anak ko at asawa ko." Wag nyo po ako compare sa inyo. Kasi alam ko magaling po talaga kayo. Pero mag kaiba ung way nag pag alaga nuon, sa ngaun. Kaya hayaan nyo po ako maging ina at asawa. Para po matuto ako." Lastly, sabihin mo sa asawa mo specific kung ano yung mga sinasabi ng MIL mo. Na nakaka sakit naman. Open mo sa asawa mo na gusto mo muna iuwi ang baby nyo sa inyo. Para magka peace of mind ka. Kung sarili nyong bahay yan, yung MIL mo na lang pala ang pauwiin nyo. Para d ka na sstress. Sabagay ako rin na stress ako non e. KayA minsan tlga nasasagot ko or sinasabi ko sa asawa ko. Isang beses ko lang napainom ng formula anak ko dahil sa MIL ko din. Sinabi ko sa asawa ko na ayaw bg pedia ng Formula pra d magkahika, at hindi sakitinm yan sabi ng pedia dbm kaya ayun sinasbai ng asawa ko sa mama nya. Laging sabi ng PEDIA. Hahaha Naalala ko pa pala non, nadede pa ank ko gusto nya kargahin, ssbhin kumain kana kuna. Sabi ko d pa po tapos anak ko dumede. E usually 2 hr sya nadede or 1.5 hr nadede. Tlagang d ko binibigay. Hello, I'm his mom. Ibibigay ko sa inyo pag bumitaw na sa pag dede anak ko. Or yung mama mo naman ang papuntahin sa inyo, para maiba lang. Hehe. Pag pray mo din MIL mo na bumait sayo. Sa lahat ng saint. 🙏
ngayon ko lang po nabasa mga comment nyo and thank you sa concern, last week pa ng feb. nakauwi mil sa province nila.. thank God at di cia napag-abutan ng ECQ dito.. That time na kasama namin dito sa bahay MIl, gustong-gusto ko cia kausapin, gusto ko sabihin sa kanya lahat ng nasa saloobin ko pero di ko ginawa.. dahil alam kong nonsense lang kahit kausapin ko siya. Simpleng pagsabi mo ng bawal po ganito, wag po muna ganyan.. di nya maintindihan.. sobrang kitid ng utak nya na wala ciang pinakikinggan. Palibhasa kasi di cia pinagsasabihan ng asawa ko lagi na lang sinasabi na hayaan, kaya ayun namihasa. Hindi rin ako nakatiis, lumayas ako kasama ko anak ko.. isang kanto lang naman ang pagitan, pagkalabas ko pa lang ng pinto may pahabol pa cia.. ang sabi nya "BAYARAN MO GINASTOS NI NONOY SA OSPITAL" sobrang sama ng loob ko, ilang beses ako sinuyo ng asawa ko na umuwi na sa bahay dahil namimiss nya na raw kami ng anak nya pero nagmatigas ako hindi ako umuwi hanggat di bumabalik nanay nya sa probinsya. Kaya ng umalis, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan, nakahinga ako ng maluwag, ang gaan sa pakiramdam. Sana lang wag na ciang bumalik
Nako buti napang hindi ganyan MIL ko kung nagkataon siguru giyera😂 siyempre sis anak moyan at oaki explain saknya walang panis na BM baka yung isip niya ang oanis masiyadong magaling nung unang 3buwan asawa ko lahat gumagawa sa mga gawain bahay lako sa paglalaba lalo galing sa trabaho pagod na pero siympre he insisted kasi nga mas mahirap buhay nanay at siympre isa pa anjan naman pala siya e bakit di nlang siya tumulong kung gusto niya kesa magreklamo na anak niya lahat kumikilos e siya naman tong puna ng puna, pwede din naman na manahimik nalang kaso wala talagang minsan may biyenan na magaling daw kuno pero pag uuwi mo siya sa provnce niyo bawal pa alam ko lalo na now na ecq pero kung ibahe naman pwede na kahit ilang days palang siya as lng as di kayo mag commute kasi hassle yun pero to make sure yung ibabiyahe mu siya yung nakikita mong malakas na si lo para nadin saknya at di mapagod since baby pa, better talaga na kung ganyan ang biyenan iniiwan😂 at ako kung ganyan siya sus baka dibali ng magkagalit kami huwag lang makumpara yung sarili niya sakin. Kaya thankful ako kasi ang supportive lang niya💕
Huwag nyo po muna ibyahe c baby lalo na sa panahon ngayon wala pang lutas yung covid19. Pag sabihan nyo po ng maayos yung byenan nyo na dpat ikaw masusunod pag dating sa anak mo di pwedeng panis yung gatas sa dede sis walang ganon kamo. Haha! mas mahalaga gatas ng Ina kesa sa kung anumang formula milk. Lipat muna kayo ng baby mo sa malapit na kamag anak mo po kesa mastress ka po jan at baka mabinat kpa kung kakapanganak mo lang.
Wag mo muna ibyahe sis. Ang dirty pa Ng outside world. Kausapin mo mister mo and sabihin mo lahat ng concern mo para sya magsabi sa mil mo. Hindi mo naman pinagdadamot si baby kaso wag silang pakelamera sa way mo ng pagaalaga. mejo bastos din yang mil mo eh. Kelan pa naging masama ang pagbebreastfeed, di nya ba alam benefits Ng breastmilk. Juice ko kakaasar. Pag wala na covid iuwi mo na yan senyo either that or bumukod na kayo.
Ang hirap ng sitwasyon mo sis, pero maganda yan kung kausapin mo asawa mo. Nakakaasar basahin yung kwento siguro kung ako nasa sitwasyon mo makakabastos ako. Di na kasi tama unang una wala siyang karapan sa anak mo. At walang ina na alam lahat sa umpisa, tsaka di naman napapanis ang gatas ng ina. Baby ko nga non 1 week hindi dumede sakin after a week pinadede ko ulit sakin eh.
Baby mo yan Mamsh kaya dapat ikaw yung masusunod. Nakakastress naman yang MIL mo mas mabuting umuwi ka muna sa inyo. Okay na sguro e byahe yung baby pag around 1 month na basta dapat may kasama ka para di ka mahirapan. One month and 15 days yung baby ko nung binyahe ko sya. And Mamsh, di po napapanis ug breastmilk. Mas masustansya pa nga yung milk natin eh.
Ikaw parin masusunod sis. KC anak mo Yan. Sana turoan ka nlng Kong dimo Alam Hindi Yung masyado syang nag mamagaling parang di sya dumaan sa ganyang stage. Chka mas magandang e bf ci baby. Nakakainis ung Ganyan. Masyadong pakialamera 🙄 pag tanggol mu sarili mo. Para di ka ganyanin Ng mil mo.
I guess 3 mos pwede mo na ibyahe ng malayo si baby. Nakakastress yang MIL mo. Sana umuwi na siya sa Iloilo agad agad. Yan ung literal na pakialamera MIL. Bilib na bilib sa sarili. Mabuti na ngang ikaw na muna ang lumayo kesa dumating pa sa point na mapuno ka sa kanya at masagot sagot mo lang siya.
Your baby, your rule mamsh. Kausapin niyo po siya mamsh. Pwede naman siya mag suggest or tumulong tulong pero wag naman yung parang siya na yung nanay na yung gusto niya ang masusunod. And hindi napapanis ang milk natin liban nalang kung pinump mo 😂 pwede rin naman bumikod kayo ni hubby mo mamsh.
nakabukod naman po kami ng asawa ko bumiyahe lang mil ko from Iloilo para may makasama sana ako pag nanganak ako pero uuwi din naman siya, ewan ko lang bakit naextend
Kristal Lyn Briones