Kahit madalas nakakabaliw ang pagiging hyper at kulit ng ating mga anak, mas gugustuhin ko pa rin na magtatakbo siya at mag-parkour sa sofa namin kesa naman meron siyang sakit.
Naalala ko dati, isang araw, bigla na lang naging matamlay ang aking baby boy. Ayaw niyang kumain. Walang gana. Buong araw lang na gusto niyang nakayakap sa'kin at sa mommy niya. Nakakapanibago. Yun pala, nagkaroon siya ng dengue. Sobrang nakakabaliw bilang magulang.
Kaya para sa'kin, mas okay na ang sobrang kulit kesa may sakit. Mas masarap marinig ang malutong niya na pagtawa kesa marinig ko siyang sumusuka.
Agree ba kayo, mommies? May similar na bang nangyari sa inyo?