94 Các câu trả lời
bago ako manganak pinaligo muna ako. seriously nung habang nag lalabor ako sa bahay before kami pumunta sa ospital pinaligo ako ng malamig na tubig para daw mag less ang sakit ng tsan. then yes nag less naman. Naligo ulit ako after 3days
Misis q naligo na after makauwi galing hospital 3days kc na CS sya pero pinapaligo n sya ng doctor s hospital after 24hrs. ayaw lng namin kc medyo ndi maganda CR eh pero kungnmaayos CR s hospital tiyak naligo sya
Ako nung nagle-labor na ako naligo na ako, 2am ng madaling araw yun. Hanggang ngayon 2 weeks na akong nakapanganak wala pa rin ligo-ligo 😅. Sabi kasi ng lola ko baeal pa maligo hangga't may dugo pang lumalabas sayo
2 days after c-section naligo na ko pero d ko binasa ung tahi ko. Then 3 days after c-section nung pg discharged d muna ako naligo kinabukasan nlng and palaging warm bath pampaligo ko for a week.
within 24hrs ako. both sa 1st & 2nd baby ko. 😂 depende yan siguro sa girl power nyo 😂 kung kaya na or hindi pa. warm water at super bilis na ligo lang ginagawa ko. keri na keri
pag normal ka 1week pero pag cs ka kahit ilang araw lang daw kasi dinaman daw napagod ang mga ugat at dugo un po ang sabe kasi kaya 1week sa normal dahil pagod padaw ang ugat o dugo ba un
Ako sis pagkatapos ko manganak di din ako pinaligo nang lola ko for almost 10 days grabi kasi bawal daw and nong pinaligo na ako may something silang nilagay sa pinaligo kong tubig.
Pag normal ka momsh like me pwede ka maligo pag ka kinabukasan agad after you delivery pero oag CS it takes days pa before ka makaligo. So mas faster ang recovery ng normal.
Sa mga Oldies natin sinasabi 10 days bago maligo but for Doctor kapag ka nakauwi kana pwede kana maligo. You maybe thinking why? Di kasi naniniwala ang mga Doctor sa PASMA.
Yes. Ako after 3 days naligo na noon di ko kinaya yung lagkit feeling kahit punas punas 3x a day. Nung kaya ko na makatayo at maglakad tsaka ako naligo with warm water😊
Christine Abbygaile Delfin