K a h l e l 🤍 👶🏻
May 25, 2021 | 2,900 g | via NSD
37 weeks 4 days ~
Nag pa-check up lang tayo nung tanghali, biglang kinagabihan 4 cm at inadmit na ko. Haha
almost 15 hrs of labor, 7 cm – sobra na sakit at iyak ni mommy kasi ndi na tumitigil ung contractions pero ayaw pa pumutok ng panubigan. Hanggang sa pumutok bgla at dinala na ko sa delivery room pero bago makahiga sa bed, nasuka pa ko. Dahil daw sa sobrang pain. Di ko kinaya.
At eto na nga! Ang hirap pala umire mamsh!! Why naman ganon. Hahahah parang abot utak ko na ung pag ire ko, ayaw pa din. Sobrang nakakapagod. Dagdag mo pa ung habang umiire, nakaka idlip ako. Dahil sa sobrang groggy sa ininject sakin na pain reliever. So ang nangyayare bumabalik si baby imbis na lumalabas na ung ulo huehue
Akala ko ndi ko na kakayanin. Dahil sa tagal ko ng umiire mag 2hrs na ko sa DR, naririnig ko na magiging option na na-i-CS ako kasi ndi ko talaga kaya. Masyado daw malaki si baby para sakin. Pero bigla ako napa-ire ng bongga hahah hanggang sa lumabas ka na. Naalala ko siguro na ung pang CS ko bili nalang natin aircon, ref at washing. 😂
Huling narinig ko nalang iyak mo at ung side comments ng mga nurses at OB na ang pogi mo daw. 😊 tas nakatulog at napunta na ko sa ibang demensyon. Potek hahahaha
I love you so much, baby ko! Pogi pogi mooo 🥺❤️
Thank God nakaraos na 😍 ung sakit ng pempem nalang Hahahahahah 😩😩
Have a safe delivery din sa inyo mga mamshies! ❤️
Nhec Cailing Del Mundo