To all single moms out there

Justice has prevailed. THANK YOUUUU so much Attorney. ❤️ Single momshies, kasal man o hindi, malaki ang laban niyo when it comes sa paghingi ng regular na sustento sa tatay ng mga anak mo. So ano pang hinihintay mo, punta ka na sa PAO agad agad besh. Supportado ka ng R.A. 9262 "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004." Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng "economic abuse" kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional. Tips ko lang ha, para mas madali ka makapagsampa ng reklamo, dapat: 1. May regular source of income ang papa ng kids mo 2. Alam mo yung complete address 3. Nakapirma siya sa birth certificate nung mga anak mo. (pwede rin naman kahit di siya nakapirma kaso gagastos ka pa pampa-DNA lol) 4. Sinusubukan mo or nag-eeffort ka humingi ng sustento sa kanya Kaya besh, wag na magpakamartir. Oo, kaya natin buhayin ang mga anak natin mag-isa. Siyempre babae tayo e. Strong tayo. Pero wag mo saluhin mag-isa ang responsibilidad mo sa mga bata. Dalawa kayong gumawa niyan. Hahayaan mo nalang ba na ikaw, nagpapakahirap kumayod sa trabaho pero yung ama ng mga anak mo e nagpapakabuhay binata dahil walang sinusuportahang anak? Di panlilimos at pagmamakaawa ang tawag diyan. OBLIGASYON yan ng ama na dapat mong ipaalala sa kanya. Galing din pala ako ng VAWC sa Muntinlupa police station. If ever daw hindi ako kuntento sa desisyon ng PAO, pwede raw idiretso sa kanila. In two to three weeks pwede raw ipakulong yung tatay through the decision of the court. Mag-uundergo ka ng 2-3 sessions ng psychological theraphy kung saan titingnan kung nagkaroon ng psychological effect sayo yung di pagsusustento ng tatay ng kids mo. Pag napatunayan daw ayon sa VAWC at nahatulan ng korte, pwede mo na ipakulong yung tatay ng kids mo. 6-12 years din yun. ? -------------------- COMMON QUESTIONS: 1. Magkano ang nagastos ko pagfifile ng complaint sa PAO? Wala po. Kung meron man ay yung pamasahe ko papuntang Hall of Justice tsaka yung pampa-LBC nung letter galing kay Attorney na inaanyayahan yung tatay ng mga kids ko na mag-usap kami sa PAO. ? 2. Paano kung di kami kasal nung tatay at may sarili ng pamilya yung lalaki, pwede pa rin ba humingi ng sustento? Ang isyu kung kasal o hindi ang magulang ay hindi mahalaga sa suporta dahil kahit hindi kasal ang mga magulang ay may karapatan ang anak o illegitimate child na humingi ng suporta sa mga magulang niya. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae (kalive-in) at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na "economic abuse". Ito ay naiiba sa "psychological abuse" o "physical abuse" na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak. 3. Paano kung walang trabaho yung tatay? Di ako sure masyado. Pero base sa comments, sa magulang daw ng lalaki ipinapasa yung responsibilidad na magsustento sa bata. 4. Magkano ang dapat hingin na sustento? Depende po sa sweldo o kinikita ng ama. Hati din po kayo sa computation so it's a 50-50. Hindi po included ang wants ng mga bata. Needs lang. So ihalimbawa ko yung samin. Dalawa ang anak namin, 2 years old and 1 y/o. P6000 yung sustento na ibibigay niya yung napagkasunduan namin. P6000 din yung share ko sa mga bata so total of P12000. Eto yung breakdown: Gatas for 1 month - P6,640 Distilled water - P960 Diaper - P1344 Miscellaneous (kuryente, tubig, sabon, bigas, ulam, vitamins, shampoo, tsupon, damit, pangcheck up, pambili ng gamot, pang-abot sa pamilya ko na nag-aalaga sa mga bata) - P3,056 Yan po. Hati po kayo, hindi lahat salo ng lalaki. "Walang eksaktong halaga ang pagbibigay ng sustento. Ayon sa Article 201 ng Family Code, ang sustento ay nakadepende sa kakayahan ng magbibigay at pangangailangan ng tatanggap. Ang ibinibigay na sustento ay maaaring dagdagan o bawasan depende na rin sa kakayahan ng nagbibigay at sa pangangailangan ng tatanggap nito. Sa madaling salita ang mga taong may matataas na kita ay inaasahang makapagbibigay ng mas mataas na sustento kumpara sa mga taong mabababa ang kita." - Atty. Angelico Cabredo Idagdag ko rin ang sagot na nakuha ko sa E-Lawyer's online: Upang malaman kung magkano ang estimate ng amount na dapat ibigay ng magulang sa anak sa kanya buwan-buwan, kailangan muna na ilista ang mga monthly expenses ng bata na binubuo ng kanyang buwanang suporta. Ayon sa Article 194 ng Family Code, ang "support" ay binubuo ng food, dwelling/bahay, clothing, medical attendance, education and transportation ng naayon sa kakayahang pinansiyal ng pamilya kasama na ang schooling or training for some profession, trade or vocation, even beyond the age of majority. Transportation shall include expenses in going to and from school, or to and from place of work. Ibig sabihin, ang support ay depende sa kakayahang pinansiyal ng pamilya kung kaya ang luho ng isang asawa o anak ay hindi pwedeng isama sa paghingi ng suporta. Pagkatapos macompute ang monthly expenses ng bata, ito ay hahatiin ng 50/50 at ang 50% ng nasabing gastos ay ang amount na obligasyon na ibigay ng tatay at ang natitirang 50% ay ang amount na obligasyon ng nanay. Ang ibang malaking expenses katulad ng tuition fees, medical and hospital expenses ay hahatiin din ng 50/50 ng mga magulang ng bata dahil nasa Family Code na ang pagsuporta sa anak ay dapat mutual o parehong magulang at hindi lamang ang isa sa kanila at ito ay ibabahagi ng naayon sa Article 201 at 202 ng Family Code. Ayon sa Article 201 ng Family Code ang suporta o sustento ng magulang sa anak ay depende sa capacity o kakayahan ng magulang at depende sa pangangailangan o necessity ng anak. Nasa Article 202 na ang sustento o suporta sa anak ay pwedeng taasan oh babaan depende sa pag-taas o pag-baba ng kakayahan ng magulang o pangangailangan ng anak. 5. Pano pag lumaban sa korte? Kung wala syang proof na nag susustento sya REGULARLY tapos na agad ang kaso. 6. Pano kung may pamilya na sya? Regardless sa status ng anak nyo legitimate or illegitimate. Your child has the right for support karapatan ng nga anak nyo yon. Mabigat ang batas ng RA9262, madaling proseso, wag nyong hayaan na maging irresponsable ang tatay ng mga anak nyo. 7. Paano naman kung sumama sa ibang lalaki yung nanay at sa akin pinasasagot lahat ng gastusin ng bata kahit may trabaho naman ang nanay? Sagot ng E-Lawyers online - Ang common misconception sa Pilipinas ay dapat ang tatay lamang ang magsuporta sa pamilya at walang obligasyon ang nanay na magbigay ng suporta sa anak. Ayon sa Article 68 ng Family Code, ang mag-asawa ay may obligasyon ng mutual help and support. Samakatuwid, silang dalawa ay magtutulungan at magsusuporta sa isat-isa at para sa pamilya. Ito ay sinuportahan pa ng Article 70 ng Family Code dahil malinaw sa batas na parehong mag-asawa ang responsable sa suporta ng pamilya. Ibig sabihin, hindi lamang tatay ang dapat magsuporta kundi ang nanay din ang dapat magsuporta. Art. 70. The spouses are jointly responsible for the support of the family. The expenses for such support and other conjugal obligations shall be paid from the community property and, in the absence thereof, from the income or fruits of their separate properties. In case of insufficiency or absence of said income or fruits, such obligations shall be satisfied from the separate properties. (111a) 9. Paano ba dadagdagan o babawasan ang halaga ng sustento? Pwede niyo po itong hingin sa husgado, basta may ebidensya po kayo na lumaki na o nabawasan ang pangangailangan ng mga anak at lumaki o lumiit na rin ang kinikita ng Tatay na nagsusustento. 10. Kelan po pwedeng hingin, at kelan dapat ibigay ang sustento? Kaagarang dapat po itong ibigay sa mismong oras ng pangangailangan ng anak. (Article 203 of the Family Code of the Philippines) 11. Meron po bang expiration date ang pagsusustento sa mga anak? Sa ating batas, ang sustento ay dapat ibigay hanggang mag 18 years old ang anak. (Section 3 of Republic Act 6809) Ngunit ang sustento sa pag-aaral o education ng anak ay dapat ipagpatuloy hanggang sa matapos ng anak ang pag-aaral sa loob ng normal na panahong ito ay matatapos, kahit po sobra na sa 18 years of age. (Article 194 of the Family Code of the Philippines) 12. May limit ba ang sustento sa education? Wala naman po, dahil lahat ng kailangan sa pag-aral tulad ng tuition, aklat, uniform, etc ay dapat ibigay. Kasama po ditto ang lahat ng gastusin sa pamasahe patungo at pauwi sa school or training center. 13. Sa paanong paraan ibinibigay ang sustento? Ito po ay sa pamamagitan ng: (a) Pagbibigay ng pera mismo or; (b) Pagkupkop ng Tatay sa kanyang anak. (Article 204 of the Family Code of the Philippines) 14. Ano po ang ilang examples ng moral or legal na hadlang sa pagkupkop ng nagsusustentong Tatay? (a) Kung ang Tatay ay nagmalupit sa anak (Pascual v. Martinez, C.A. 37 O.G. 2418) (b) Kung ang Nanay ay minaltrato ng Tatay sa pagpapagawa ng mga sexual na kabastusan sa asawa (Goitia v. Campos Rueda, 35 Phil. 576) **** That's all momshies. Eto na ang panahon para kumilos tayong single moms. This should be an eye-opener para marealize ng mga lalaki na ang di nila pagsusustento ay isang krimen at hindi lang basta-basta. Kumilos na tayo para mabawasan ang mga pabayang ama. Laban lang! ? - CTTO repost lang po

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan