My miracle baby

Kiana Grey Sinamban Abarro 39 weeks and 1 day 2.9kls June 04,2020 @ 2:47 am via Normal Delivery Edd: June 10 Dob: June 04 Share ko lang. June 01 nagspotting ako at medyo nakaramdam na ng labor. June 02 nagstart na sumakit puson ko ng sobra. Pumunta na kame clinic lying in. June 03 andon pa din kame lying in. Kasi sobra sakit talaga ng labor grabe. 12 am di ko na mapigilan na para akong taeng tae at ireng ire hanggang sa 12:30 na pumutok na panubigan ko pumunta na ko delivery room kasi nag aayos palang mid wife dahil nga kagigising may muta muta pa. Pagkahiga ko tuloy tuloy na labas ng tubig ko. Tapos after a while nakita ng midwife 'ay naku footling' to ang narinig kong sabi niya. Suhi daw. Nauna paa niya. Naiiyak na ko sa sakit kasi sabi pigilan ko daw pano ko pipigilan kada hilab niya sarap umire. Tapos pinipigilan niya labas ng paa ng anak ko nararamdaman ko kasi natutulak e. Tapos katagal bago may sumagot sa call kasi nga madaling araw wala pa sasakyan sabi pa emergency cs na daw ako non. Hanggang sa lumabas na tuluyan isang paa niya. Nilagyan na ko ng diaper. Nagtawag na sila ng sasakyan. Ala una na siguro non wala pa din masakyan. Naiiyak na ko kasi di ko na alam nangyayare gusto ko safe pa din si baby ko. Pinahiga ako left side para di tumuloy kasi katagal ng sasakyan.. Di ko na alam nangyayare basta nararamdaman ko lang pumapadyak siya at natatakot na ko baka mapano na baby ko. Dumating trike hinatid kame malapit sa hospital. Pero di kame tinanggap kasi wala doctor daw katagal pa nila nag usap. Ambulance ang naririnig ko kasi napapapikit na ko sa kada hilab ng tiyan ko. Pero ayaw pa ata nila ipa ambulance ako emergency na nga. Ininterview pa ko sabi ko sa isip ko 'tangina makaramdam naman kayo' di na ko makapagsalita sa hilab ng tiyan ko. Kaya sinakay na ko agad. Katagal pa ng biyahe kahit ambulance na kada tagtag ko sa sasakyan dumudulas siya sumasabay sa paglabas ng tubig kaya dalawang paa na niya nakalabas. Pagdating sa delivery room for cs na kaso wala pa doctor katagal may 30 mins na ata ako nakakayang don kaya naipit na siya sa pwerta ko hanggang sa tuloy tuloy na hilab ng tiyan ko tuloy tuloy na labas ng tubig ko sumasabay siya nakalabas na isang kamay niya kaya alam ko pinunitan na ko hanggang sa ulo nalang ang natira inire ko kaya lumabas na. Tinakbo nila agad nilagyan ng oxygen kasi hindi umiiyak. Maya maya lang papikit na mata ko umiyak na siya pero di normal iyak niya. Nakainom na pala siya sa panubigan ko napagod daw siya sabi ng pedia niya kasi na stack siya ng ilang oras saken. Wala pa din doctor ko non. Hanggang sa nakita ko nilabas na baby ko. Tanong na ng tanong mga tao sa loob bakit daw di ko alam na suhi si baby. Bakit di daw ba ko nagpa ultrasound. Kako sa kanila tatlong ultrasound ko po cephalic lahat nakalagay. IE po ako ng midwife 2cm na kaya akala ko wala problema. Hanggang dumating doctor tahi nalang ginawa saken. Swerte ko daw kasi nainormal ko si baby. Nagising na ko umaga na talaga mga 7 na ata. Don na ko naiiyak kasi di ko na alam lagay ng baby ko. Awa ng diyos okay naman daw siya. Umiyak na ng malakas. Pero naka oxygen pa. Dumating asawa ko nailipat na ko ng room. June 05 dumating doctor ko actually tatlo silang doctor ko refer refer nalang nangyare kasi di agad makapunta kasi malayo kaya sa mas malapit na doctor ako nirefer. Kung wala siguro action yong midwife non baka napano na kame ni baby. Natakot silang galawin ako kasi delikado nga daw. Pero imbes ako mahirapan yong anak ko ang umako. Ayaw niya ko macs kaya talagang lumabas na siya normal ngayon siya ang naghihirap pero lumalaban siya. Naisusuka at naitatae na niya lahat sabi ng pedia niya. Pero admit pa din siya 7 days. Pero yong pakiramdam ko kinakaya niya e. Di ko alam pero lumalakas loob ko pag nakikita ko baby ko kahit picture lang. Di pa namen nakita personal kasi naka dextrose pa may oxygen pa nakakabit. I need your prayer para mailabas na namen si baby. Kahit ubos na ang ipon may awa ang diyos alam ko di niya kame papabayaan. ?☝? Iloveyou anak. Tumutulo na din gatas ko sa dede ko. Everytime maiisip kita naeexcite ako mahawakan ka sa kamay ko. Ayoko pang hinaan ng loob kasi baka maramdaman mo din yon. Sobrang blessed kame sayo anak sobrang strong mo kahit nasa tiyan palang kita. Kaya kakayanin naten to ha. Love ka namen ng daddy mo. Gagawin namen lahat ng paraan maging okay ka lang at makalabas ka ng malusog at wala ng sakit pa. Thank you lord. ?☝??❤?‍?‍?

124 Các câu trả lời

VIP Member

Hello baby! kaya mo yan!! 🙏💓 June 1 nanganak ako mumsh, 4.30 am palang labas na ng labas panubigan ko. 5am nasa hospital na kami ni hubby. di pa ko agad naasikaso ng hosp. na pinag papacheck upan ko. wala akong idea kung ok ba kami ng baby ko (FTM,) kalma lang ako non, kase walang masakit sakin. pero ang diaper ba sinuot ko mapupuno na kakabulwak ng tubig.. inabot na kami ng 6.30 sa hospital na yon,. sasabhin lang wala ob ginawan kami referal. ayun hrap sa transpo close cervix pa ko. tapos ang panubigan ko tuloy tuloy agas with blood un mumsh. then nag decide ako na dun nlng pumumnta sa hospital na same city namin tas dun dn na cs pinsan ko... pag dating don Ie sakin 1 cm.daw. bakit daw d ako inasikaso delikado na daw mauubos panubigan ko. sabi ko wala po sila cnabi. bsta wala pa daw ung ob lipat na daw ako. kase para ma check ako. ayun. deretcho lab test ako. napaka swerte ko sa ospital nato. maasikaso. walang sayang na segundo. after test. deretcho labor room. 8 am. 1 cm padin... 12 noon. 3cm .na dasal ako ng dasal mula malaman ko na delikado inisip ko ung cnbi ng ob. pinanghihinaan ako loob pero nilabanan ko. .. ginawa ko [ng usual namin ni baby, kinakauspa ko sya same things na sinasabi ko parate, "baby! :) db strong tayo! mula nung nakita kita sa unang ultrasound, alam ko strong ka eh. lakas lakas nga ng una mong heartrate. 177! oh db. kase lab ka ni papa jesus... tapos lab ka pa ni mama.. galaw ka nga baby kung ok kalang jan..... ? kamusta kana? wag mo intindihin ung iyak ni mama, masakit lang puson ko eh. hehehehe. iyakin si mama. (tpos un gumagalaw galaw sya...) sobra na iyak ko. 2pm 6 cm na. (pero punasok doktor need ko na daw emergency cs.) d ko na alam iicipin ko. nagets ko na sya kahit di nya na pinahaba ung sinabi nya. pinirmahan ko na agad ung waver. 3 pm sinalang na ko umpisa nako i cs.. 3.31pm lunabas na si baby lakas ng iyak nya nadidinig ko sila. time of birth 3.31 pm. 2.8 kg. etc... tapos nag mamadali sila. d ko na nadinig ung iyak ni baby lumabas sila. then wala na ko maalala. 7 30pm. nagising ako nasa recovery room ako. tanong ko agad.. nurse san po baby ko?? kamusta po sya?? sabi nya, ay mam, ok kana po? pahinga lang po kayu, ok na si baby, kanina po naka oxygen sya, nahhrapan sya h[minga, pero ngayon ok na po sya, sabay po kayo ihahatid sa ward.. ayun nilabas nako papunta ward 2. nakapikit ako ayoko pakita sa asawa ko na guato ko humagulgol bakit nahrapan huminga si baby, tas maya mya. pinatong na sya sa dibdib ko. nkita ko na sya..... napaka sarap sa pakiramdamm ... ung halos 12 hrs ko na labor. sobrang sakit. delikado pa kami.... all worth it... wala talagang imposible kay lord basta mula noon malakas na pananalig mo sa kanya... d nya kami pinabayaan mula umpisa... puro na ko pag aalala mula nabuntis ako. ibat ibang matter pero lagi ko tinataas sa knya na lord, kaya ko to. gabayan nyu lang po ako .. iiyak lang ako, pero kaya ko to. kase mahal ko si baby... patnubayan nyu po kami ... 🙏💓 eto si baby 2nd day namin sa ospital 💓🙏😉

ramdam kita sis sa part na nilabas mo si baby tapos nagstay siya sa NICU di mo mahawakan, sobrang sakit ginawa ko lahat ng lakas inipon ko para hindi ipakita sa mga kasama ko na umiiyak ako, CS ako kaya nung unang araw di ako makabangon sobrang pigil akong umiyak kasi ayoko makita nila pinanghihinaan ako ng loob. Nung makabangon na ako, sa cr ako laging umiiyak pero di ko pinapahalata hnggang makauwi kami di kasama si baby tuwing madaling araw at tulog na tulog mister ko sa tabi ko dun ako patago umiiyak. After 3 days saka ko pa siya nakita at nahawakan nung pwede na ko magbreastfeed sa kanya, every 2-3 hours babalik kami sa NICU para magpadede pero di pa namin siya pwede iuwi. Maghihintay lang kami ng text ng mga nurse tuwing magigising siya padede. Yung asawa ko umiiyak na rin kasi di niya man lang mahawakan at sa salamin lang siya tumitingin , ganyan din si baby nakaphototherapy din siya , kulay blue ang ilaw niya at laging nakadapa pag nakatihaya naman may takip ang mata kaya halos wala din silbi yung makita siya sa salamin tapos layo pa ng bed niya. After 7 days naiuwi namin siya sobrang saya at worth it lahat pati yung gastos na umabot hundred thousand pwede kitain ulit, pero yung baby namin finally nandito na pinakamalaking blessing sa amin. Emergency CS ako at cord coil si baby, nakatae na din siya sa loob at nakain niya na pupu niya kaya siya nagstay sa NICU. Ngayon tuwing dumedede siya saken naaalala ko yung hirap at sakit na nararamdaman niya nung nilabas ko siya , wala siyang mama sa NICU, tapos puro dextrose pa siya, napakaliit tapos tinusok na agad naiisip ko kung paano siya umiyak nun tapos wala ako sa tabi niya. Awang awa ako sa kanya pag naiisip ko yun. Ngayon 22 days na siya malakas na malakas at healthy, halos ayaw ng humiwalay sa akin. Tiis tiis lang talaga sis, importante gumaling si baby. Baby ko ngayon naninilaw pa konti, 2 days siya nakaphototherapy nun sa ospital, nung nakauwi na sabi ng pedia paarawan everyday sa umaga para mawala ang paninilaw.

VIP Member

Congratulations mumsh 😣 nakaka bwsit ang mga tao walang pakiramdam palibhasa wala sila ang nasa situasyon wala naman tayong ibang hangad para sa bata lang din naman 😥 kaligtasan ng bata kung ako nyan di ko kakayanin maka iiri ko na pano ifor cs ka nila e naka lawit na ang bata edi para kang baboy na kinatay 🥺 okay na salamat kay papa God survivor mumsh and fighter baby 🥰 Godbless so much. Actually kakagising ko lang nabasa ko to sukong suko na ako ngayon kabuwanan ko problema at sa lahat pero nakaka inspire yong msg mo ❤

Mommy!!! Sobrang strong ng baby mo❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻 Pagaling kana baby, gusto kana mahawakan ni mommy mo. Sarap sarap pa naman hawakan ng baby lalo na kapag bagong panganak❤️ lahat ng pain, burado agad dahil sa baby😍 Stay safe mommy. Yakang yaka ni baby yan. Makakasama nyo na sya after nyan😍 🙏🏻🙏🏻

Congrats mommy..iba talaga pag c Lord ang gumalaw. Maniwala lang palagi na ang lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may reason at purpose c God kung bakit nya hinayaang mangyari Ang lahat. Pareho tayong na emergency C's dahil nagcord coil din ang baby ko. Nanganak ako last feb.19 and I'm 42 yrs old already.

VIP Member

Hi Baby!!! Palakas ka. Yung baby ko din po nung lumabas hindi umiyak. Emergency CS ako kasi humina heartbeat ni baby habang labor. Nung dinala po sakin si baby naka oxygen at dextrose din. After 5 days nakalabas din si baby sa hospital. Pray lang momsh. Palakas kayong dalawa ni baby. Praying for you and baby 💕

VIP Member

congratz mommy! 1st baby mo po ba? buti strong si baby 💕😇 umg friend ko kasi namatay ung baby nya sa lying in sya nanganak, nauna pumutok panubigan after 10 hrs lumabas si bby... dry labor na sya... paglabas ni baby di humihinga, tagal pa bago naipunta sa hospital ung baby... ayun namatay

naiyak ako sayo mommy😭 grabe nakakatakot naman nangyari sayo pero talagang iba pag si God☝️ang tumulong 🙏...kakayanin nyo yan..laluna ni baby nyo..dun palang sa ginawa ni baby napaka strong na nya don.. kaya im sure kayang kaya nya yan with God helps..

VIP Member

Nakaka sad pero lumalaban c baby gagaling na po sya wag ka mgalala at mkakasama muna din po sya🙏🏻 Dapat pinaanak ka prin ng mga midwife kc qng tutuusin kaya nmn nila cla pa ata naunang natakot at knabahan haayyy.. Keep safe at Godbless po🙏🏻💜

Sana nga sis🙏

Nakakaiyak at nakaka-proud kayo pareho mommy and baby ❤️❤️ Ang strong ng baby niyo mamsh sobrang galing niya ❤️ Salamat po sa Diyos at ok kayo pareho ❤️❤️ Update mo kami dito Mamsh nakakabilib talaga ang kwento niyo ❤️❤️

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan