Ask The Expert: 💔👫Maayos pa ba ang Relasyon pagkatapos ng Cheating? 😠

💬Join me, Dr. Aika Buenavista, a Certified Lifestyle Medicine Physician and Mental Health Advocate para sa 🗨💔Topic na: Maayos pa ba ang Relasyon pagkatapos ng Cheating? 👫Kasama ang theAsianparent, matutulungan ko kayong mga Parents bigyang linaw ang inyong mga relationship matters o issues sa pamamagitan ng pagsagot sa inyong questions around heartbreak from cheating, trauma healing, ways to help relationships recover from cheating. 😢 ❓️💬Send your questions sa comment section below para aming makita at masagot ❤️👫

Ask The Expert: 💔👫Maayos pa ba ang Relasyon pagkatapos ng Cheating? 😠
62 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sa side ko kase partner ko ilang beses akong niloko nagka postpartum pa ako dahil sa paulit-ulit nyang panloloko nariyang pati sa pinagbubuntis ko naapektuhan na hanggang sa mga nakita ko na mga scandal nila sa phone...nagalit ako,iyak ako ng iyak at minsan na para na akong nasisiraan ng ulo.. hanggang sa napuno na ako as in apaw na apaw na wala akong mapagsabihan wala akong mapagbuntunan ng galit until one day bigla ko nalang naisip na tama na to ayaw ko na gusto ko na sya layasan pero tuwing naiisip ko paano mga anak ko matutulad lang sila sa.akin broken family kaya ginawa ko nagdasal ako humingi ako ng sign sa Panginoon kung anong dapat kung gawin nariyan ng pinagtitirik ko na sya ng kandila na sana lahat ng bisyo nya mawala na, hindi ko na sya pinagpapansin di ko iniimikan pinababayaan ko na sya pinapaubaya ko sa Diyos ang lahat until 1day May nangyaring hindi inaasahan nagkaproblema sya ng malaki dahilan para matauhan sya pero mabait talaga ang Panginoon di sya hinayaang mapahamak bagkus tinuro sa kanya ang tamang daan,dun nya lang narealize lahat ng pagkakamali nya.Kung siguro sa panahon na yun kung hindi ako nanalig sa Ama at tuluyan ko syang tinalikuran baka nga huli na sa amin ang lahat baka napahamak na sya ng panahon na iyon or mas worst pa ang nangyari sa kanya nun at ngayon Glory to God nagbago sya nagpaka-ama sya kung dati puro sarili nya lang iniisip nya ngayon kinabukasan na ng mga anak nya iniisip nya at yun ang nagpapasaya sa akin ang makita na May pagbabago na sa kanya simula naging kami kahit ilang beses s'yang nagkamali pilit ko syang iniintindi kase sabi ko sa isip ko walang ibang uunawa sa kanya kundi ako kaming pamilya nya ika nga ng nanay ko sa pag-aasawa hindi lahat ng oras ay masaya hindi lahat ng oras ay pagdurusa May hangganan din lahat ng pasakit basta kumapit ka lang palagi sa Panginoon na sa relasyon lagi mong iicecenter ang Diyos tutulungan at tutulungan ka nya.Dasal lang ng dasal mga mii di natutulog ang Diyos pag di na kaya pumikit ka lang nasa tabi mo lang sya nakikinig sa iyo ipaubaya mo sa kanya ang lahat ng mga hinaing mo humingi ka ng tawad sa kanya..

Đọc thêm
10mo trước

.. very well said po😭 galing din po acu sa ganitong sitwasyon pru once plang apaka sakit po tlga sobra dhil cung kelan po kme nag kbaby uli n matagal nmen hiniling sa Lord tsaka sia nag cheat sken gusto cu sia hiwalayan pru iniisip cu din mga anak nmen lalo n ung baby nmeng maliit pa..binigyan cu uli ng chance dhil sbe nia nag sisisi sia naging mabuti nman po kce siang ama sa mga anak cu at asawa sken kaso d cu po alam cung natukso cguro tlga sia pru npakasakit po tlga..pru dhil mahal cu po binigyan cu ng other chance at pinaubaya cu sa Lord ang Lhat sbe cu sa Lord cung maayos kme tulongan nia acung makalimot awa nman ng Lord ito khit papanu nag hiheal n d ganun kadali pru kada masasaktan acu ke Lord acu nag sasabe bahala n kaku sia sa lahat..sna sa mga naka experience ng cheating mag heal n tau pare parehas at sna hindi n nila ulitin hanggang sa pag tanda nten..🥰🙏

Hello po me and my long term ex bf nakipaghiwalay kami nung lastyear dahil mas pinili at pinakinggan niya yung mga long term bestfriends and girlbestfriends niya over me. after 2 mos of breakup nalaman ko na preggy ako at sinabi ko sakanya, sabi niya na pananagutan niya anak namin willing niya magbigay ng financial needs kay baby. bout samin ayaw niya na makipagbalikan dahil sa ugali ko. may history po ako ng anxiety, stress, and depression disorder po. imbes na matanggap niya ako hinusgahan niya ako. never ko naexperience makasama at alagaan ako ng partner during pregnancy, naiinggit ako sa ibang preggy nuon na kasama nila yung partner nila yung inaalagan sila na parang reyna. everyday po ako umiyak dahil sa trauma binigay niya sakin dhil sakanya nasira lahat yung buhay ko, kung di dahil sakanya let passer na sana ako dra. alam ng family niya yung ginawa niya sakin pero masakit po hindi nila pinagsabihan yung ex ko. at ako pa nagmukhang masama dahil sa naglabas ako ng saloobin kesa kimkimin ko wala na po ako pwedeng pag openan ng problems ko except kay mama. because i'm introvert person hanggang sa naglabor ako last dec.2022. pinakamasakit sa part yung never sila nagsabi ng thank you, congrats, or any concern sakin etong mga family ng ex ko. hindi ko deserve yung ganitong situation tao din po ako nasasaktan din po

Đọc thêm

Nalaman q pong niloloko nya aq noong mag 2 years old n Po ung 2nd n anak namin. Kc mga time n un s parents Po nya cya nakatira kc pandemic Po noon ,noong pinanganak q ung 2nd baby Po namin.Yong trabaho Po nya kc ahente cya Ng load Kya napag desisyonan nmin n don muna cya titira s parents nya para hndi makakuha Ng sakit ung baby namin.Tpos after 1 year parang nag iiba n cya skn.hndi n cya masyadong pumupunta s Bahay parang nag Buhay binata cya.punta cya Dito punta cya Doon.Malalaman q nlng s fb n pumunta cya s ganitong Lugar.Hanggang s parang nararamdamn q n nagsisinungaling n cya skn Kya inopen q ung messenger nya.Binigay nya kc sakn ung password kaya naopen q.Un Po Nakita q n may girlfriend cya n mas Bata skn.Kaya hndi n Pala cya masyadong nagttxt skn para kamustahin kme Yun pla may iba cyang kachat at dinala pa nya s Bahay nla.Diniretso q Po cya agad n kng Jan cya mayasa s gnawa nya skn cge Kako Wala n kmeng dapat pag usapan.Tapos knabukasan Po cguro nakapag isip cya humingi cya Ng twad sakn,cyempre alang alang don s 2nd baby Po namin pinatawad q Po cya kht hndi n Po buo ung tiwala q Po s knya.Hanggang s unti unti n Po cyang bumabawi Samin .Ok n Po kme ngaun magkakasama n Po kme s Isang bubong at malapit nrin Po aqng manganak s 3rd baby Po namin.

Đọc thêm

For me, I experienced being cheated on during bf-gf stages, like repeatedly. Back story: Bad boy talaga reputation niya pero he was my close friend, kaya I was still seeing the good side of him---yung pagiging maalaga, maasikaso, etc. But in regards to being cheated on, I was about to give up but my partner told me na mahal na mahal niya ako magbabago siya and he promised to put our relationship with Jesus at the center. I gave him another chance. Cheesy and spiritual pero that's how we both healed. Siguro what I'm trying to say is....it's not enough na ang mag heal lang is yung nasaktan or victim ng cheating. The CHEATER needs healing too----bakit siya nagcheat? Anong root cause of his pagiging cheater? And he needs to forgive whoever caused that trauma sa kanya and yuna ng naging result sa kanya. Fast forward to today, mag-asawa na kami with child, and wala na akong nararamdaman na doubts sa kanya. Very open lahat ng laptop and phone niya sa bahay. He earned my trust and respect. Di yata tanong ito. HAHA share ko lang. Basta yun, takeaway: BOTH SHOULD HEAL.

Đọc thêm

Dr. Aika, my husband nung first year ng marriage namin cheated on me. Nabuntis nya yung babae. i was about to leave him pero I found out na buntis din ako. so I stayed and we both agreed to fight for our marriage. anyway years passed by, I have 4 kids with him already. He was also able to rebuild and reclaim my trust again. He isn't in touch din dun sa kabit nya dati na nabuntis nya. Yung mommy nya yung nagcocordinate dun sa Kabit para sustentuhan yung naging anak nya sa kabit nya. Even so, i still feel so much jealousy and hatred dun sa naging fruit ng panloloko nya sakin. I cant help but feel so angry dun sa pamilya nya sa labas. I dont know how to deal with these emotions. Hindi ko rin ito masabi sa kanya because I know it's so selfish pero ang unfair how Im feeling this when it all started with someone else's mistake and not mine. alam mo yung parang nakamove on na lahat and im still struggling pero ako naman yung naging victim. How do I cope from these?

Đọc thêm
10mo trước

Sabi nga eh 'You can forgive but never forget '

Dr. Aika, we're not yet married po ng tatay ng magihing baby ko. I'm 8 months pregnant po. During our relationship po, 4months ago nalaman ko po na nakikipag communicate sya ulit sa ex girlfriend nya, and he decided to end our relationship kahit may nabuo na po kami. Then after non nalaman ko na naging sila nga po ulit, and alam ng girl na buntis ako. It was so hard for me, until now. I blocked him on socmed and hindi na nag karoon ng communication sa kanya. Then suddenly, nagparamdam po sya ulit sakin and begged me to fix our relationship para daw po sa bata at mahal nya pa daw ako. I don't know if he's telling the truth. Kase kahit parang totoo ang hirap maniwala. Tbh, galit parin po ako sa kanya dahil sa ginawa nya. Pero nakikita kong bumabawi po sya sa pagkakamali nya. It's just that I don't trust him anymore at hindi ko pa po sya napapatawad, nahihirapan po akong mag open up sa kanya about sa nararamdaman ko because of my anger. Dr. Aika, mag wowork parin po ba yung relationship namin kapag tinanggap ko parin po sya para sa magiging anak namin?

Đọc thêm

Hi Dr. Aika. Good day po. My partner has 2 children po sa ex niya. 4 years na rin silang wala before naging kami. Hindi po sila kasal. Magkakafamily na rin kami, buntis po ako with our first child. We're planning to get married na rin po. But my problem po kasi is every weekend nagpupunta pa rin yung ex niya kasama yung 2 anak nila sa house ng partner ko na iniwan sa kanya ng parents niya. wala naman problema sakin if yung mga bata ay nagpupunta sa kanya every weekend, pero ang mahirap po kasi for me ay yung kasama pa po yung ex niya. hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan kasama pa sya. sobrang sakit lang po kasi sa part ko na until now every week nagkakasama pa rin sila. sinasabi niya sakin na maliliit pa daw kasi yung bata and hindi niya pa alam kung paani sasabihin na matagal na silang hiwalay. ano po kaya dapat kong gawin? kahit nahihirapan ako sa situation hindi ko magawang bumitaw kasi iniisip ko rin yung magiging baby namin.

Đọc thêm
10mo trước

Thank you so much sa advice sis! 😇 I really appreciate it. Sana nga maayos na niya lahat. Hindi rin talaga ako nagkakaroon ng peace of mind, every week nalang ganito.

after mag cheat ng bf ko, nagkababy kami. as in within 1 month na.nag decide kami mag baby, nabuntis din ako agad. so sabay sabay talaga lahat sa akin ang healing process. mahirap sa umpisa, dahil na din sa hormones ko siguro, kasi nag aaway kami pag bigla ko naisip o may biglang bagay o masabi na kwento related don sa girl. pero habang tumatagal na ang pagbubuntis ko, unti unti rin kami naka move on at di ko talaga sinusumbat sakanya yung mga nangyari kasi alam ko din sa sarili ko na di yun makakatulong sa mental health ko at baka maapektuhan din si baby non. ngayon 2 yrs old na si baby namin, never naman na sya umulit sana. at sana nga. kasi may usapan na kami ulit na if ever mangyari ulit, baka bumitaw na ako sakanya at lalayo talaga kami ng anak ko. selfish pero yun ang pakiusap ko sakanya. at nangako naman sya na hindi na talaga mauulit yun at hindi namin bibigyan ng hindi maayos na pamilya ang aming anak. 😊

Đọc thêm

Dr. Aika my husband cheated on me recently. actually hindi ko alam kung dati pa?seaman kasi cya. nahuli ko lang siya kasi nahawa ako sa kanya ng STI. kaya umamin. my baby na kami 8months old kya im trying na maayos. kaso sa side nya hindi daw cheating un kasi no feelings involved. one nyt stand lang daw. pero sa pag amin nya 2 ung nka one night stand nya na nagwowork din sa barko. nakikipaghiwalay na ako sa kanya kasi siya pa ung may lakas ng loob na palabasin na ako my problem sa relationship namin at hindi cya nauwi sa bahay namin.umuwi siya sa province nya. pero ayaw aman niya makipaghiwalay. feeling ko gusto nya na siya pa suyuin ko. e siya nga may kasalanan sa akin in the first place. atska magustuhan na lang nya umuwi. honestly nakakaiyak siya. kasi mas ok pa na hiwalay na lang talaga kesa ganyan. but still im always open sa paghingi po ng payo na pwede gawin for this situation po. thank u

Đọc thêm

Pahingi naman po ng advise mga mommies . Yung bf ko kc eh marami pa palng sikretong tinatago nalaman ko thru social media na may relationship pala sya sa ibng girl na malayo din, at parang close pa cla ng family nya..while ako dito nahihirapan sa pinagbubuntis ko na baby namin..bigyan nyo po ako ng advise pls para maunawaan ko na po..kc ilang beses ko na sya binigyan ng chance eh yung bf ko po is police po hndi ko po naman nilalahat na manloloko mga men in uniform pero karamihan po..matagal ko na sana planong ipalaglag baby namin dahil sa emotionally stress na ako dahil lang sa lalaking ginagawa akong tanga na matagal na pala..kaso nakokonsensya din po ako, sana po mga momsh mabgiyan nyo po ako ng advise para mawala na rin tong galit at poot na nararamdaman ko sa lalaking yun..

Đọc thêm