Jiro Miguel ang iyong takdang pangalan
Bigay ng iyong amang lubos ang kagalakan
Ng ikaw ay ibinigay sa amin ng Maykapal
Upang malubos ang aming pagmamahalan.
Dumating ka sa amin sa tamang panahon
Mula ng kami'y pagbuklurin ng mga taon
Di lubos maisip ang kagalakan namin noon
Bunga ka ng panata namin sa Panginoon.
Subalit may pangyayari na di natin inaasahan
Gaya ng mga pagsubok sa panahon ng tag-ulan
Ikaw ay nawala sa loob ng walong buwan
Masakit na balita na aming lubos na dinamdam.
Di man makapaniwala sa mga nangyari
Ngunit sa Diyos pa rin kami humikbi
Kung ito ma'y pagsubok nawa'y aliwin Niya kami
Upang ang lungkot, dalamhati ay mabilis mapawi.
Salamat sa iyo (Jiro Miguel) aming anak
Kahit sa maikling panahon, pinaranas mo sa amin ang galak
Ikaw ay magsisilbing lakas at panggayak
Sa mga susunod pa naming mga anak.
"MAHAL NA MAHAL KA NAMIN ANAK".