SHARING MY EXPERIENCE

Jan 9, 2020 Via Normal Delivery 3.9kg 39 weeks Hi mommies! Share ko lang experience ko. Since ang laki ng natulong sakin ng app na to. Isa ako sa mga mommy na pagtuntong ng 37weeks ay inip na inip na at gusto na manganak. Kainggit kasi yung mga nanganganak ng maaga. 37-39weeks na yata ang pinakamatagal na oras ng paghihintay ko. Since excited ako, pagtuntong ng 37weeks naglakad lakad ako, exercise, squat, ginawang tubig ang pineapple juice, kumaen ng pineapple fruit pero wala pa rin akong discharge or pain na nararamdaman. Hanggang sa sinabihan na ko ng ob ko. Haha Wag daw ako mainip. Lalabas si baby pag gusto na niya. So pagdating ko ng 38weeks nagchill nalang ako, humilata, nag ipon ng lakas para if ever dumating ang labor day ko ay makayanan ko. At eto na nga.. January 8, 2020 10:00pm sumakit na puson ko. Pero tolerable pa naman. No discharge pa din. At dahil excited ako pmunta na kami ng hospital, and charaaaaan... 3cm na daw ako. Pero dahil parang wala lang yung pain, pinapili ako kung gusto ko na magpa admit, sabi nmin ng partner ko, sige go!!!! Willing to wait kami na mag dilate na ko kahit gano pa katagal. Pero dahil good boy si baby.. 2am medyo masakit na kaya pag IE sakin 7cm na daw ako. Then inakyat na ko sa delivery room. 4:02am nanganak ako. Medyo natagalan ako sa pag iri kasi ang laki ni baby. Estimated fetal weight niya is 3.2kg pero lumabas siya ng 3.9kg. Nagkaron pa ko ng laceration sa cervix dahil pinilit tlaga siyang ilabas. Thankful ako sa ob ko dahil never naging option ang CS. Kayanin ko daw ??? Sobrang thank you kay God kasi yung package ko na painless ay hndi natuloy. Nakayanan ko ang labor! At higit sa lahat healthy si baby. Lahat ng makakakita sa kanya akala months old na siya. Pero 1week palang siya dto sa picture. Kaya kayo mga mommy chill lang.... Lalabas si baby pag gusto na niya ? Mas okay mag ipon ng lakas para sa labor day! ?

74 Các câu trả lời

me too. excited na ko lumabas baby girl ko. kc my baby boy na ko.☺️ gusto ko na nga sya ilabas nahihirapan n kc ako matulog sa gabi. pero aantayin ko na lang sya kusang lumabas.

wow congrats momsh.. si bb ko 3.6 peru.na CS ako..😔 indi n kase ng progress 7cm lang and nka poops na bb ko.. 🥰true pra ngang 1month yan din plagi comment nla ky bb ❤

VIP Member

induced labor ako .. pareho lang kaya ung pain sa normal na labor? grabe kc nung ininduce ako. halos ung oxygen na tangke sa tabi ko hinahawakan ko na at gusto ko na buhatin 😆

ako na eclampsia pa habang nag iire.. hindi naman ako hb. normal ako lahat.. grbe yung labor sakin 16hrs 😭 plus yung paglabas pa ni baby. 3.3kg si baby maliit din si baby ko.. walang discharge sakin. grbe lang tlaga ang pain 😭😭

Congrats ☺️ Thanks for sharing. Nainspire ako ksi inip n inip ndn ako. 38wks 3 days today base s BPS UTS. 😅 Nainspire ako na kaya ko dn kht malaki dn to si bby boy ko 🥰

39 weeks po ako based sa first tvs ko 😊 pero ung last bps utz ko nsa 40 weeks na siya kasi medyo malaki siya 😂 kaya mo yan mommy goodluck!

congrats po !! ako 35weeks ng preggy , kabado na ko kasi induced ako sa panganay at ung natrauma ako sa subrang sakit ng labor naffear na ko hehe 😅

VIP Member

congrats po mommy! di ako makainom ng pineapple kasi ang baba ng dugo ko 🥺 gusto ko na rin lumabas baby ko, nasa 39 wks na ko 😣

TapFluencer

Congrats mommy 38 weeks na din ako ngayon hinintay ko na rin mag labor sobrang exited na din lalabas ang bby boy ko😍😇

Chill lang mommy. Tingnan mo pag nawala inip mo saka siya lalabas 😂

congrats po mommy sana maayos din kami ni baby lalo na pag araw na ng panganganak ko..at sana healthy s baby.

TapFluencer

Congrats momsh..ako din super naiinip na haha. Im 37 weeks and 4 days gusto ko na talagang manganak hahaha.

VIP Member

Wow ang galing mo po mommy! 😍 Sana makayanan ko din ang normal delivery kahit malaki si baby. 🙏

Câu hỏi phổ biến