My Brave Fighter

Jael Yoshiro EDD: October 28 DOB: October 21 H: 50cm W: 3kg Hi mga mommies 😊 Meet my LO. He started our 2020 with a surprise hehe unplanned but my greatest blessing. Starting my 37th week, nagwoworry na ko kasi still no sign of labor and closed cervix pa. So todo exercise ako sa bahay kasi hindi na ko allowed lumabas para maglakad lakad dahil home quarantined na dahil done na ko sa swab test ko. More on zumba and yoga ball exercise ako October 20 (38 weeks & 5 days) nakaramdam na ko ng dysmenorrhea pain, started ng 10:45pm then nawala ng mga bandang hapon ng October 21, sabi ng OB ko irregular pa ang contractions so observe lang muna. By 7pm nagstart na ulit ako magcontract, almost 5mins na lang ang intervals then habang nakahiga ako naramdaman ko na lang na pumutok na panubigan ko kaya sugod na sa ospital, pero pagka IE sakin 2cm pa lang and napansin ng OB na greenish ang tubig na lumalabas sakin 🥺 Meaning nakapoop na si baby kahit hindi pa naman siya overdue. So ito na nga ang nangyari, E-CS ako. Dahil sa liit at nipis daw ng matres ko sobrang nasikipan na si baby kaya naghahanap na sya ng way out and sa stress niya sa loob dahil masikip na nakapagpoop na siya. Kahit daw mainormal delivery ko siya magiging delikado para sakin dahil baka raw magrupture lang ang matres ko. Kaya para sa mga payat at maliit magbuntis wag niyo po masyado palalakihin ang mga babies nyo sa tummy hehe. He's still at NICU and under antibiotics dahil sa infection ng pagkakakain nya ng poops nya 😥 pero sabi ng mga nurses ay super takaw niya na daw ngayon. Still asking for your prayers tho for my LO, but I am beyond thankful and feeling blessed 🙏🙏🙏

My Brave Fighter
29 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

congrats po mommy ako din maliit ako tapos payat diko mashadong pinapalaki si baby more on tubig ako pag nakaramdam ko na medjo gutom ako umiinom ako Ng maraming tubig para medjo mabawasan Kasi mahirap na Malaki si baby tapos ang payat ko

Congrats po! Ganan din po anak ko 1wk injection ng antibiotic sa center lang ginamot. Nkakaen dn ng poops nya. Ok na sya ngayon at malaki na. 💙

Hi memsh , pwede kaya tayo mag PM? Dami din kasi nalabas sakin 39weeks and 5days nako today 😭

Thành viên VIP

Congrats.. buti kapa nakaraos na.. 39 week na ako.. still no sign of Labor parin 😥😥

congrats mommy! praying for your fast recovery and get well soon baby 😇

Super Mom

Congratulations mommy! Sana maging okay na si baby ❤️ godbless

congrats and praying na makalabas na si baby ng hospital🙏🏻

Thành viên VIP

CONGRATS 🎊 Get well soon baby ❤️

Congrats po :) Thank God okay si baby at pati ikaw Mamsh :)

Thành viên VIP

Get well baby. Congrats mommy ♥️♥️♥️