Hello. I myself is contemplating on studying again with different course, kaya binasa ko itong post mo hoping na may male-learn ako about how to juggle school and motherhood. Pero walangjo! Hindi ako natuwa sa nabasa ko, na-trigger lang ako sa situation mo.
I will assume na hindi pa kayo kasal since partner ang tawag mo at hindi husband.
Yung ugali ng 'partner' mo, hindi yun "ganon siguro talaga". Hindi mo nga siya matatawag na partner dahil hindi naman siya tumutulong sayo, mukhang AMO mo siya na pinagsisilbihan palagi, napaka spoiled, dinaig pa newborn niyo sa sobrang pagka-alagain. Kuripot pa.
Mahal mo, pero sa ginagawa sayo hindi ko nakikita pagmamahal niya para sayo. Tapos hindi mo pa makita selfworth mo.
Husband ko, may mga time na siya na nag-aasikaso sa sarili niya at samin before siya pumasok sa work. Pagkagaling ng work, maliligo magbibihis, may time magsasaing na yan ng kanin kapag hindi pa ako nakapagsaing, maghuhugas siya ng plato, siya rin nag-iinit ng tubig at nagpapaligo sa anak namin.
Kapag tulog na anak namin or sinabi kong wala na akong kailngan kaya ko na magisa, saka siya magbibigay ng time sa sarili niya para mage-exercise.
Hindi niya ina-asa sakin ang gawaing bahay, dahil naiintindihan niya na hindi natatapos ang role niya sa pagiging provider, alam niya ang role niya sa loob ng bahay as a husband and father, YUN ANG TUNAY NA PARTNER. Aalagaan niyo ang isa't isa hanggang sa pagtanda.
Kung hindi mo nakikita mga kamalian niya ngayon, at sarili mong worth, sinasabi ko sayo darating ang time madi-drain ka at mafi-feel mong taken for granted ka sa lahat ng mga ginawa mo. Nakakawala ng love ang pagiging drain.
Mora