Hindi lang kayo nagkakaintindihan, mie. Mag usap kayo kapag parehas na kayong malamig ang ulo. Minsan kelangan mo din makuha ang kiliti ng partner mo kung gusto mong makinig sya sayo, hindi lahat nadadaan sa pagna-nag, mas lalo kasi tayong nagna-nag, mas lalo silang hindi nakikinig. Ask him ano ba ang gusto nya mangyari, kung ano bang mga saloobin nya. Baka rin kasi may mga pagkukulang ka. Then learn to compromise. Magkasundo kayo, dapat parehas kayong matutong makinig sa isat isa.