TRANSPARENCY > PRIVACY sa relasyon

Imagine this, you are a pilot, and you are about to land your aircraft. Pero foggy at almost zero visibility ang paligid. Ano magiging reaksyon mo? Hindi ka komportable na i-land ang eroplano mo diba? Sa katunayan, hindi safe na lumanding ka, dahil hindi malinaw ang nakikita mo. Just like in a relationship, hindi mo ramdam na comportable at safe ka kung hindi ka nakakakita ng malinaw - kung hindi kayo transparent sa isa't isa. Sa marriage namin, we value transparency more than privacy. Hindi sa wala kaming tiwala sa isa't isa, in fact, we trust each other so much. Kung wala talaga kaming tinatago sa isa't isa, bakit kailangan pa namin ng privacy diba. I use his cellphone, he uses mine. I know everything about him, he knows everything about me. We know about each other's bank accounts. We both know kung san napupunta ang bawat singko. No secrecy over social media accounts. As in complete transparency. It makes both, the husband and the wife comfortable. Walang hula-an kung san ba siya nagpunta, kung sino ka-text o ka-chat niya, o kung saan napupunta ang pera niya. Kung walang transparency sa relasyon, hindi mapapa-lagay ang loob ng isa't isa, at hindi matitigil ang duda at pag-iisip. Tandaan, small lies could lead to big ones. Small lies could lead to big damages. Small lies could cost your relationship. Transparency over privacy ❤️ -From Mommy Diaries PH Facebook page https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2755595467813921&id=1625625977477548

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan