I’m trying naman po maging strong mommy pero di ko talaga maiwasan mawalan ng gana sa buhay kong ito. Hindi ko naman sinasaktan sarili ko or yung baby ko sa loob. Yung feeling ko lang talaga na nakakawalang gana itong buhay ko and my pregnancy, na guguilty ako sa totoo lang kasi nadadamay si baby sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ito ang nararamdaman ko sa tuwing mag isa ako. Malapit pa naman ako manganak. Nawawalan na akong motivation, minsan pinipilit ko yung sarili ko bumangon kahit gustong gusto ko lang nakahiga at walang gawin. I feel so down lately.