28 Các câu trả lời
Mamsh i feel you. Smoker din kasi ako at sobrang stress to the highest level sa stress. Mula sa tatay ng baby ko hanggang sa family ko hanggang sa sarili ko. Lahat ng nakapaligid sakin puro stress binibigay. Pero kelangan mong labanan yan para sa baby mo. Sa lakas kong magyosi nung nalaman kong buntis ako agad agad tinigil ko Alam ko hindi ganon kadali pero palagi mong iisipin ang baby mo. Hindi porke stress ka idadamay mo ang anak mo. Di mo ba naisip na yang magiging epekto ng pagyoyosi mo sa baby mo paglabas nya baka pwedeng panghabangbuhay na stress ang ibibigay sayo? Ilabas mo sa problema mo ang anak mo. Ang batang nasa tyan mo ang magpapabago sayo. Ako mamsh kayang kaya ko na kahit walang yosi kapag natatakam ako ginagawa kong maging abala sa ibang bagay. Maya maya lang kalmado na ako ulit. Kaya mo din yon mamsh! 😉
momi being a smoker as well I know its hard..but what helped me is thinking of the effects it will have on my baby..although I know na may mga baby na were born fine despite their mom's smoking..id rather not risk it..ang hirap momi imagine you won't even be sure na ok lang si baby completely until they're born and how would you take it kung mag karon siya ng complications knowing it was your fault..I am and most likely pag ka panganak babalik din sa pag smoke..but I have been through 3 pregnancies before plus my 4th now..at masabi ko nakapag smoke ako nun di ko pa alam but once I did stop talaga ako..dito nga sa 4th ko inisip ko pa baka ok ang 0 nicotine vape..pero the mom in me won and tiis nalang until lumabas si baby 😊
use your mind po momsh.. alam mo naman siguro ang danger and bad effects ng smoking sa baby mo sa tyan... try to divert your way of destressing, search search ka sa google or youtube ng mga mas positive na way para ma lessen ang stress mo.. everytime na ipapasok mo sa bibig mo ang isang yosi isipin mo, ipicture mo sa isip mo ang baby mo na nalalanghap ang masamang usok.. kaya mo yan momsh... lagi mong isipin si baby mo sa tiyan mo...
Pag smoker ka pag buntis mas prone ang baby mo sa still birth at low birth weight magkakaproblema ka lalo. Ako pinilit ko talaga ma stop 13 weeks ako nun now im 33 weeks going 34 nicotine free d ko na nga naiisip ang yosi. Naawa ako sa baby ko kahit minsan gustong gusto ko pero nakikita ko lumalaki sya at sumisipa sa tyan ko naawa ako sa kanya kung ipag papatuloy ko ang ganyang bisyo. Wag mo lang isipin mawawala din yang craving mo.
Alam mo sa sarili mo ang dapat mong gawin. Magiging nanay kana. You should be selfless. Mas isipin mo anak mo. Kesa sa sarili mo. Ngayon palang hindi kana naaawa sa anak mo. Sorry pero hindi ako mabait magadvice. Mas okay kung pranka at medyo masungit. Totoo ang kasabihan Nasa huli ang pag sisisi. Wag mong hintayin paglabas ng anak mo may defect sya.
ganyan yung friend q d nya tlga mpigilan mag smoke kht half lng ng isang yosi a day para makaraos sya,pag labas ng baby nya my problem sa brain..kya sobrang pagsisisi nya tlga kaso huli na para magsisi..kya sana gat maaga tigilan muna kht para nlng sa magiging baby mo sya apektado sa sarap n nararamdaman mo hbang humihithit ka ng sigarilyo..😊
Kagaya nung iba malakas din ako mag yusi. halos nakaka dalawang kaha ako sa isang araw, at halos gabi gabi ako naka inom.. pero since nung nag positive yung pt ko dun ako nag stop manigarilyo at mag inom. mahirap iwasan yung paninigarilyo kisa sa pag inom pero kung iisipin mo yung baby sa loob ng tiyan mo, titigil at titigil ka sa ayaw at sa gusto mo.
Mommy iwasan mo po magsmoke 😞 may cause premature labor or worst still birth 😞 try to lessen everyday hangang sa mastop mo po. I smoke before, but the moment i knew i was pregnant at 2weeks i immediately stop. Its for you and your babies benefits nman. Kpag nafeel mo naglalaway ka, try mo mag candy nlng or chewing gum para hindi mo maisip mag yosi 👍😊
What?! Seryoso?! Naku sis stop it please. Di ka ba nag aalala para sa baby mo? Maawa ka naman sa baby mo. Pag hinahanap ng katawan mo ang yosi try mo mag candy nalang but not too much kasi matamis din yun. Or kain ka nalang ng fruits. Something na ma divert yung paghahanap mo ng yosi. Kayanin mo para sa anak mo. Maawa ka sa baby.😰
Try to look for other ways to destress yourself. It is risk to your unborn child if you continue smoking. Isipin mo nlng po lahat tayo may pinagdadaanan. kawawa nmn po si baby if paglabas nya may effect po sa knya ung paninigarilyo mo. Be strong and know that there is God to talk with. Ask the Lord to take your worries and stress.