11 Các câu trả lời

Mga 6 days din after ko manganak bago lumabas breastmilk ko. FTM here. Nakakastress talaga lalo na sa hospital kung saan ako nanganak eh hindi pwede ang formula milk. Tapos makikita mo pa ang ibang bagong panganak na nagpapabreastfeed tapos ikaw walang lumalabas sayo. Nagtanong pa kami sa mga nurses bakit walang lumalabas na BM sakin tapos tinuruan ako pano palabasin. Nagtanong din kami sa ibang bagong panganak paano lumabas BM nila at nagbigay din sila ng mga tips pero wala talagang lumalabas sa akin. Walang madede baby ko kaya paglabas sa hospital bumili agad kami ng formula ng hubby ko. Pagdating sa bahay mas lalo akong na stress dahil sinasabihan ako na magpabreastfeed ng in-laws at parents ko pati mga kapitbahay dahil yun daw ang best kay baby. Eh sa wala ngang lumalabas! Nakakafrustrate talaga! Gusto kong uminom ng malunggay capsule pero ayaw nman akong painumin ng hubby at mama ko pag hindi nereseta ng OB ko. Wala din mabilhan ng fresh malunggay dahil sabi sa palengke nahihingi lang nman daw yun sa mga kapitbahay. Kaya ang ginawa ng hubby ko nagbahay2x para makahingi ng malunggay. Naalala ko binabudget ko pa ang malunggay dati para may maluto kami araw (nagkakaubusan ng malunggay dahil siguro sa ecq daming nanghihingi) umiinom din ako ng warm milk atleast 2 times a day (pinilit ko lang kahit ayaw na ayaw ko ng gatas. Mahal din kung bibili pa kami ng anmum na choco/mocha kaya tiis sa bearbrand) Nung evening ng 5th day dun ko na feel ang bigat ng boobs ko tapos nung tulog na kami bigla akong nag chill, kinabahan pa nga hubby ko sabi dadalhin nya daw ako sa hospital. Tapos kinabukasan feeling ko lalagnatin ako at ang bigat talaga ng boobs ko tapos ang tigas at may mga lumps. Tuwang tuwa ako dahil magkakagatas na ako nun. Kaya mommy tiwala lang na magkakagatas ka. Lahat ng mga tips na nababasa mo dito sa app or sinasabi ng ibang tao sundin mo as long as safe at sure na walang side effects.

Struggle Po Yan Ng every mom.. I almost give up since wla din ako milk nung pinanganak ko baby ko. Pero tyaga at matinding pag titiis.. 1-4days wla tumutulo skin n milk khit pasipsip ko sa Mr. Ko.. Hindi Po madali mag pa breastfeed at magka breastmilk. Nangingiyak ngiyak n ko Kasi wlang Pahinga. Ang skit Ng tahi ko sa tiyan d ako makagalaw Ng husto.iyak ng iyak ung anak ko. Simula 10or 11pm natatakot n ko KC gigising siya para humingi ng. Milk at dumide skin pero Ang ending d siya titigil Ng kakaiyak at nag wawala.. natakot n din ako kc sobra n siya mag wla. Pinipilit lng Ng nurse n dumide skin.. ilang oras n wlang wiwii.. matatapos siya Ng iyak pag napaliguan siya Ng 5am. Makakatulog n siya dun plang ako makakatulog. Ang hirap decided n din ako nun n mag formula kaya bumili n ko.. Kasi naaawa n ko sa anak ko. Pero nung 5th day nag ka gatas n ko. Sumakit ska tumigas n dibdib ko sobrang Saya ko.. naisip ko n lng Kung Hindi ako nakinig, Kung pinilit ko mag formula Ng maaga, Hindi n cguro lalabas milk ko.. Tama nga sila. Hindi lahat Ng mom matapang at matyaga.. pero base sa experience ko naiintindihan ko din nmn bkit napupunta sila sa formula.. mahirap Kasi tlaga Lalo n pag first time mom at wala pang alam.. pero Kung desidido ka talaga humingi k Ng tulong sa nurse sa hospital para ma assess anak mo at matulungan ka din. Mahirap pero sobrang worth it 🙂 wag Lang susukuan.. sa experience ko dun ko lng napatunayang walang nanay na di kayang mag pa breastfeed. Tatag lng Ng luob Ang kailangan. And Wala Po sa Laki Ng boobs kahit flat ka pa.. magkaka gatas ka Kasi may gland ka for breastfeeding dahil babae ka😉 fats lng Po Ang nagpapalaki sa boobs Ng babae. You can check it sa anatomy Ng boobs.

I believe you. Ako kasi mixed feeding ako sa anak ko. Aminado ako sa sarili ko na hindi ako naging matyaga. Nalulungkot ako kasi hindi ako makapagpabreastfeed sa anak ko. Pero yung reason ng sakin kaya nawalan ako ng gatas agad is yung hindi ko pagkain. Hindi ako nakakakain ng tama. Di na ako nakakapagalmusal at tanghalian. Wala na sa oras. Pero kung inalagaan ko siguro sarili ko baka hindi ako nagfoformula ngayon. I know hindi ako naging matyaga. sa mga Breastfeeding moms, kailangan lang talagang kumain ng kumain at maging hydrated.

yes true, dilema ko din yan while pregnant kaya naman umiinom ako ng mga organic supplement para magka gatas ako na reccomended ng ob ko never ako nagmintis kase naka set sa mind ko na mag bf ako sa kaniya, then dumating ang araw na pinakahihintay ko ang ipanganak sya, kaya lang, nag pre eclampsia ako, and ang baby ko need na mag stay sa NICU for 7 days, actually nasa recovery room palang ako tinatry na ng nurse na ilatch sya sa akin kaso ayaw nya dahil inverted ang nipple ko, 4 days pa bago lumabas gatas ko pero konti lang talaga, madaming attempt kapag dinadalaw ko sya sa NICU, bumili pa ako ng breast pump, kahit dugo na din lumalabas sa akin kaso wala pang 1 oz na poproduce ko, nasanay na ang baby ko sa formula na nireseta ng pedia nya kase kung hindi magugutom anak ko,.. hanggang makauwi kami sinusubukan ko kaso konti talaga eh, iyak lang ng iyak anak ko at nakakaawa so 1 month ko lang sya na breastmilk pero mas madami ang formula nya, i feel frusrated at failure kase hindi ako successful sa pag bf sa kaniya.. iniiyak ko yun hanggang ngayon lalo na at nababasa ko dito na bf nalang, magkakagatas din unli latch lang, madali magsabi nun lalo na at nabiyayaan talaga ng madaming milk. Pero sa tingin ko iba iba tayo ng sitwasyon, nakaka depress sobra kahit na support naman ang hubby ko sa akin.. nakakaiyak, pero malusog naman ang baby ko, active sya. Sana bless din ako ng milk like other moms sorry mahaba

Thank you for this. 1 month nadin simula nanganak ako sa first baby ko. Wala padin 1 oz yung napiproduce ko. Nakakafrustrate pero mas nakakaawa makita mo ang baby mo na pinipilit mo ipalatch sayo kahit wala naman nakukuha. Hanggang sa naawa na ko sa baby ko.

VIP Member

pag nasa utak mo na wala kang milk..wala talaga yan..breastfeeding is 10%milk and 90% determination..its a mind over matter journey..kahit gaano kalaki or kaliit ang boobs mo pag determinado kang mag bf..maoovercome mo lahat ng negative ..tapos its a supply and demand chain..the more mi ilalatch si baby pagka panganak mo, the more dadami ang supply mo..always remember na hindi porket walang pumapatak wala kang gatas. pag new born pa si baby, konting konti lang na milk ang need nya..at hindu porket naiyak sya ibig sabihin gutom sya..at lalong lalo na dahil nag iiiyak sya habang pinapadede eh wala kanang milk or di kaya ayaw nya sa milk mo..may ibang dahilan bat naiyak si baby..kaya always check: diaper baka basa or may poop, baka naiinitan si baby or nalalamigan, baka may kagat na ng insect or baka masyado masikip ang mga suot nya like gloves, medyas, pajama, etc, or sadyang gusto lang nya magpakarga kasi nasanay sya sa tyan natin na laging karga at naririnig ang heartbeat natin. feeling secured sya.

Stay strong mamsh. Kaya mo yan trust yourself lang po. The key to breastfeeding po is mind set lang. Set your mind to it. Do not buy formula and feeding bottles para hindi ka matempt. Do your homework din po. Educate yourself. Magbasa ka lang ng mga advantages ng breastfeeding para maencourage ka lalo po. Pero bago ang lahat kaylangan mo munang magrelax. Magpray. At magpalakas para sa paglabas ni baby 😊😊 Have a safe delivery mamsh!! Kaya mo yan!! Congratulations 😊😊

VIP Member

Trust your body and your baby sis. Lahat tayo may gatas nasa determination lang natin kung ipush ang pag BF. Unli latch lang talaga ang solusyon at isa pa wag isipin na kakaunti lang ang gatas sa 1st to 2weeks kasi si baby po ang magpapa dami ng gatas natin. Kaya mo yan. Isa pa kahit ano ang choice mo alam mo na yun ang mas makakabuti para kay baby mo atleast sinubukan mo ❤️

Understand na may mga Mommies na di nakakapag BF, not because they don't have determination kasi ang kilala ko, dugo na mismo ang napapadede nya pero wala pa ding gatas. Hopefully sa mga BF Momsh, wag masyadong insensitive sa mga Mommies na di nakakapag BF. Kasi po, di lahat ng mga mixed or Bottlefeed ih ayaw magpadede ng baby. Naiinggit din po kami sa inyo.

Momsh, wala sa size ng boobs yan. Small or big kayang kaya mo magproduce , ako flat chested ako pero nung pinush ko ang BF nabibigatan nako 😂. Sa mga unang araw, hindi mo talaga makikita na tumutulo ang gatas kasi need ng stimulation kaya lagi sinasabi na padede lang ng padede.

Momsh wag mastress, isa yan sa factor bakit di ka magkakagatas. Kahit ako na stable na ang supply iniiwasan mastress kasi nakakadecrease. Skin to skin contact lang and stay hydrated, yung MIL inalagaan ako sa pagpapainom ng warm milk kaya talagang nagkaroon. Pag magpapadede ka dapat lagi kang may tubig sa tabi, inom lang ganern. Go future padede mom 😊

VIP Member

Wala din po ko milk dti.. So pagkalabas ni baby.. Bote po sya.. Pero pinapa latch ko padin lagi.. Kung ng iiyak na talaga ska ko pinapadede sa bote.. Until one day nagkaron din ng gatas dede ko.. So nag mix feed aq..

Ako mixed feeding. Since working. Sa morning formula. Sa tanghali nagpapump ako kaso one bottle lang kasi lunch time lang pwede. Then sa gabi unli latch sa breastmilk

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan