Three Months Pospartum

I'm currently suffering from cracked nipples. Ang sakit. Tinitiis ko lang talaga para kay baby. Kapag tingin ko namamayat sya kase di ko sya mapadede ng maayos dahil masakit pakiramdam ko, I failed as a mother. Nung ipanganak sya, first few weeks lagi hindi maganda nasa isip ko. Emergency CS ako. Masakit yung tahi, nanghihina, masakit den magpadede. Di ko pa mabuhat yung anak ko kase di ko pa kaya. Tapos pag iyak pa sya ng iyak na hindi ko mapatahan sobrang napufrustrate ako. Naiisip ko dahil sa kanya kaya nahihirapan ako. Na hindi ako nakapagwork dahil sa kanya, naubos ipon ko, nagkautang utang kame, na hindi ako makatulog ng maayos dahil puyat sa kanya.. basta puro negative. Sa isip ko pa gusto ko na syang takpan ng unan. Postpartum depression kung ito man nga yon. Naiisip ko pa, dalwa nman kami ng partner ko na bumuo sa kanya bat ako lang yung nakakaramdan ng sobrang sakit at hirap. Kanina pa nagpapadede ako, sugat pa rin, isang buwan na mahigit, katabi ko partner ko nag MML mura pa ng mura kase lag daw. Pinagbigyan ko na nga sya na sya lang gumamit ng wifi kase di pwede dalawa e nahihirapan na nga ako magpadede kase masakit tas may mamarinig ka pa sa tabi mo na mura ng mura. Nainis ako. Nakakastress kase lalo kung ganon. Nasabe ko pa tuloy sa baby ko, pinanganak ka ba para parusahan ako?. Sa totoo lang mahal na mahal ko naman anak ko, pero pag nahihirapan at nasasaktan ako di ko alam bakit napagbubuntunan ko sya. Nakokonsensya ako kapag ganon. Hindi naman kase ako ganon dapat. Before magkaanak, mahilig talaga ako sa bata at sa baby. Pero ngayong may anak na ako, nagiging ganito naman ako. ?? Naaawa ako sa anak ko kapag di ko agad sya mapadede dahil masakit nga. Kelangan ayusin ko muna yung latch nya. Lagi ko inaalis pag masakit. Kapag hinde. At titiisin ko lang lalong nalala yung sugat. Ano bang point ko dito? Sensya na kung mahaba. Gusto ko lang magventout. ?

2 Các câu trả lời

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan