28 Các câu trả lời

wala po kayo utang na loob kung tatanggapin niyo po ang tulong nila. Responsibilidad po ng lalaki na tulungan kayo sa financial sa panganganak niyo kasi siya ang tatay ng magiging anak niyo po. Wag na po kayo mag isip ng kung ano, tanggapin niyo nalang po ang tulong nila para hindi kayo mahirapan, magastos pa naman ang magbuntis at manganak

Tanggapin mo po. Una, nananahimik ka nong pumasok siya sa buhay mo tapos lolukuhin ka lang pala. Pangalawa, hindi mo utang na loob yan dahil ginusto niyo 'yan pareho. Kumbaga hindi lang naman ikaw ang nagpumilit na magkaanak kayo. Pangatlo, nasa batas ang pagsustento ng ama sa anak basta may trabaho o pingakakakitaan.

obligasyon ng ama ng anak mo po na magbigay ng sustinto kasal man kayo o Hindi..Karapatan din ng anak mo yun at Karapatan din niya na gamitin Ang last name ng ama niya para sakali man na malaki na siya Hindi ka questionin ng anak mo or ung ama niya Kung "BAKIT"!

Di nyo po need magbalikan. Pero obligado sya dapat magbigay ng sustento, nasa batas din po yun. Obligahin mo po sya kasi responsibilidad nya yan kung ayaw nya makulong. Di nyo naman need magbalikan din at di po yan utang na loob dahil responsibility po nya yan.

bago ka umarte at bago mo ispipin ung sarili at pride mo siguraduhin mo muna matutustusan mo pangangailan ng anak mo. now kung kaya mo buhayin ang anak mo esp nang di nanghihingi ng tulong ng iba tsaka mo sabihin yan peace of mind and mental health

Accept it for the sake of your child. It would be "utang na loob" of your baby from his/her father and not your "utang na loob" to them. Unless your conscience could endure if your child would suffer due to your financial instability.

yes. accept mo hindi para sayo yan kundi para sa anak mo. and hindi siya utang ng loob, obligasyon niya yan bilang isang ama. walang masama kung tatanggapin mo yung financial na binibigay niya dahil siya ama ng anak mo.

take the financial help di po un utang na loob obligasyon niya po yun dahil siya ang ama. kaya hindi po niya pedeng isumbat yun actually if di nga siya nag suporta sa bata, pede nyo po siya ireklamo.

Hi strong mom!!!! Its not a utang na loob ama sya kahit bali baliktarin ang mundo at paglaki ng baby mo hahanapin nya rin father nya. god bless sayo

tanggapin mo na po. pwede naman pong ipadaan ang financial aid sa kamag anak or magulang mo kung ayaw mo na ng direct connection sa ama ng anak mo..

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan