stress na stress na ako 😭😭😭

I'm currently 39w4d na hindi ko pa alam kung nag oopen na ba cervix ko as per check up ko last Wednesday pabuka pa lang daw sabi ng midwife tapos yung mga tao sa paligid ko kung ano ano pa sinasabi sakin stress na stress na ako naiiyak na lang ako sa tuwing tinatanong nila bakit hindi pa ako na nganganak ginagawa ko naman na lahat naka 3 banig nako ng primrose pero ganun padin ang hilab hindi padin consistent pero panay ang tigas ng tyan ko halos nanginginig na tuhod at leegs ko kalalakad at squat ganun padin, yung mga kasama ko sa bahay palagi ko na lang naririnig na bakit kame noon hindi ganyan, ang sakit lang sa loob ko na parang wala akong ginagawa para lumabas si baby na kung tutuusin kung ako lang ang masusunod gusto ko na talaga lumabas si baby natatakot na ako at naiistress dahil sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa akin.

38 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ify momsh 😭 yung akala nila eh dika din nahihirapan kakaisip kung pano mo mailalabas ng maayos si baby tapos sila kung ano ano pa sinasabe sayo halos maputol na tuhod mo kaka squat sinipon ubo ka na sa hingal pero gusto nila kahit hingal na hingal kana sa ubo sipon tuloy pa den kakalad mga shutaaaa 😭

Đọc thêm

Relax.. hayaan mo mga side comments sa paligid mo. Sundin mo man yan mga sinasabi nila o hindi hanggang salita lang naman din yang mga yan at may masasabi pa din. Wag mo masyado pagudin katawan mo na stress din kase baby mo nyan. Lalabas din yan. Update na lang kami if nanganak ka na mii.. have a safe delivery po..

Đọc thêm

nako mommy same tayo before sa first born ko, hahaha kalma ka lang po hayaan mo sila sabhin mo kung bet nila sila mag labas tutal nag mamadali sila. kausapin mo lang si baby ako nga sa 1st baby ko 40 wks and 5days, pag di pa ready si baby hindi pa lalabas. . wG ka na mastress 💖 kaya mo yan mommy

Wag ka na lang po makinig sa kanila kasi iba iba naman po talaga tayo ng pagbubuntis d natin pede icompare sa iba lalabas din po si baby siguro po nag eenjoy pa siya sa tiyan mo mommy hehe charr lang po pam pa good vibes i hope and pray for your successful deliver mommy ❤️

Wag ka paapekto mommy. Iba iba naman tayo. Di pwdeng icompare un. Basta monitor mo lang galaw ni baby. Punta agad kay OB mo if may mafeel kang kkaiba. Check mo dn discharge mo. Tsaka sa doktor ka lang makikinig.

Its okay momsh, wag ka mag paka stress ako nga 40weeks na nag pa admit ako aug 27. 29 pa ako nanganak nirequest na ako e pa CS pero na normal delivery ko pa, lalabas talaga si baby kapag lalabas na siya wag ja paka stress momsh! godbless

Wag ka paka stress mommy. At wag mo din sagarin sarili mo kakalakad at squat, kailangan mo din ng energy para sa pag iri at paglabas ni baby. Hayaan mo yung mga sinasabi ng iba. Kausapin mo po si baby na lumabas na sya :)

Mommy dont stress po sa panganganak lalabas din si baby, ganyan din ako lalo na nung active labor pero close cervix pa din. Tiwala lang talaga mommy and hingi ka tulong kay partner mo na mag do kayo my para kinabukasan aanak kana. Hihi

Ignore them mamsh, di naman nila cervix at baby yan. Its easy to throw comments or opinion on someone. But you know the best mamsh. Kapit lang. Lalabas si baby sa tamang oras. Keep praying and be positive okay..

Hi Mi! same here, 39weeks and 4days. Hindi ko na lang pinapansin sinasabi ng mga tao since it will not help me din. Be positive lang mi and keep on trusting God. Kausapin lang natin palagi si baby 🥰