38 Các câu trả lời

momshie wag mo sila pansinin at please wag mo masyadong pahirapan sarili mo kasi need mo rin ng energy kapag manganganak ka na kasi mapupuyat ka pa nyan magpapadede sa newborn mo wag sila intindihin manigas sila. Pero while waiting, inom ka ng pineapple juice, chuckie, salabat, paminta, evening primrose mas mainam magsalpak ka rin, kausapin mo rin si baby at naniniwala ako kapag oras na talaga lumabas ni baby lalabas talaga sya di mo na mapipigilan if hindi talaga kahit anong gawin mapapagod ka lang iba iba kasi tayo ng katawan. share ko lang, nung buntis ako sa first baby ko alam mo momshie sa 5th floor kami nakatira sige ang paghahagdan ko, sige laba sige buhat ng mabigat para magsampay ng mga nilabhan, sige lakad dito lakad dun imbes na magcommute sige lakad lang ang ending nagpaadmit na ako sa ospital at 4cm Hindi na pala umandar pa sa 4cm oh di ba ginawa ko na lahat akala namin ng Asawa ko nadagdagan na un pala dry labor at masakit sobra 4cm admitted then nakailang turok sila ng pampahilab sa akin Kaya inisip ko sayang pala dapat di ako nagpakapagod kasi hirap manganak, tapos after manganak ang pagpupuyat pa Kaya inisip ko now na pregnant ako ginagawa ko kaya ko if Hindi Kaya di ko pinipilit pahirapan ko lang sarili ko mastress lang dapat relax lang lalabas talaga ang baby kapag gusto at time nya na lumabas pero kapag 40 weeks ka na wag ka na po magdelay lapitan mo na si ob-gyne mo.

wag nyo po pakinggan ung mga tao sa paligid nyo po mami para hndi kayo ma stress ewan ko ba kasi sa ibang naka panganak na hndi ko nmn po nilalahat ung iba lng bakit snasabi pa nla na 'bat ako hndi naman ganyan' 'bat nung buntis ako hnd nmn ako ganyan kaarte' diko alam bat may ganyan eh iba iba naman tyo mag buntis hndi nmn pare parehas.. same ksi tyo sis akin naman nababahuan ksi ako sa lahat ng maamoy ko tpos ssbhin ng mga sa palagid ko na arte hndi nmn ako ganyan nung buntis ako.. nakaka sad lang isipin na kinukompera nla ung pag bubuntis nla which is hndi nmn pare parehas ang pag bubuntis meron tlga na hndi ntin alam na gnagawa ntin oh hndi tlga o ayaw tlga. diba? sana ung iba ihelp nlng tyo na icheer na kaya moyan! nakaya ko nga ikaw pa! kaya sis go lng wag kapo papa stress kapag may nagsabi syo ulit ng ganyan isipin nyo po 'pakeelam ko sainyo makikita kona anak ko masaya nako don' yan nalang sis isipin mo hndi nmn sla ang manganganak eh wag kana po mag pa stress goodluck po sa pag iri mami congratulations po! have a safe delivery po! Pray 🙏💖

Every pregnancy is unique po mamsh! Lalabas si baby on its own time. (Pregnancy is 38-42weeks po, nurse-mommy here). May gawin ka man o wala, lalabas si baby pag ready na sya, on God's perfect time. Just do your dailys. Take care of yourself, wag pa stress to not stress the baby as well. Godspeed sa delivery mo. 🥰

Tama po kayo, ako po sked po ng CS ng Aug 12 (2021), pero nag labor po ako at lumabas ang baby ko ng Aug 10.. Wla po ako ginawa or iniinom since naka sked nga ako ng CS, God's perfect time po lalabas din ang baby 😊😊

mommy wag ka magpaapekto sa mga tao sa paligid mo. Si baby parin nakakaalam kung kelan nya gusto lumabas. Tsaka the more na nasstress ka mas lalo ka mahirapan. kaya kumalma ka at humingang malalim. Ganun talaga ang mga taong mapuna. kase wala sila sa posisyon mo. Ipagdasal mo na lang sila at lalo na kayo ni baby. kausapin mo sya:) Malay mo mamaya gabi manganak kana:) Basta wag ka magpakastress mommy.:)) dahil si baby nararamdaman din nya yun.:))

Baka po makatulong 37weeks po nanganak na ako, nag bakbak inom lang po ako ng pinakuluang salabat at delmonte pineapple po. Pinainom din po ako ng primrose tuloy tuloy na po yon nakaramdam lang po ako ng pain nung nung nag 6cm na po ako tinuloy ko lang po yong pag inom ng delmonte pineapple sa awa po ng Diyos nanganak na po ako. Pray lang mommy. Makakaraos ka din iba-iba naman po tayo ng pag bubuntis e. Sabayan niyo nadin po ng exercise ☺️

mag41weeks po ako when i give birth to my LO 1week and 5days na sya today. I did everything when am pregnant exercise research sa OB advice but still po hirap ako nanganak 3days in labor. 2hrs ako sa delivery room before ko nalabas 1st baby po. iba iba po pregnancy wag mo nalang pansinin mga sinasabe sayo masstress ka lang po ganyan din ako dati. if gusto na ni baby lumabas lalabas at lalabas talaga sya.so dont stress yourself po mom.

VIP Member

Hello, mommy! hwag na hwag ka pong makikinig sa mga sinasabi ng iba dahil every pregnancy is unique sabi nga nila. Just do what you can do, at hayaan mo mga sinasabi ng ibang tao. Ako nga mommy, Monday close pa daw cervix ko, pero Friday ng madaling araw nanganak na ako. Ingatan mo sarili mo, mommy. Hwag ka padala sa sinasabi ng iba. Sabi nga ng OB ko, pag stress ka mas lalo kang mahihirapan manganak. God bless, mommy! 🥰

Me too mi. I'm 39 weeks and 4 days today. Sabi sakin it's just normal kapag nag 40 weeks na tapos wala pa punta ka ulit sa doc mo for check up. Let's hope and pray for a successful delivery. 🙏🙏 yung isang mommy dto samin nailabas niya nat 41 or 42 weeks ang babies niya na normal so it only means iba iba talaga ang pagbubuntis basta I suggest go to your OB kapag lagpas na ng due date mo. 🙏🙏

Okay lang iyan Mamsh. same situation tayo noong nagbuntis ako kay LO. 40weeks ako nanganak sakto, naka ilang banig ng primrose rin ako, lahat na ginawa mga exercise, at kung ano ano pwede inumin 😂 pero sabi ni OB talagang si Baby ang nakakaalam kung kailan best n lumabas sya sa tiyan natin. Kaya ikalma mo lang ang iyong sarili, at ihanda ang katawan sa paglabas ni baby. ☺️🫰 hoping for your safe and normal delivery!

Update po nagka bloody show na po ako and 1cm pa lang yung progress nag insert na din ako ng 4 primrose this morning after ma IE sana po makaraos na hanggang mamaya salamat po sa pag che-cheer up sakin have a safe and fast normal delivery satin mga ka mommies ❤️❤️❤️

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan