CS or Normal Delivery

I'm on my 7th month of pregnancy (specifically, pang-29th week). I am thinking to have a CS delivery rather than normal delivery. Me and my husband went to our midwife for a check up. I asked her my concern about having a CS delivery since panganay to at sa public hospital naman talaga ako manganganak dahil 28 years old na ko (kasi rule daw yun sa lying in eh). At isa pa, I am having a trauma (my sister tried to have a normal delivery 2 years ago but unfortunately, late minute, her doctor conducted a CS delivery on her) so I decided that instead of experiencing that kind of pain and labor stage, I prefer to have my giving birth being scheduled. Pinakita ko rin ang result ng last na ultrasound namin. Sabi ng midwife after seeing the result, maliit daw si baby with his weight of 1197 grams. Pero napakalakas lagi ng movement nya so sabi ng midwife and I quote, "Sa totoo lang, maliit ang baby mo, kung icoconvert natin yan, so far, nasa 4 pounds palang siya. Pero sabi mo nga, malakas naman ang movement nya. Mabilis naman lumaki ang bata. Ang mga naisi-CS ay yung mas matataas pa sa 2.5 kilos. So sa susunod na check up mo sa hospital, ganto ang gawin mo. Magheart-to-heart talk na kayo ng doctor. Pero since public hospital yan, feeling ko, pag ganto ka-normal ang results (hindi suhi ang bata kasi halos nasa posisyon na siya tapos maliit pa), hindi ka nila isi-CS. Unless makitang suhi ang bata, o sobrang laki or maliit ang sipit-sipitan mo. Kung private siguro yan, bibiyakin ka agad talaga kasi pera yun eh." Ganun ba talaga sa mga public hospital? Di agad papayagan kahit yung buntis na mismo ang gustong magpa-CS? ? Just asking lang po. Kinakabahan talaga kasi ako na naeexcite. Kinakabahan ako kasi baka di ko kayang umire tapos maipit ang bata, mga ganun ba ang nasa isip ko. Please enlighten me nga po and encourage me also. ? Anyway, I will be having a baby boy soon. ?

78 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I gave birth to my first baby last February 13. It was healthy baby boy 👶😊. Share ko lang po naging experience ko. Me and my partner decided (from the start pa lang din ng pregnancy ko) na sa lying in ako manganganak kasi mas affordable dun and etc.. Nang kabwanan ko na, 40 weeks na ako no sign of labor pa din and nasa 1cm pa din ung cervix ko. Nung araw na pinapabalik ako ng midwife sa clinic nya for my check up, nag kataon din na may lumabas ng tubig na may kasamang dugo sa panty ko and we went sa lying in na dala mga gamit ko. Pag check sa akin, still 1cm pa din ung cervix ko. Ginawa pina admit na ako, tinurukan na ng swero and everything, I told to my self ito na this is it. I was expecting na February 12 (within that day) mailalabas ko na si baby kasi morning pa lang nandun na kami sa lying in. Kada 2-3 hrs chine check ako at may tinuturok na sa akin, then bandang hapon dun ko na nararamdaman ung hilab, kasi tinurukan din nila ako ng pampahilab, mga unang oras, tolerable pa ung pain, naka kain pa ako ng biscuit at naka tayo pa ako nun para mag cr. Then nung kinagabihan na, patindi ng patindi ng ung hilab, halos makurot at mahawakan ko nang mahigit ung partner ko sa sakit at naluluha na ako, napapa sabi na lang ako nun na "mama ko" 😁😅 "aray" or lahat ng santo natawag ko na 😁. Bandang 9pm sobrang sakit na talaga, d ko ma explain but grabe na ung pain, halos umiyak na ako sa sakit, pinasok na ako sa birthing room and hinanda na lahat, after 30 minutes, dumating na ung doctora na mag papa anak sa akin and 10pm dun na mag start lahat.. 2 hrs akong nag iire, sabi nila kita na ung bunbunan ni baby and maliit lang daw sya kaya ko sya ilabaa. Ung doctora, midwife and ung mga assistant nag tulong tulong na para mailabas si baby ko dahil 2 oras na ako nag iire nag bigay na ng sign ung doctora na i CS ako kasi alanganin na, then they gave me a chance to push once more, d talaga ayaw lumabas ni baby, pinapasok sa room ung partner ko and pinaka usap sa akin para daw bigyan ako ng lakas kasi sobrang hinang hina na ako nun na anytime mag bla black out na paningin ko, wala akong naging response kundi umiyak na lang. Then nag ligpit na ng mga gamit kasi itatakbo na ako sa hospital for emergency CS. Halos mabilis ung pang yayari na un, nararamdaman ko pandin that time ung hilab habang nasa byahe kami papuntang hospital (that was 12am) then naalala ko, dun na kami sa hospital and pinasok na ako sa operating room and ininjectionan nang anesthesia at aun naka tulog na ako, 1:54am nang ilabas ko si baby boy ko, 3.4kg sya, malaki pala and naka tihaya sya kaya hirap ko syang iire. Akala kasi nila sa lying in na maliit si baby and baka naka pulupot ung pusod sa may paanan nya kaya hirap ko syang ilabas. Sa ngayon, 3 weeks old na po baby ko, sa awa ng Dyos, normal and healthy si baby ko and stable naman ung mga vital signs ko kaya naka labas agad kami ng hospital. Ayaw ko talaga ma cs dahil una wala kaming kalaking pera para dun. But ito nairaos din namin sa tulong ng mga mahal namin sa buhay. Momshies, for me CS man or normal delivery ang preferred nyo what importance is ung safety nyo ng baby mo during labor. Kasi kapag nandyan na sa mismong actual na labor, ang mga doctors ang makakapag sabi kung kaya mo ba inormal or CS, case to case basis po yan. Yes masakit ung labor sobra, pero worth it po lahat ng pain, gastos kapag nakita nyo ung baby nyo na normal and healthy. Praying po for your safe delivery and health sa inyo ng baby mo 🙏😘. God bless you

Đọc thêm
Post reply image
5y trước

Wow. Nakaraos ka na po. Congrats po. 😘

Up to you pa rin po. If may pambayad ka naman and it's what you really wanted. May trauma din ako sa panganganak. Ayoko ngang manganak e. Namatay kasi 2 kong Tita sa panganganak so takot na takot talaga ako. Sinabi ko sa sarili kong di ako manganganak pero okay lang sa akin mabuntis. Hahahahahaha! Gulo no? Pero totoo. I gave birth this month via normal delivery and it's all worth it! 3 weeks postpartum. I've realized na iba-iba ang mga tao at pregnancy and delivery journey nila. Basta pray lang lagi, tatagan mo lang loob mo at magtiwala sa OB mo. Sinabihan din ako ng OB ko nung nasa DR na kami nun na baka ma-CS pa ko kung di ko gagalingan mag-push at naiipit na ulo ni baby. Tutulungan ka naman ng mga tao sa loob ng DR pag nakita nilang nahihirapan ka na talaga, though nung nasa labor room ako at nasa 5-6 cm na, sobra-sobrang sakit na talaga at nagpapa-painless na ko or nanghihingi ng pain reliever/anaesthesia, di ako binigyan kahit nagmamakaawa na ko. Hahahahahaha! Puro sila kaya ko daw, kaya ko daw. At yun, kinaya nga. Haha! Hope this helps and motivates you. God bless!

Đọc thêm
5y trước

Okay po. Salamat po sa opinion. Try ko na po mag-normal. Medyo naeencourage na po ako 😊

The most ideal way to give birth is through normal. Ang CS should only be done if necessary (hindi bumababa si baby, nahihirapan si baby, etc) but not as per request. I'm surprised to find someone who actually hopes for CS rather than normal. Usually, gusto ng mga buntis ay mag normal due to the benefits and long term advantages (you can google for yourself). My sister had CS delivery and I had normal delivery. It took her 3 to 6 months to fully recover. It took me 1 to 2 weeks. She was not able to breastfeed because she had difficulty moving around and carrying her baby. My baby is now 6 months and still breastfeeding. My hospital bill is half of hers, same doctor and same hospital. I am not saying that CS is bad, of course if needed to save yours or the baby's life.

Đọc thêm

Went thru emergency CS last march 31, after 16 hrs of labor di pa rin tumaas cm ko, 3.2 kg c baby if there is one thing I really wish is for my firstborn to be delivered naturally, kasi parang wala lang sakin nung na CS ako, i wish I could experience the natural birth. Labor was the only thing that was traumatizing for me. Recovery took long like mga 3 months wala na tlga pain and i can move a lot. The candidates for CS are those lang na may complications but if you and your baby are in perfect health , I highly suggest natural birth but you can request for a private OB though to walk you thru and educate you. Lastly, I'm having a baby fever now that my boy is 3 months old, gusto ko magbuntis ulit but given na na CS ako ,my body needs more time to rejuvenate. ♥️ best of luck momma

Đọc thêm

I got ur point mommy. Just like me parang ayoko itry ng normal tapos ang ending CS lang din pala ako. Parang double hirap ung experience. Pero baka sa case mo mommy kaya mo talaga yan inormal. Ung sakin kc mommy gusto din ng OB ko itry muna normal baka daw kaya ko naman. (Kahit my myoma uteri case ako which is 12cm size) kung hindi daw magiging sagabal s dadaanan ni baby via normal lang ako tapos tsaka n ung operation ko s myoma. 37weeks na ko today ftm din ako, EDD July 20 2020. Hoping din naman ako sa normal delivery since my painless naman ata cla na tinatawag ngaun. Kc naisip ko I need to have my recovery asap para naman while on maternity leave ako, pwede ko alagaan c baby. Dami kc nagsasabi mabilis lang talaga recovery ng normal. Pray lang tayo mommy. ❤ Kaya natin to. 😊

Đọc thêm
5y trước

Yes sis, napagitnaan talaga ng myoma ko yung baby ko. Talagang, nagdodouble yung size nya noh? Kasi ako 2.5cm lang yun nung 9weeks ako tapos ngayon 5cm na. May mga pinapainom ba sayo na pampakapit? Praying for our safe delivery mauuna ka pa pala sa akin Sept. pa kasi EDD ko....but I guess, CS talaga yung best option but either way sana okay lang lahat.

Kung ako sayo momshie mag normal delivery kana lang po. Maswerte kanga po nasa tamang posisyon at maliit lang si baby kayang kaya inormal Mas mabilis mag heal ang tahi ng normal kesa sa cs Hindi po ganun kadali ang cs Ako po emergency cs ako kasi suhi baby ko kung totoosin mas gusto ko mag normal 2.5kilos baby kung nilabas ko Kung pwede nga lang inormal ginawa kona kahit suhi huwag lang ako ics lalo na panganay palang Huwag kang mag isip ng kung ano ano mommy isipin mo maging safe kayong dalawa ng baby mo Tsaka s ibang momshie jan maswerte kayo na cs kayong may nag alaga sa inyo sa ospital Sa pinaanakan kung ospital mag isa kalanv kikilos at gagalaw walang bantay Pagkatapos kang ics kelangan gumalaw at maglakad lakad na kaagad Kaya hindi po madali ang macs

Đọc thêm

I got ur point mommy. Just like me parang ayoko itry ng normal tapos ang ending CS lang din pala ako. Parang double hirap ung experience. Pero baka sa case mo mommy kaya mo talaga yan inormal. Ung sakin kc mommy gusto din ng OB ko itry muna normal baka daw kaya ko naman. (Kahit my myoma uteri case ako which is 12cm size) kung hindi daw magiging sagabal s dadaanan ni baby via normal lang ako tapos tsaka n ung operation ko s myoma. 37weeks na ko today ftm din ako, EDD July 20 2020. Hoping din naman ako sa normal delivery since my painless naman ata cla na tinatawag ngaun. Kc naisip ko I need to have my recovery asap para naman while on maternity leave ako, pwede ko alagaan c baby. Dami kc nagsasabi mabilis lang talaga recovery ng normal. Pray lang tayo mommy. ❤

Đọc thêm
Thành viên VIP

Depende talaga sa magpapaanak sayo yan sis e.. I don’t have any idea if ganon sa public pero even if sa private kasi, like my OB, I insisted with my first pregnancy na iCS nalang ako pero since alam kasi nila if kaya mo inormal, they will push you na inormal. Sabi nga nila iba padin kasi if you experience the labor pain.. masakit oo as in sobrang unforgettable yung pain pero everythings worth it pag nailabas mo na si baby.. :) I’m also 28y/o that time, 17hrs ako naglabor sa first baby ko and was able to deliver it normally. Now, ready na ko somehow sa labor pain ngayong 2nd pregnancy ko.. :) pero it still all up to you sis if ano prefer mo. Wishing you all the best to your delivery soon! :) kayang kaya yan! :)

Đọc thêm

Ako po kung may choice lang po ako gus2 ko po normal..mas mabilis makarecover at d pricey then sa next na magbuntis ulit d masyado problema kc pwede ka kahit saan hospital abutan na kaya ng budget, pg cs ka po ngayon no choice ka kundi cs ulit sa sunod unless willing ka magtake ng risk na ipilit mg normal next time..sa ngayon po well off po kau pano kung next time hindi at ang dami problema, tapos makakatulong po agad kayo sa pag aalaga sa bata,kawawa rin po kc c mister, magwowork, alaga ng bata tapos pati ikaw kelangan iassist at all times lalo na po 2 years recovery ng cs..besides sa experience ko po mas malakas ang lungs ng bata pg normal kesa cs delivery..

Đọc thêm

Alam mo sis, mas mahirap ang ma cs. Maliit lang ang baby mo kayang kaya mo yan i normal. Nasa isip mo lang ang takot, labanan mo yan at isipin mong kaya mo. Ako nga nanganak sa eldest ko 22 yrs old lang ako. Oo, Masakit ang labor pero once na nandun kn sa delivery room at ready na lumabas si baby tamang pag ire lang at prayer lalabas ng maayos ang baby mo... Napakagaan at sarap sa pakiramdam kapag naramdaman mong lumabas na si baby. Kaya mo yan sis. Wag kang matakot mag normal. Ang cs matagal maghilom ang sugat at kapag taglamig kumikirot yan at sumasakit. Magkakapilat ka pa sa tiyan...pero its your choice pa din sis. Goodluck and have a safe delivery...

Đọc thêm
5y trước

Okay po. Salamat po sa opinion. Try ko na po mag-normal. Medyo naeencourage na po ako. 😊😊😊😊😊