Pa rant lang mga mumsh

Im 7months pregnant ang hirap pala kapag wala k mapagsabihan ng problema. Ang hirap ng nakikitira k lng tapos wala kng trabaho tapos buntis kp. May ipon nmn ako pero inilalaan ko un sa panganganak ko. Gusto kong umuwe samen pero ayoko nmn mag isip ung pamilya ko ng ndi maganda sa lip ko. Ndi ako maka daing n masama pkiramdam ko kc nhihiya ako kahit nahihilo at pagod n pagod ang pkiramdam ko ako gumagawa ng gawaing bahay kahit pag iigib ng tubig ginagawa ko n rin kc nhihiya ako. Kahit nagugutom n ko ndi ko rin maisatinig kc kylangan ko palage hintayin ung lip ko mag aya kc nhihiya din ako. Kung anung oras nya maisipan kumaen saka nya lng ako aayain kumaen. Parang wala sa isip nya n buntis ako ndi ako dapat nalilipasan ng gutom. Ung mga pangako nya saken bago p ko sumama sa knya pangako lng pala talaga. Iniwan ko trabaho ko at ung pangarap kong makapag aral ulit para pagtuunan ng panahon ung pag bubuntis ko kc un ang gusto nya. Ung pag tira nmen dto sa knila kahit ayaw ng magulang ko pumayag ako kc ung ang gusto nya. Pasensya n ganito kc ako magmahal. Pero kpg alam kong sobra n kaya ko nmn lumayo. Ang problema nga lng kc ngaun pandemic ndi kme makauwe ng anak ko samen kc buntis ako at bawal din ibyahe ang bata. Btw may anak ako sa pagka dalaga. Mag isa ko binuhay ung panganay ko. Cguro nmn kakayanin ko rin palakihin tong nasa sinapupunan ko ng mag isa kung hihiwalayan ko lip ko. Nagawa ko nga pag aralin 4 n anak ng kapatid ko at anak ko nung ndi p kme ng lip ko. Kaya nmn cguro noh? Mga mumsh?

10 Các câu trả lời

Cnubukan ko ipaintindi sa knya ung sitwasyon pero palage nlng nauuwe sa pag tahimik ko kc parang lahat ng sabihin ko sa knya mali. Natiis nya nga ako naun maghapon as in wala akong kaen. Narinig ko p tinanong sya ng mother nya kung kumaen n ko sagot nya ewan ko. Nagsimula lng nmn ung pagtatalo nmen nung ng suggest ako n tapusin nya n ung bayad dun sa hinuhulugan nya para wala n kme iisipin n utang. Nagalit sya saken. Nasa work sya nun magkausap lng kme s phone. Nung nagalit sya natulala ako accidentally napatay ko ung phone. Ng chat sya saken n ang bastos ko daw para lng daw sa bagay n un papatayan ko sya ng phone. Hirap para saken iexplain palage sarili ko kaya ndi ko alam sasabihin sa knya. Nanahimik nlng ako hanggang makauwe sya ng bahay. Kanina tanghali pinaghain ko p sya ng pagkaen pero ndi nya ako inaya kumaen so nanahimik nlng ako at nagkulong sa kwarto.maghapon nya ko ndi kinibo lumabas lng ako ng kwarto bandang 5pm para mag igib at magluto ng panghapunan. After nun pasok ulit ako sa kwarto. Nitong gabi sya naghain ng sarili nyang pagkaen and still ndi nya ko inaya kumaen man lng. Ang sakit lng kc bakit ung ibang lalaki n khit magkagalit cla ng lip nya nagagawang ayain kumaen. Wala nga lng pansinan. Sya as in wala. Tonight bgla ko nlng naalala pangako nya sa magulang ko na aalagaan nya daw ako at ung anak ko. Iyak nlng ako ng iyak.

mamsh same situation tayo before my 1st trimester lagi dn ako nalilipasan nang gutom, two times a day lng kumain ng rice kpag my mttirang ulam un kakainin ko 1st tri ko puro kape lang iniinom ko and kht ung pinaglilihian ko dko makain nranasan ko yan sa side nang Lip ko. Pero sabi ko sa icip ko hndi owde na gnito lalo na buntis ako. Okay lang mawalan ng asawa wag lang anak kaya umuwe ako saamen. talagang iniwan ko lip ko kasi kawawa kami ng baby kung laging ganon wala nang mkain lagi pa kaming nagaaway. and awa nang dyos sumunod nman ung lip ko sa side ko. hnding hndi ako uuwi sknila kung wala syang mtinong trabaho. may anak dn ako sa pagkadalaga pero nsa side sya ng fam ko nung nandon ako sa lip ko. ako din nagpalaki dun sa 1st child ko and now hes 7yrs old na. Nanay na rin ako its time to decide for your own and child sake. Mas mbuti umuwi ka sainyo kesa gnyan.

Kapag ka video call ko ang pamilya ko ngtatanong cla bakit daw ako namamayat. Ndi ko lng masabi n palage kc lipas ang oras ko ng pagkaen. Ndi ko masabi sa knila ung sitwasyon ko kc alam ko n magagalit cla sa lip. Pero tama k mumsh mas mabuti nga cguro n umuwe nlng ako kc nung buntis ako sa panganay ko kahit wala akong partner nun alaga ako ng mga kapatid ko at ng tatay ko. Ndi ko man makain ung mga pinaglilihian ko noon ndi nmn ako lipas sa pag kaen.

ganyan din ako, nahihirapan ako mag.voice out, nasa pamilya ako ngayun ni partner.. minsan kahit ayaw ko nung pagkain,di ako makademand kac nahihiya ako pinipilit ko nlng, para my laman lng tyan ko.. yung papa pati ni partner ko mahilig sa karne lalo sa baka di sya mahilig sa gulay, pg anjan lng partner ko ako nkakarequest n gulay nmn tapos ccmangot ung papa nya..sasabihin pa sakin ang tamlay naman ng ulam mo..minsan naiinis na rin ako.. ang galing kc mgdemand ng ulam ee pero ung partner ko nmn lagi nya hinihingian ng pambili.. 😔 haisst..hirap tlga pg wala ka sa pamilya mo..😥

before mo iwan partner mo, try to talk to him in a calm way... na buntis ka sna man lang ayain ka kmain dhl nahihiya ka mmain na kaw lng.. na mas mdali ka mapagod dhl preggy ka... na sna kht pano isipin nya sitwasyon mo dhl buntis ka... most of the tym ksi yng mga lalaki ndi nla naiisip kgd yng mga yn ksi ndi nmn sila emotional ndi tulad nting girls. kya before ka magdecide iwan sya talk to him mna. na dpt inaalagaan ka nya. now oag gnn pdin sya then ska ka magdecide...

hi mommy, i hope you're doing well. but try to talk to your lip po and sabihin mo na nagugutom ka kahit sa kanya mo na lang sabihin and you will see kung pag hahandaan ka man lang niya or samahan ka sa kusina para di ka mahiya kumain, ang hirap kasi kawawa ang baby pag nagugutom ka nagugutom din siya, kapag pagod at stress ka nararamdam yun ng baby mo. but you mentioned na u already have 1 kid kasama rin ba siya sa bahay ng lip's family?

happy for u na may aruga sayo ang partner mo sana kay Mommy din na nagpost na sana alagaan siya ng lip niya 7 months dapat di na masyadong nagpapapagod at nagpapagutom :)

mommy based sa story mo, i think kaya mo naman. Pero before doing that, try to talk with your partner muna. Kung mag uusap kayo, dapat kalmado kayo both. Walang taasan ng boses. Ipa intindi mo sa kanya yung side mo kasi totoo hindi talaga okay na malipasan ng gutom ang buntis. Pls mommy kausapin mo partner mo. And from there, try to assess him in the comings days/weeks. Pag waley pa rin talaga, then gora na sa family mo.

Mamsh una po kausapin mo mna ang lip mo Sabihin mo sknya ang mga hinaing mo. Sabihin mo na May baby s loob m. Wag ka mahiya sknya xe baby nman nya yan. Iwas po mna s mabigat na Gawain. Kng sakali ma intindihan ka nya ok po un wag kna po mna mag decide na iwan xa. May mga lalaki po xe na kailangan Sabihin sknla kng anu ang pakiramdam mo. Mag usap po kau

Usap muna kayo ng mahinahon if wlaang pagbabago then uwe ka na sainyo. Walang matinong lalaki na pababayaan ang buntis na babae. Saken,De bale walang asawa bsta may anak. Ang lalaki napapalitan ang anak isa lang yan.

Gustong gusto ko n umuwe samen sis. Parang wala talaga sa isip nya ung pjnagbubuntis ko wala p rin syang ipon hanggang naun oct. Ang due ko. Tapos kumuha n nmn sya ng hulugan cellphone nmn. Nabawasan ung ipon ko dahil dun kc un ang pinang down nya. Gusto ko syang sigawan gusto ko magalit kaya lng parang wala ako palaging karapatan dhil nndto kme sa poder nila. Iniiyak ko nlng lahat

Super Mum

Mommy mas maganda po siguro mag usap kayo ng LIP mo para maliwanagan siya sa nararamdaman mo.. Clueless din siya since di naman niya saluobin mo po mommy.. Wag po kayo magpadalos dalos ng desisyon

wag ka po mahiya😥 masama po sa baby yan

Câu hỏi phổ biến