158 Các câu trả lời
Yung sakin po mamsh. No signs of pagkalaglag baby ko... TransV utz din ako pero kahit sinabi ni dokie na healthy yung baby ko iniwasan ko pa din yung madalas na pag.angkas ko sa motor nami tsaka hindi aku umaalis ng bahay kong di naman kinakailangan. Kahit sabihin pang no signs of pagkalaglag tayu dapat aware pa din tau na high risk sa miscarriage pag nasa 1st trimester pa.. Para sakin po prevention is better than cure kaya hanggat maaari nasa bahay lang ako at walang masyadong ginagawa.. Pati paglalaba ay ayaw munang ipagawa ng hubby ko kasi hirap din naman akung kumilos mag.isa bcoz of my fractured arm 💪 . Laban lang tayu mga mamsh :)
Ganyan din nangyari sakin.. learned I was preggy nung 6 weeks na si baby.. parati din ako nagkakacramps, same pain na parang magkakaron.. pina ultrasound ako ganyan din may subchorionic hemorrhage ako.. pinatake ako ng pampakapit and total bed rest talaga. Babangon lang ako sa kama para magCR, kahit kumain nasa bed lang ako. Naubusan na ko ng mapapanood sa TV, YT, FB, Netflix.. pero all worth it naman kasi para kay baby. Thankfully after 2 weeks wala na hemorrhage nung nagrepeat ultrasound.. Tiis lang, need ng full cooperation ng lahat ng kasama mo jan sa bahay para maintindihan at suportahan ka nila.
ako naman 5 weeks 6 days meron din subchorionic 1 week bed rest ako tska duphaston pero wala me spotting makirot lang puson ko. tapos pinabalik ako after 2 weeks repeat tvs and thank god nawala na ung bleeding sa loob. tawag nga ng ob ko dun pasa. pero nung nagstop ako ng pampakapit bigla naman ako dinugo ayun balik ulit 1 month pampakapit ang nireseta na sakin is ung progesterone nilalagay sa loob ng vagina kase sabi ni ob mas mahal duphaston at mas effective daw ung pinalit. okay naman na ngaun wala na ko spotting. may kirot lang minsan puson ko. bed rest ka lang mommy tska inom gamot mawawala din yan. 🙂
Same tayo sis. 1st tri may hemorrhage din ako. Bedrest ako ng more than a month. Literal na bedrest dapat sis. Yung tatayo ka lng para umihi, kumain at maligo. Yung matagtag bawal din, magbuhat ng mabigat, mapwersa, akyat panaog, byahe ng malayo at mastress. Wag ka masyadong mag isip sis, pray ka lang at gawin mo lahat ng sinasabi ng OB. Inumin mo yung gamot or much better nga eh vaginal na gamot hindi oral kasi mas mabilis ang bisa nun. Kaya mo yan, ganyan talaga ang 1st tri. Now, 7 months na ako sis and everything is okay. Keep on praying lang huh. 😊😊 stay positive din 😊😊
Sa first baby ko po, ngka internal hemorrhage din, twins sana yung baby ko nun 4 years ago.. Sad to say nawala cla nawalan ng heartbeat, hirap tanggapin pero yun na ang will ni God, na phobia ako kaya after 4 years muna bago kme ng decide ni hubby na mg baby ulit, andun pa rin yung takot pero need nmin ma conquer yung fear na yun para makabuo kme ng family, ayun ito na nga after 4 years nabuntis aki at kabuwanan ko na po ngayon.. Basta sis pray lang po, at take mo lahat ng meds na bigay ni ob.. At dapat full rest ka.. God bless.. Pray for you..
Pampakapit Sis and importante talaga ang complete bed rest and prayers. Kausapin mo din si Baby. I have Subchrionic Hemorrhage and nagbi bleed ako simula week 6 hanggang week 12 and twice ako nasugod sa hospital at na confine for 3 days pero okay na ako ngayon. Still in bed rest pero hindi na gaya dati na sa bed pan pa ako umiihi. Ngayon nakakaupo at nakakatayo na din ako pero hindi masyadong matagal. Im on my 15 weeks. Nasa pag iingat yan Sis. Mawawala din yang Hemorrhage. 🤰👶💖
complete bed rest ka sis.. bawal mg buhat mbbigat, galaw2, mgalaba at byahe dpat bed reat tlaga.. kng working ka better to decide ka po. kc aq i quit my job for my baby.. delicado kc yan my spotting kpa.. always pray dn kay God. walang imposible sknya.. sundin m lahat ng payo ng OB m. mas lalo mga gamot na bnibigay nia.. sacrifice lng sis.. kht sobrang mahal ng duphaston at need m xa itake 3x day for how many months... laban lng momy.. sana mwala na at maiwasan m spotting mo..
Nag karoon din po ako ng ganyan. Nagbleeding ako ng sobra. And then ang ginawa sakin pina ultra sound and un nga ang sabi may hemorrhage and tinanong ko kung saan b nkukuha ung ganun ang sabi ma chechexk daw pag nag urinalysis ako tingnan kung may infection pero normal ung result ng urinalysis kaya nagtanong ulet ako kung normal namn ang result ano ang cause nun ang sabi sakin bka daw po stress ako or pagod kaya binigyan ako ng pampakapit and bed rest po. Mawawala din po yan.
Mommy dont stress yourself. Kc po may mga ganyan cases po pero bedrest lang talaga kailangan mo and ung medicines na need mo itake. Ako from 8th weeks to 17weeks bedrest ako. Natakot din ako nung una pero ngstop ung spotting ko ilang days palang ako ngttake ng pampakapit 3x a day un for almost 2mos. So far okay na kami ni baby. Still taking duphaston and duvadilan pa din pero 1x a day nalang ako. 😊 prayers lang din po tayo mommy. ❤
Ako sis nagkasubchorionic hemmorhage mula 8 weeks hanggang pa 12 weeks ko. Naka bedrest ako for a month. PinagLOA din ako sa office nung OB ko. Una duphaston 3x a day. Tapos pinalitan ng progesterone vaginal suppository once a day. Tapos nawala din. Pero di ako magbleed or spot. Nakikita lang sa transv. Pag daw po kasi mas lumaki ang hemmorhage kay baby, makukunan ka kaya need talaga ng rest. Ngayon going 30 weeks na po ako.
Norz Canonizado