Im on my 4 weeks postaprtum. Ang hirap mga mommy yung wala kang mapagsabihan nang nararamdaman mo. Sinabihan ako nang tatay ko na ang sensitive ko raw at emotional. Yung asawa ko naman, ganun din. Ni hindi man lang ako kinakamusta emotionally. Hindi nila maintindihan. Napansin ko, pinapatulan pa nga ako
Kung nga ikaw sa sarili mo, hindi mo na maintindihan yung mga nangyayari sayo, sa pagbabago nang katawan mo na bakit dati ok naman ako pero bat ngayon para akong ineffiicient, lutang at ewan? Tapos dadagdagan pa ng mga ganitong kasama sa bahay.
Minsan nagigising na lang ako na sana manhid na lang ako para di ko na maramdaman itong mga to. Pero meron ka nang dependent at ayokong maaapektuhan si baby nang dahil sa emotional struggles ko ngayon.
Gusto ko lang ng mga taong genuinely makakaintindi. Sad to say, yung mismong asawa ko na dapat siya, wala, nada, none. Ang hirap umiyak nang mag-isa. Di alam ng asawa ko na may mga ganitong moment ako kasi ang hirap mag-open sa kanya. Lagi siyang busy, etc at kung ano pa.
Anonymous