84 Các câu trả lời
Same po tayo 18 years old po 1st time ko din po magbuntis at laking Lola at Lolo ko pero lola ko na Lang kasama ko ang laki ng pangarap skin ng Lola ko na makapunta ko ng ibang bansa dhil kukunin ko ng Tita ko pero nabuntis ako...natakot Ako dahil hindi ko Alam kung matatanggap pa ko ng Lola ko masaya naman kami ng bf ko dahil gusto na nga sana namin magkaanak pero hindi sa ngayon pagtapos ko sana ng college pero nagyari na nandito na kaya pinanindigan na namin bali kilala ng lola ko bf ko tiwala siya sa bf ko na walang nagyayari dahil mas matanda skin ng 10 years bf ko kaya alam na niya ang tama at mali...bf ko ang kumausap sa Lola ko na hindi niya sinasadya pero paninindigan niya ang nagyari tapos yun nagusap sila about sa magyayari sa akin paano na raw pagaaral ko kasi grade 12 graduate ako..January nalaman namin na Buntis ako so may 3 months pa ko sa school uniform pa naman namin fitted so ayun na nga nagalit lola ko ilang linggo din kami hindi naguusap ng maayos hanggang sa natanggap na niya kinausap niya bf ko na Papuntahin na dito sa bahay mama niya para pagusap yung kasal...so ayun pumunta naman Mama niya na pagusapan na nila yung kasal west na lang raw para hindi malaki gastos tapos tinatanung kung anong month kami magpapakasal sabi ng bf ko June katapusan sabi ng Lola ko baka nmn Sobrang laki na ng Chan ko sa kasal pero Hindi siya ganun kalaki parang busog Lang ako masaya naman lola ko dahil pinanindigan kami Dalawa Ni baby at may salita at gawa tapos maalaga swerte na din na siya naging asawa ko at excited na din Lola ko na makita apo niya...kaya pray ka lang dahil sa una magagalit at madissapointed talaga parents po dahil nga malaki pangarap nila sa atin.... tiwala Lang at dapat harapin niyo kahit na natatakot kayo dalawa sa magyayari pero lilipas din yan at matatanggap nila
Ako be 6 mos na tummy ko nung nasabi ko sa parents na preggy ako. Si mama palang una kong sinabihan dahil una palang nakakahalata na sya na nalaki tiyan ko, lagi nya ko kinukulit na bakit lumalaki daw tyan ko pero denedeny ko na hindi ako buntis. Pero alam mo naman sa sarili mo na buntis ka, ang hirap gumalaw, ang hirap kumilos sa bahay dahil alam mo sa sarili mo na may tinatago ka. Stress kapa at sobrang hirap talaga. Pero nung time na nagusap na kami masinsinan ni mama, yung pinilit nya na ko umamin, sinabi ko na lahat, hindi ko pa kaharap papa ko at si mama lang muna. Hanggat sa tinawag na ni mama si papa at nalaman na din ni papa. Oo be nagalit sila lalo na si mama kung ano ano pinagsasabi saken hayup ako, baboy, pahiya lang pero tinanggap ko yun. Nagaaral pa kase ako first year college ngayon at only daughter lang ako. Im just only 19. Pero bilang respeto nalang din sinabi ko sakanila at nilakasan ko lang loob ko. Pero 2 days after lang kinausap na nila ako, inaalagaan pa nila ako nila mama, sinusuportahan, kapag gigising ako umaga may gatas na sa lamesa, pagsasabihan ako kapag ka natutulog ako ng sobra pag ka walang pasok. Sarap sa feeling.❤ Kaya be hanggat maaga pa magsabi kana. Mahirap sa una kase magagalit sila tsaka nauunahan ka ng takot pero sa bandang huli napakasarap sa feeling kase alam mo may taong susuporta sayo at sa baby mo, yun ay yung parents mo. Yung galit anjan na yan eh pero pag ka nakita nila apo nila wala na yang galit na yan. 😊 7 mos preggy na ako.
Last semester na sa college nung nabuntis ako kay sinecreto ko talaga pag bubuntis ko kasi baka patigilin ako sa pag aaral. 5 months na nang sinabi ko sa parents ko. Very supportive naman si baby sa tummy ko kasi imbes na sa morning ako nag susuka, evening. Kaya kahit na teacher ako sa umaga (practice teaching), walang nakapansin.. flat din ang tummy ko. Kaya umabot talaga sa 5 months ang aking pag tatago sa kanila. Very difficult at first, but nag took courage ako na isabi sa kanila, both of them together. Wala din kasi talaga ako ibang choice... they have to know. Kaya yun... Very flat pa ng tummy ko before telling them but after ko na open up sa kanila, kinabukasan di na kasya sakin ang uniform ko kaya need pa tahiin ni Nanay ang slacks at blouse ko. Ang ending, medyo pike si baby pag labas... medyo natagalan syang nag tago kasi kay medyo naging curve ang legs nya.. buti nalang si Nanay ko nag hihilot sa kanya nun kay okay na paa nya. Basta, isipin mo nalang na kailangan nilang malaman. Wala tayong ibang choice. Hanapan mo ng tiempo. Expect mo nalang na magagalit talaga yan lalo na't nag aaral ka pa.. but for sure, 100% sure, matatanggap nila yan. Tiwala ka lang.
Base on my experience though alam naman ni mama na may nagyayari samin ng bf ko ang ginawa ko na lang ay dinaan ko sa tanong na "Ma pano kapag yung isang guhit sa PT malinaw tapos yung isa malabo." Tapos ayun sabi niya sakin buntis ka kapag ganun. Tapos after that sinabi ko na sa kanya na buntis nga ako pinakita ko sa kanya yung trans-v ko pero di niya tinanggap. Natural na nag iyakan kami pero natanggap din naman ni mama. Pero pag dating sa papa ko almost 1 month niya akong hindi kinibo. Then after kong sinabi na buntis ako tinawagan agad ni mama yung bf ko kinabukasan dumating naman si bf kasama yung parents niya. After that ayun alagang alaga naman na nila ko nung nalaman nilang buntis ako pati sa pag kain tsaka sa pagpapacheck up ko sa OB sinasamahan na din nila ako. Kaya advice ko sayo try mo ipaalam sa mama mo kasama yung bf mo. Then tanggapin mo na lang yung mga sasabihin nila. Ganun lang siguro talaga pag mga magulang lalo na kapag malaki yung expectation satin bilang mga anak. 😊
"Children are a heritage of the LORD: and the fruit of the womb is His reward." Psalm 127:3 Though it may seem na off yung timing dahil you're still in school, consider having a baby as a 'happy consequence'. God isn't rewarding you for having sex out of wedlock or for engaging in premarital sex. He gave you that baby because He wants you to learn something about His love, mercy and grace. The sooner you let your parents know, the better for you and your baby. Be prepared na magalit sila Mom & Dad - nabetray kasi yung trust nila. Don't try to talk back or justify your actions ksi magagalit lang sila lalo. Remember that your parents love you so much and only want what's best for you. Sounds cliche' pero maintindihan mo na rin yan soon. Apologize humbly and listen carefully sa wisdom na ibibigay ni God sa iyo thru your parents' "sermon". Praying for and with you. 💕
Ako mommy sa panganay namin unang kong sinabi then sya nagsabi sa mama ko tru video call nasa ibang bansa kasi ate ko nun. Tapos katabi kopa mama ko nun syempre natatakot ako kung ano reaksyon nya syempre na shock sya sabi nya kaya pala lagi kang matamlay at lagi ka lng nakahiga hehe🤣. Syempre binungangaan nya ko pero di naman yung sobrang bunganga. Nandyan na daw yan eh wala ng magagawa then sinabi nya sa papa ko pagka hapunan nung araw nayun namanhikan na bf ko. Sa una lang talaga marami kang iisipin na negative kasi matatakot ka pero pag nasabi mo nayan mawawala na gagaan na pakiramdam mo. Matatanggap kadin nila magulang sila walang nakakatiis na magulang sa mga anak nila.😊
I suggest mas okay na dalawa kayo ng bf mo magsabi sa parents mo. In my case kasi yung Lip ko yung ngasabi sa parents ko hndi nya ko sinama as sya lang magisa. Mejo syempre nadismaya pero na syempre natuwa din parents ko kasi nakaya ni Lip magisa. Kaya na feel nila na may paninindigan talaga si lip at hndi ako tatakbuhan. Ma feel lang ng parents na papanagutan anak nila for sure yung galit nyan saglit lang. Tanggapin mo nalang sa una lang naman yun. Now im 7mos pregnant on our second baby! Kaya nyo yan ate girl. Wag nalang sundan agad si baby paglabas. Aral muna para sa future nyo. Goodluck.
Ako nga untill now dipa alam ng father ko. Pero nung si mama nakaalam dinaman nagalit kasi alam niyang mabait at masipag partner ko. Sabe ni mama siya nalang daw bahala magsabe kasi medyo stress pa si papa now dahil dipa nakakasaky ng barko. Yung partner ko naman unang araw na nalaman niya buntis ako gusto naniya humarap kay papa until now. Pero sabe ko wag muna. Tabain ako kaya kahit 22 weeks na tiyan ko at malaki na di nahahalta ni papa. Mahirap itago pero dapat pakatatag kalang. Kaya ikaw much better kung mama mo muna kausapin mo kasi mas maiintindihan kaniya. :)
Ako, sa mga kapatid ko muna sinabi. Den pinapunta muna ako sa bahay ng jowa ko tapos yung pinaka panganay namen nagsabi kay nanay ko. Nagalit syempre, nag wala. Tapos kinabukasan pinuntahan ako ng kuya ko may dala 1k. Pinabibigay daw ni nanay.. Magpacheck up na daw ako. Hehrhe... Nandun padin yung love and care kahit galit sya. Sa una talaga mawiwindang ka ...pero lalaon din yan. Dat was 9years ago.. 21 years old ako nun. Ngayon 2nd baby kona. Tagal nasundan :) ... Hoping for the best sayo and ky baby :) ..nandyan na yan.. Gift from god :)
Same po. Grade 12 din po ako at 17 years old. Sa situation ko, hindi ako nahirapan na sabihin sa parents ko kasi si mama na mismo nakahuli sakin nung time na nakita nya kong nag suka😅 pero syempre nagalit sya sakin, halos 1 linggo ako iyak ng iyak nun. Pero ngayon okay na kami. Kaya kung ako sayo, sabihin mo na po sa parents mo, isama mo bf mo. Kasi maapektuhan din si baby pag na momroblema ka. Sa una magagalit sila syempre pero matatanggap din nila yan. Nanjan na yan e. Goodluck atee😊 btw 4 months preggy here hehe