May contact ka po ba sa OB mo? Sign po yan na malapit ka ng manganak. If na babother ka na po at gusto mo na pong pumunta sa hospital, pwede naman po. Ako po kasi nun, tinext ko muna yung ob ko tapos sabi nya obserbahan ko daw muna yung paghilab ng tyan ko at pagsakit ng puson at balakang ko. That time hindi ko pa kasi alam yung feeling ng contraction, kaya pumunta na ako sa hospital pero pinauwi ulit ako kasi 2-3 cm pa lang daw. Then bumalik ulit ako sa hospital kinagabihan kasi hindi ko na kaya yung sakit. Papauwiin ulit sana ako nun kasi 3cm pa lang ulit, buti na lang sabi ng ob ko iadmit na ako. Then nung dinala ako sa delivery room, 6cm na agad hanggang sa ilang minuto pa at full term na. Buti na lang naadmit ako, kung umuwi ako malamang sa bahay ako manganganak. Hehehe.
MICHELLE MADRIDANO