39 weeks
Im 39 weeks ? pero bakit wala pa ? next monday balik ko sept.09 kapag di pa ko nanganak this week and saka ako i IE e due date ko sept. 10 . Sana before mag due date manganak na ko , di ko namn minamadali pero ayoko may over due .
Same tayo mommy, sept 10 is my due, last checkup ko tip palang na ipapasok ala pang 1cm, these past few days naman nag cocontract ako pero di ako makapunta sa hospital kase tolerable at di naman tuloy tuloy contractions ko usually night at madaling araw lang, mas nag cocontract ako pag nag pre pre natal exercises, dapat relax ka lang mommy and wag mag worry at ma stress kase lalong di makababa si baby, pa massage ka po kay hubby para ma relax yung body mo at di mapigil pagbaba ni baby. As of now mas sumasakit contractions ko sana mag tuloy tuloy na, search ka lang sa youtube ng mga prenatal exercises, or activating labour exercises, then maglakad lakad. Tiwala lang tayo kay baby lalabas din siya in God's perfect timing. 💖
Đọc thêmSame here po. Pero now masakit ung tyan ko na nkulo. Tas nagpoops ako ng 3times dis day. . Masakit na dn pempem ko at puson ko. Madalas na dn ung pagtigas ng tyan ko. . Tingin nio po naglalabor na po ako. Wala kase ob ko ngayon.kea di ako nkapagpacheck up.
Ako din madalas na ko mag poop tas parang naliit na tyan ko so nag wowoworry ako. 7mos plng kasi ako nung August puro ako sugod sa er dahil nag pre-term labour ako tas ngaun sunod sunod naman poop ko kagagaling ko lang din sa sakit nag infected sa dugo tas nag ka dengue kaya natatakot nman ako naliit ung tyan ko
Ako po due ko sa sept 09 na po.. Im in pain na sa puson at back ko sobrang sakit pero sabe po doktor ko hanggat wala pa tubig lumalabas kaya pa nman daw po.. Advice naman po pwede gawen para ndi msyado maramdaman ung sakit
Wag ka pong mag madali mommy manganganak ka rin po. Ang due date po kasi natin ay ginagamit para maestimate kung kailan ka pwede manganak, ibg sabhin pwedeng -2 weeks or + 2 weeks mula sa due date mo bago tayo manganak.
Ako momsh 39 weeks 2days nanganak. After ng ie ko kinagabihan pumutok na panubigan ko pero wala akong nararamdaman na hilab. Kinabukasan induced labor po ako. Pray lang momsh, lalabas din si babay 😊.
Yes po, normal delivery po ako. 3kgs si baby 🤗
same po tayo sis sept 10 din due date ko and balik sa 9. pero sakin may kunting contraction pero di progressing bihira ngalang..nagpa ie na ako close pa daw, pero sobrang baba na nya..bdw 1st baby ko to.
1st baby ko rin, mataas pa ung akin , pero sabi ni doc pwede na ko manganak anytime . Sa sept. 9 palng ako i IE . Kaya di ko alam kung ilan cm or open cervix na ba ko .
Pray lang sis ! Kausapin mo si baby . more squats and walking ka every morning 😉 Wag ka magpa overdue kasi kawork ko nacs dahil na overdue .
Okay lng yan moms september 10 papo nmn nug ako nangank napo ako Aug. 6 pero due ko is 5 huag kalng lalagpas ng twoweeks overdue.
Same tayo ng due date mamsh.. as of now naninigas sya tapos masakit na bandang pempem pero putol putol d pa tuloy tuloy yun sakit
Same here. Masakit pero hindi tuloy tuloy. Sabi kasi sakin ng kapatid ko,pag daw hindi na ko mapakali sa sakit at hindi sya tumitigil, yun na daw yun . Kaso paputol putol yung sakin .
Same sept 10 din due qoh momsh..di pa din nmn ako nanganak...pray lang tau sis..lalabas din c baby natin🙏😇
Tres Maria's