Unwanted baby

Im 32 weeks pregnant and nafefeel ko na lalo na ayaw talaga ng ama ng anak ko sa baby namin . Nung nalaman ko na buntis ako sinabi ko agad sa kanya.Tinanong nya ko if gusto ko daw ba i keep ung bata and umoo ako. After ilang weeks nag open sya sakin na what if ipatanggal daw namen ung baby,dahil ayaw nya raw mastress ako or pag usapan ng mga tao . Nadisappoint ako , and tinanong ko sya if yun ba talaga gusto niya .Ang sagot nya sakin iniisip nya lang daw ako. Pinagpatuloy ko parin pagbubuntis ko,at eto nga sabi niya iapelyido sakin . Hinayaan ko nalang kasi sumusuporta parin naman sya financially at sabi niya dadating din daw ang time na i acknowledge nya si baby.Nalulungkot lang ako kasi ayaw din niya ung naisip kong pangalan ng baby namin na katunog ng name nya .Di ko alam ano ba dapat kong gawin . Di ko magawang lumayo at makipaghiwalay kasi wala naman ako work at di ko kaya i support anak ko mag isa lalo ngaun pandemic wala na ako work . Sorry dito ko pa pinost kasi wala naman ako iba mapagsasabihan. Nahihiya ako ipaalam sa magulang ko na ganto sitwasyon ko. Feeling ko mag isa lang ako na may gusto nito, oo di rin ako handa pero di ko kaya na ipalaglag anak ko or ipa adopt. Di ko maexplain nararamdaman ko ngayon.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

magsabi ka na sa parents mo.para sa bata wag mong ikahiya yan.blessing yan.tsaka sa jowa mo, sana bago nya pinutok sa loob inisip nya muna yang mga pinagsasabi nya ngayon.sobrang late na ng realization nya dai.dami nya excuses.kainin mo din pride mo para sa bata.maiintindihan yan ng magulang mo.mamahalin nila yan.

Đọc thêm