Unwanted baby

Im 32 weeks pregnant and nafefeel ko na lalo na ayaw talaga ng ama ng anak ko sa baby namin . Nung nalaman ko na buntis ako sinabi ko agad sa kanya.Tinanong nya ko if gusto ko daw ba i keep ung bata and umoo ako. After ilang weeks nag open sya sakin na what if ipatanggal daw namen ung baby,dahil ayaw nya raw mastress ako or pag usapan ng mga tao . Nadisappoint ako , and tinanong ko sya if yun ba talaga gusto niya .Ang sagot nya sakin iniisip nya lang daw ako. Pinagpatuloy ko parin pagbubuntis ko,at eto nga sabi niya iapelyido sakin . Hinayaan ko nalang kasi sumusuporta parin naman sya financially at sabi niya dadating din daw ang time na i acknowledge nya si baby.Nalulungkot lang ako kasi ayaw din niya ung naisip kong pangalan ng baby namin na katunog ng name nya .Di ko alam ano ba dapat kong gawin . Di ko magawang lumayo at makipaghiwalay kasi wala naman ako work at di ko kaya i support anak ko mag isa lalo ngaun pandemic wala na ako work . Sorry dito ko pa pinost kasi wala naman ako iba mapagsasabihan. Nahihiya ako ipaalam sa magulang ko na ganto sitwasyon ko. Feeling ko mag isa lang ako na may gusto nito, oo di rin ako handa pero di ko kaya na ipalaglag anak ko or ipa adopt. Di ko maexplain nararamdaman ko ngayon.

20 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Tatagan mo po ang loob mo. pinaka the best na decision na ginawa mo ang ituloy ang pagbubuntis .. paglabas ni baby jan mo mararamdman ang kakaibang saya.. kung hindi pa sya handa sana gumamit sya ng contraceptive bago ka nya pinakialaman.. kung mahal ka nya imbes sabihan ka nya na ayaw ka nyang pagusapan at mastress ka.. dapat nyang sabihin wala syang pake sa sasabihin ng iba ang mahlaga magkakaron na kayo ng sariling pamilya.. kung ako sayo mommy uwi ka sa inyo at ipagtapat sa parents mo ang sitwasyon mo kaysa magtiis ka kasama mo ang taong bumuo pero hindi naman tanggap yang anak mo... sending hugs mommy

Đọc thêm

Hindi sya deserving na maging ama ng anak mo.sori ha pero nakakagalit. Better sabihin mo sa pamilya mo ang nanyayare. magagalit sila,oo.tanggapin naten yun kasi ginusto naten to. matatanggap din nila yan at wag mu na pansinin yung sasabihin ng ibang tao. Wag mu i give up ang pagiging ina kasi, baby is the best gift God has given to us. Napagdaan ko din yan dahil 19 lang ako nabuntis.tinanggap ko lahat at pinatunayan ko sa kanila na wala ako pakialam sa kanila at proud ako sa baby ko.she's now 6 years old, beautiful,very smart and intelligent. Siguro dahil all the way ng pagbubuntis ko,hindi ako bumitaw kay God☺️😇

Đọc thêm
Thành viên VIP

Sis, wala pa si baby feeling mo mag-isa ka na lang. Paglabas ni baby kakailanganin mo ng katulong. Pinagdaanan ko, mahirap mag-isa lalo’t new born ang aalagaan mo. Mas mabuti if lalapit ka sa family mo o kung kanino na maaalagaan kayo ng baby mo habang 32 weeks ka pa lang. di din makakabuti sayo ang mastress kase prone sa preterm labor so mas mahirap. Your partner could still support financially kase sya ang ama at may kaso if di sya magbibigay ng financial support lalo if capable naman sya. Pray always. It helps also para sa enlightenment at guidance. Will also pray for you. 🙏

Đọc thêm

cguro maging lesson din sa ating mga babae... na huwag kukuha ng lalaki na di kaya ang responsibilidad. kasi hindi lang tayu ang kawawa kundi ung walang kamuang muang na bata... tayo pwede tayo mamili ng lalaki.. pero ung mga anak naten they cannot choose sino magiging magulang nila.. kawawa naman na unwanted baby ka... anu nalang magiging personality mo paglaki mo kung ung mismong magulang mo eh ayaw sayo... how will u love urself kung di ka magawa mahalin ng tatay mo... napakasakit nyan sa bata lalo kapag may isip na sya...

Đọc thêm

I feel you mommy. 😥 Pareho tlaaga tayo nka apelyido din sakin ni tawag di magawa kamustahin ang 4months baby namin. Gustuhin man na makipaghiwalay kaso lng wala din akong work wala din akong family dito sa maynila. kailangan pa din ng support nya. Being a mom kailangan talaga muna natin isipin needs ng baby natin kaysa sa sarili nating feelings, even though feeling mo lugmok kana. We are born to be STRONG Kaya Laban pang tayo momsh. God has always a better plan for us! Keep the faith. fighting! 😇💪🙏

Đọc thêm

much better to tell ur parents rather than its too late . parents mo pdn Yan sila padin tatanggap sau. Yung Asawa mo npka tanga Kung talagang concern sau yan, dapat d Nia iisipin ipalaglag anak nio ano siyang klaseng tatay or bka my nililihim Yan Asawa mo. mging mtatag k nlng wag mastress ,, sa pnhon ngaun Lalo n covid pa kelangan mo mgng mtapang at malakas isipin mo c baby mo. tell ur parents na wag k mhhya sila dn mkktnggp at tutulong sau Lalo n ngaun.

Đọc thêm

To be honest. Pumunta ka na lng sa parents mo. Kaysa magstay ka diyan sa jowa mo. Sinasabi ko na sayo ma wala siyang kwenta. Kasi anong klaseng ama yan na gusto ipalaglag anak mo at ipa surname sayo. Ibig sabihin ayaw niya talaga sa baby. Umalis ka na sa kanya at pumunta ka sa parents mo. Stay strong. Wag ka mahiya magsabi sa magulang mo. Sila lng makakatulong sayo.

Đọc thêm

matatanggap nya din yan momsh, walang ama ang kayang pabayaan ang sariling anak lalona pag naipanganak mo na yan momsh maniwla k mababago yang tingin ng jowa mo sa baby nyo! keep safe mommy, ipanganak mo si baby ng healthy. magdasal ka lang !

Parents knows best mommy. Mas magiging matatag ka kapag sila yung karamay mo sa hinaharap mo ngayon. Yung hubby mo, walang bayag yan. Wala ng mas sasakit pa sa ginagawa niyang hindi pagtanggap sa baby niyo.

nakkalungkot naman na ganun reaction nya matapos nya magpakasarap , d nya alam mas nakakastress gngwa nya sayo mommy alam mo mas matatangap pa yn ng magulang mo you deserve better po .