Hi! I'm 27 years old. I had a miscarriage last June this year sa 1st baby namin ni partner. Luckily and always thanking God, binalik agad samin I'm currently 10 weeks pregnant. Laging sinasabi saakin na iwasan ko daw magpakastress kasi maselan ako magbuntis pero anong gagawin ko kung yung mismong nagpapastress sakin is yung mom ko na dapat naggguide sakin during my pregnancy. I'm still supporting my parents and older brother hindi ako nagkukulang sakanila na kahit wala na matira saakin. I'm working full time kahit na hirap ako sa pagbubuntis ko and nagsusupport si partner kasi need ko magprovide sa family ko and para mas mabilis maka-ipon for our future family. Today for the first time I asked for help sa parents ko for the expenses sa bahay dahil nagkulang yung pera ko kasi may di inaasahang bayarin pero ang dami na nasabi ng mom ko. Lagi niya din hinahanapan yung partner ko ng mali kahit na puro kabutihan pinapakita sakanila nung tao. Pag babatiin siya ng partner ko hindi niya pinapansin. Nalaman ko din na hindi niya tanggap na magkakababy kami. Lagi siyang galit sakin na wala namang matinong dahilan. Nalulungkot at nasstress ako sa trato niya saakin natatakot ako na magkaroon ng effect kay baby or baka makunan ulit ako dahil sa pinagdadaanan ko. Ano po ba dapat kong gawin?