please enlighten me, suko na ko. ???

Hi, im 25 years old now. Nag simula kami sa nagpakilala syang 18 sya and im 24 that time. Nagka inlove-an kami. Pero nadiscover ko na he's only 14 yrs old and super inlove na ko sakanya that time, he also has a girlfriend that time so i stopped. And then he pursue me, he broke up with his 3yrs ex and niligawan ako. Ginawa nya lahat ng mga bagay na mahihiling nang isang babae sa lalake, yung genuine love ganon na sobrang pinadama nya sakin na may halaga ako, since i came from a tragic past with my ex live in partner. (May baby na kami nung ex ko and yet tanggap nya pa din ako) so past forward ng konti, he became my world.. pero hindi ako tanggap ng pamilya nya. Hanggang sa tumatakas sya sakanila just to be with me, and then napilitan ang pamilya nya na tanggapin ako. And then his family sobrang sama nilegal kami pero pinaramdam sakin/samin na sobrang ayaw nila sa relasyon namin. And dahil nga sa bata sya bumalik sya sa ex nya coz yun yung convenient sakanya. And then after 2weeks binalikan nya ko ulit kase hindi nya kaya laging naghihiwalay kami kase dahil sa pamilya nya and sa hirap ng pagtakas nya and sitwasyon namin sa pamilya nya and then huling nagkablikan kami, he really fight para sa relasyon namin. Super late na like madaling araw tatakas sya makita at makasama lang ako. And then we found out na im almost 2mos preggy pero hindi nya ko iniwan sinuway nya parents nya and ginipit kami, my friend helped us pinatuloy kami sa condo like for 4mos. Nagsama kami tru meron or wala, hindi naman mahirap kase maayos sa condo. Maraming sinabe against sakin family nya like hindi nila kami matatanggap ng bata pero pinaglaban nya kami, hanggang sa hindi na kinaya mag stay sa condo. Kung saan saan kami naghanap ng matutuluyan and napunta kami sa novaliches squatter sobrang layo sa nakasanayan nya, nagkakasakit sya and ginagalis hindi sya sanay kase galing sya sa mayamang pamilya but he tried na magtagal kasama ako don meron o wala masaya kami, hanggang sa hindi na nya kinaya talaga kase halos wala na kami makain hindi ako nakakainom ng vitamins. Awang awa na sya sa sarili nya kase sobrang nakakaawa naman kami dahil garapata ipis langgam mga kasama namin sa pagtulog. Umuwi sya ng madaling araw at walang pasabi sobrang sakit. Iniwan nya ko sa sitwasyon na walang wala. Ngayon kasama na nya pamilya nya and masya sya kase nakabalik na sya sa luho nya and bigla syang naging cold. Nawala yung taong pinaglaban ako at minahal ako. Napagod din sya na ipaglban ako dahil sobrang ginigipit ako ng pamilya nya. There's this house blessing nila kase bago house nila bagong gawa and the family invited his ex and dun pa pinatulog, ginagawa nila lahat for him to regret sa mga bagay na nawala o possible na mawala. Pero he chose to stay sakin, sobrang sama ng loob ko sa pamilya nya. I know mali na mainlove ako sa mas bata sakin pero tao lang ako napamahal at nagmamahalan kami ang di ko lang matanggap bakit may mga tao na sobrang tigas ng puso. Sa ginawa nila na pang ggipit samin tuluyan na kaming naghiwalay. Sobrang sakit im 6mos preggy now. Sobrang depressed na depressed ako hindi ko alam gagawin ko, gusto ko kausapin mama nya pero i dont know where to start. Kung ano sasabihin ko at kung paano ??? sobrang sakit ??

105 Các câu trả lời

VIP Member

stay strong sis kahit para nalng kay baby mahirap sa una pero makakaya mo din yan gawin mong inspiration baby mo para makayanan mo lahat isipin mo nalng kung mag stay sya sayo mahihirapan lang kayo pareho at d sya magiging masaya kasi nakikita nya na nahihirapan kayo at wla sya magawa.. uwi ka muna sa inyo atleast dun kahit mahirap importante may kasma ka hnd safe kung mag isa kalang sa lugar na malayo sa pamilya.. I will pray for you n your baby sna maging okay kayo kahit un lang maitulong ko sainyo. godbless sis take care.

Baka puppy love pa naramdaman ni bf sayo cause hes still young di pa sya sure kaya iniwan ka niya .. dapat kasi triny mo na pong ilayo yung feelings sa kanya nung nalaman mo pong 14 palang sya ..pero andyan na yan eh wala tyong magagawa alagaan mo nalang po baby nio huwag mo na pong ipagpipilitan yung sarili nio po sa kanya kasi alam mo namn ang parents mayaman kayang gawin nian kahit na ano.. pakatatag kayo sissy.. baka balang araw pagtagpuin ulit kayo ng tadhana at kayo na ulit sa huli think positive lang po 💓

Pasensya na kung maooffend ka sa sasabihin ko pero real talk lng, di mo masisisi parents nung guy. Imagine po 14 yrs old, nasa 2nd yr or 3rd yr high school pa lng yan eh, madami pa yan mararating pra sa future. Sana inisip mo yan bilang ikaw nkakatanda sa inyong dalawa bago ka pumasok sa sitwasyon mong yan. Pero anu pa nga ba magagawa, tama yung advise sayo nung iba, umuwi ka sa inyo, wag ka manatili jan sa skwater. Kaya mo yan at kakayanin mo dapat pra sa anak at magiging anak mo.. Sana ma enlighten ka.

VIP Member

Sa totoo lang kung sa akin gawin 'yan ng anak ko na menor de edad, makakasuhan ko 'yung partner niyang mas may edad. Baka nga kahit ikaw kapag may nangganyan sa anak mo. Reality check lang ha. Corruption of minor 'yan te. Sa batas hindi mo pwedeng idahilan na tao ka.lang at nagmahal. Para na rin kasi na part ka ng pagkasira ng future niya. SINONG MAGULANG ANG matutuwa sa ganun. ilbis na nag aaral siya, ayan maaga mahaharap sa responsibilidad ng pagpapamilya

VIP Member

14 years old? teen ager pa yan di pa matured utak nyan, wla pang alam sa mundo yan kahit 18 yrs. Old pa na sinabi nya masyado pafin bata dapat di mo pinatulan kasi matagal mag matured ang lalaki. Kahit pinaramdam sayo na special ka dapat naging practical ka sa mangyayari sayo. Ngayon kung balak mo mag habol dahil, mayaman ang pamilya at pasusustento ka ewan ko lang kung me laban ka. Kasi mas me laban sila sayo at pwede ka makasuhan ng child abuse. Doble2 ang kamalasan mo if ever.

25 ka and 14 siya sobrang bata po alam mong napakaimature at kailangan pa ng parental Guidance ung Jowa mo...since alam mo naman na mali ka gawin mo nalang kung anong tama, layuan mona siya sinisira molang din ung Future niya hayaan mo siyang makapagtapos sa pag-aaral sa edad niya ay maaring magbago pa talaga ang feelings niya dahil nasa adolescent stage pa siya.. At ikaw nasa tamang age ka naman na kaya monang buhayin yang anak mo magisa.. Huwag ipilit ang alam mong mali.

Sorry but I have to be blunt and honest. You're fortunate 'cause the parents didn't pursue any legal actions against you. You could be in jail for having any sexual relationship with a minor regardless of consent or if you were just deceived. I'll include you and your baby in my prayers. Please be strong and learn to move on. If kayo talaga, kayo talaga. For now, focus on yourself and on your baby. Pray for guidance and healing, 🙏

Mumsh bakit ka kasi nagpabuntis pa e single mum kana kahit alam mo o hindi na bata yun di ka dapat nagpapa eut kung di mo asawa kasi may anak ka. Gusto mo ba puro panganay junakis mo. At hugit sa lahat nalaman mo na mas matanda ka sakaniya bakit kapa nakisama e bagets susundin ang gusto kahit mali. I have a son at if ever sakaniya mangyari yan at that age baka di na kita buhayin sa pagsira mo sa buhay niya if ever lang naman 😁

Buti di ka kinasuhan ng mga magulang nung guy. Child abuse ginawa mo. Kibata bata pa nung lalaki eh nilagay mo sa ganyang sitwasyon. Wag mo irason na tao ka lang at nagmahal ka lang kasi may utak ka naman para mag isip. Kahit saan angulo tingnan mali ka talaga madam. Pasalamat ka na lang wla kang kasong hinaharap ngayon.. Wag ka na lang din umasa pa sa lalaking yun, ituwid mo na lang buhay mo at ingatan yang dinadala mo.

siguro mas okay na hayaan mo muna sya maggrow. oo at mahal nyo ang isa't isa pero matitiis mo ba na pareho kayong naghihirap napakabata pa ng bf mo para magkapamilya . tama ang family nya,, siguro hindi rin nmn nila matitiis ang magiging apo nila pero give them time and prove your self to them wag ka umasa sa bf mo at sa pamilya nya, baka sakali pagdating ng panahon at mahal nyo parin ang isat isa pumayag din sila.

Câu hỏi phổ biến