57 Các câu trả lời
Harapin mo lang sila and explain nothing. Ako din momsh graduating this year pero nabuntis ako. At first, nahiya din pero kailangan kong tanggapin angnmga nangyari. Iniisip ko din dati katapusan na ng mga pabgarap ko. Pero di pala momsh. Pwede pa din pagpatuloy ung mga nasimulan nating pangarap. Swerte pa nga kasi binigyan ako ng addtional inspiration para magpursige ako. Ang hirap magkaanak lalo na pag wala sa plano. Nakakapang lumo at nakakapag sisi. Pero ung magkaroon ng anak ang pinaka fulfilling sa lahat. Ang sarap sarap momsh. Kapit kalang mahalin mo anak mo at hubby mo. Mawalan ka ng pakialam sa mga taong bash lang ang alam. Mabubuhay kayo ng wala sila. Ang importante kayong magpamilya kasi kayo lang ang magkakampi hanggang dulo.😊
same tayo mamsh. don't worry hindi lang ikaw naranas nang ganyan. kakagraduate ko lang. kakapasa ko palang sa board exam and after oath taking nalaman ko na buntis ako. worried ako kasi na disappoint ko parents ko but at the same time happy kasi napa responsible ng partner ko. hindi rin ako lumalabas sa amin kasi puro chismosa yong kapitbahay. and mas mahirap kasi hindi kami magkasama ng partner ko kasi naabotan ng lockdown. during prenatal check up ako lang mag iisa. bibili ng mga prutas, gatas at vitamins sariling sikap lang talaga, tinatagan ko lang talaga loob ko ngayon for my baby. isipin mo lang mommy, kaya nga ng iba kahit di sinuportahan ng parents or ng partner nila. ikaw pa kaya na nandyan family mo. laban lang po. pray lang.
Wala sa edad ang pagtupad sa mga mithiin sa buhay. Wag ka mastress at mag isip nang negative dahil nakakasama yan sa baby mo. Mararamdaman niya yan. Dapat maging thankful ka kasi blessing ang pagkakaroon nang baby. Always pray lang,tatagan mo loob mo at wag ka mawalan nang pag asa. Samahan mo nang dasal ung pagpapatupad mo nang mga pangarap mo soon at gawin mong inspirasyon ang baby mo para mas lalo mong mapagtibayan ang kalooban mo kasi para din sa kanya ang lahat nang pagsisikap na gagawin mo. Hindi pa huli ang lahat, bawat araw na ibinibigay ni Heavenly Father para sating lahat ibig sabhin binibigyan niya tayo nang pagkakataong itama lahat nang pagkakamali natin at gawin ang tama at mga mithiin sa buhay. God bless momshie...
Same with you momsh I'm 8 weeks pregnant. I'm 22, fresh graduate din sa college, di parin ako handa, wala sa plano diba? Pero blessings to eh. Wala akung paki sa mga nega feedbacks ng ibang tao. Ang importante alam na ng mga taong mahal mo ang sitwasyon mo ngayon. Di na ka pag trabaho, kasi nga buntis na. Pero wala nakung paki sa mga neighborhood. Di rin naman sila nag papakain sakin at isa pa. May kanya2 tayong buhay, kung may naririnig ka na masasakit na salita galing sa ibang tao. Buhay na nila yung manira ng buhay ng iba. Ang importante kalusugan ng baby mo at sayo. Wag kang mag paka stress sa mga ganyan momsh isa rin yan sa pagsubok na harapin. Isipin mo nalng na unggoy ang mga yan 😂😂😂..
I was 22 too when I got pregnant, wala pang isang buwan na graduate ako non. My family was disappointed but then they accepted it. Wala din masyadong naka alam non, only my family and some of my friends. Sadly, I lost my baby. I focused myself sa work after my miscarriage but after a few months, I got pregnant again, turning 23 na ako and I am 30 weeks pregnant. Sa ngayon, halos walang nakaka alam. Only mine and my boyfriend's family. Sa sitwasyon ngayon, natatakot ako manganak. I have my family with me but my boyfriend is not here whom I feel I needed the most. Kung kailan manganganak na ako saka pa sya nakapasok sa training. Napaka hirap as in. Pero kailangan kayanin kahit para na lang kay baby.
And I think, being silent is better. You will protect yourself and your baby sa mga tsismis. As long as you have your family and loved ones supporting you, there's nothing to worry about.
😊 Isipin mo nalang napaaga yung plan mo magka baby and think positively. Hindi naman titigil ang buhay dahil nabuntis ka, more on magkakaroon ka ng new perspective and new goals. It's up to you kasi if papaapekto ka sa mga sasabihin ng ibang tao na wala naman dapat bearing sayo. Gora lang gurl, keri lang madisappoint sa sarili ng saglit, normal lang but don't let that feeling linger. In time magiging ready ka din. Hehe sorry to say pero mapipilitan kang maging ready for your baby pero I assure you, you will find joy in it. Lalo na pag nakita mo na magsmile ang little angel mo. Fighting! Lahat to plano na ni Lord para sayo, just keep believing and trusting. 😊😊
Same po tayo. :) 22 years old din at kakagraduate lang at ngayon wala na trabaho dahil nabuntis ako. Ganyan din pakiramdam ko nung una na hindi na matutupad ang mga plano at goals ko.Hindi ko na matutulungan fakily ko financially. Pero iniisip ko nalang na pagkapanganak ko, pwede naman na kasama ko si baby sa pagtupad ng mga goals ko.. Mas naging pursigido at motivated pa nga po ako ngayon kasi may inspirasyon na ko at kumbaga mas pursigido ako makamit yung mga goals ko para na din kay baby. :) Laban lang! :) Hindi na maibabalik pa ang panahon. Mas okay kung mag think positive at isipin kung anong mas ikakaalwan at ikakaunlad ng buhay. 🤗🤗❤️
it's okay mumsh, ako po 19 lang ngayon & preggy, nandoon yung takot at hiya ko. pero lagi ako nire-remind ng mother ko na hindi nila ikakahiya dahil anak nila ako kahit ano pang sabihin ng ibang tao, kaya lumalakas din ang loob ko 😊 hindi pa naman huli ang lahat para sa mga plans mo, naudlot man yung mga unang plano natin, nagkaroon naman tayo ng mga bagong plano. kaya natin to! yung makapag tapos ka, napaka laking bagay na yun na maipagmamalaki mo. at para din sa ibang teen mom na nag stop sa pag aaral, pede pa tayo makatapos, hindi naman purkit may anak na di na pede mag aral. fight fight fight!!! ❤️❤️
Momsh ako po nabuntis before makagraduate exactly when I was in 3rd yr college. Nag stop ako para sa baby ko,medyo malayo kasi school dito sa bahay namin and inasikaso din kasi kasal namin ni hubby. Fortunately, 2 years after giving birth to our first child nakabalik ako sa school and I was able to finish my last year in college. 24 na ko now and currently 38 weeks and waiting na lang sa paglabas ng second baby namin. May stable job na din kami pareho ni hubby. Momsh wag mo isipin na wala ka ng magagawa/mapapatunayan dahil nabuntis ka kaagad. May rason bakit binigay agad sayo si baby. Just be positive 😊
Okay sis, Think positive 😊Thank you for sharing your story 😊 Nakakapanglakas ng loob.
Okay lang yan mamsh. Ako 24 years old preggy, onti lang din sinabihan ko pero di ko kinakahiya. Mejo di pa kasi ako ready ipagkalat saka iniisip ko pa si baby. Madalas kasi di pa din nagsisink in sakin na buntis ako haha. Parang di pa din ako makapaniwala. Tho 20 weeks na siya. Wag mo ikahiya si baby kasi blessing yan. Hayaan mo sila pag tsismisan di naman sila magpapakain sayo at kay baby. Hehe. Positive ka lang dapat lagi para di ma stress si baby. Saka enjoyin mo pagiging buntis kasi minsan lang yan sa buhay natin. ❤️ God Bless you at si baby. ❤️❤️
Rein