Diagnosed din with Gestational Diabetes. Wala ako ni isa pinasa sa OGTT ko lahat mataas 😂
Pero pinag monitor ako blood sugar 3x a day para malaman if mag insulin kami. So far ok naman. Pumapasa pa. Binigyan ako ng diet plan ng OB ko. High Risk OB/ Perinatologist OB ko kaya nia maghandle ng cases na ganito.
Ginawa ko tinanggal ko talaga rice. Pinalitan ko Adlai rice with normal na ulam naman. Tapos onte lang mga serving ng pagkain. More on gulay talaga. Para na nga ako kambing. Haha.
Pero nakakapag sweets pa din naman ako like ung maternal milk, yogurt at fruits. Wag lang talaga sobra. Nakapag chicharon pa ako kahapon. Ok pa din naman sugar.
Basta iwas lang talaga sa mga high carbs like pasta, noodles, rice, tinapay ganyan. Ung sugar palitan mo ng equal gold. Iwas din sa softdrinks at juice. Pede tikim lang.
Kaya mo yan sis. Tingin ka online mga meal plan for preggy na meron diabetes. Kaya yan ng diet. Bili ka ng pang monitor ng blood sugar. Sa Shopee madami 500 lang bili ko. Tapos medyo gagatos ka nalang sa strips.