98 Các câu trả lời
Wag ka maooffend, girl ha. Maaring nagkulang ka din sa respeto sa mga magulang mo. Alam mo naman sa sarili mo sa simula pa lang na magagalit sayo mom mo pag maaga ka nabuntis, pero, gumawa ka pa din ng hindi tama.Alam mo ba kung gaano kahirap ang buhay? Minsan yung mga nakapagtapos na mg pag aaral hirap pa humanap matinong trabaho. Pag kumita ka, iisipin mo pa paano pagkakasyahin hanggang sa susunod sa sahod? Eto kasi hirap sa ibang kabataan-akala nyo pag nag bf/gf kayo, ganun na lang. Wala pa kayong trabaho. Baka nga yung ginagastos nyo pang monthsary nyo, galing pa sa bulsa ng parents nyo. Minsan mga hindi na nakikinig, tapos pag may problema na..saka lang maaalala yung magulang. Maaring tanggapin nila at maintindihan ang sitwasyon mo ngayon. Pero alam mo ba na bago sila matulog o may pagkakataon, dun sila umiiyak..nag iisip saan ba sila nagkulang at nagkamali. Wag natin abusuhin yung di tayo natitiis ng magulang natin. Di sa lahat ng oras,.tayo yung sasandal sa kanila. Pero girl, maging lesson sana to sayo. Tanggapin mo ang mga salitang bibitawan nila. Iharap mo na din sa parents mo ang tatay ng baby mo bilang pag galang. Wag mo na ulitin yung pagkakamaling minsan mo nang nagawa. Habang bata ka pa, kargo ka ng magulang mo. At ngayong magkaka baby ka na, maging responsable ka na sana. Punan nyo sya ng pagmamahal. Bumawi ka sa parents mo. Ipakita mo na kaya mo panindigan ang ginawa mo kasama ng guidance nila 😊 Blessing pa din si baby sayo. Maaring napaaga sya ng dating para mas maaga kang matuto at mamulat kung paano nga ba talaga mamuhay.
Ineng sorry ha? Pero hindi ako makikisimpatiya sayo. Sa magulang mo ako makikisimpatiya, kasi tulad nila magulang din ako na walang ibang gusto kundi makatapos mga anak ko para sa magandang future. Palagi na lang kasing sinasabi na "Ok lang yan, maiintindihan ka nila kasi anak ka nila at di ka nila matitiis". Pero paano naman parents mo? Sino naman ang iintindi sa feelings nila. Alam mo ba na kahit humupa na yung galit nila at natanggap na nila yung pagkakamali mo, still umiiyak pa rin sila ng patago? Malamang tinatanong nila saan sila nagkulang as parents? May hindi ba sila naituro sayo o may mali ba sa guidance nila sayo? Ang sakit lang kasi para sa isang magulang na ginagapang mo yung anak mo sa pag aaral pero sa NAPAKAAGA AT NAPAKAMURANG EDAD, buntis. Kaya medyo nakakairita, kasi naaabuso yung salitang " Di nakakatiis ang magulang" "Maiintindihan ka nila" as if sinasabi na ok lang yan. 🤔🤦
Hello! You may be too young, pero the brave decision now will come from you. Sure, naging masyadong maaga yung pagbubuntis mo pero walang magandang mangyayari if you will dwell sa takot na meron ka ngayon. Kailangan mong panindigan yung ginawa mo. Lakasan mo loob mo at umamin ka, but prepare for the worst. Natural na magagalit siya, pero nanay mo yan. Believe me, time will come na magiging okay din kayo at matatanggap ka nya at ang baby mo. I was also a young mom at 20, and I also went through the same dilemma back then. Pero ngayon, just take courage na sabihin yan kasi may baby ka na. Hindi mo nalang laban yan, kundi baby mo rin. Don’t mind other people trying to condemn you because of what you did. What matters is what you’re gonna do about this situation, and I know na kaya mo yan mommy! 🤗 God bless you.
Hindi naman talaga maiwasan magalit ang parents natin. Sa situations mo mahirap pero you know what lahat magiging maayos din. ☺️ At first Hindi nila matatanggap yan kasi bata kapa. Pero pag once na nakita na nila baby mo. Believe me mas mahal na nila ang baby mo keysa sayo. Haha Katulad sa ate ko 17 yrs old siya na buntis nung nanganak siya Mama at Papa ko na ang nagaalaga at nagpagatas. 😊☺️ Panandalian lang naman ang galit nila. Syempre gumawa kadin ng way para ma patunayan na magsisi ka sa mga nangyayare at dapat may natutunan ka. 😘🤗 Be strong okay? Hehe Ako 23 nako now and buntis ako natakot din ako at first kasi ako ang breadwinner sa family namin. Pero alam mo nagalit man sila hanggang dun lang naman yun. Magiging okay din.
16 years old ako ngayon, mag 17 na next week at 8 months pregnant. Nalaman ng parents ko nung 6 months preggy na ako, sa situation ko yon parang hiyang hiya ako at depressed, lagi ako umiiyak, tulala at nawalan ako nang gana mabuhay pero ngayon sobrang saya kona at lagi nag pepray kay god dahil responsable yung bf ko at may trabaho, nagpapasalamat parin ako na tinanggap nila ako pero syempre nagalit din nanay ko sakin pero ngayon inalalayan nila ako sa pagbubuntis ko kasi gusto na rin nila makita ang baby ko. And now, parang nawala na yung dinadala ko na depression kasi masaya na ako ngayon. Basta maging matatag ka lang, hayaan mona yung mga nag jujudge, pray ka lang lagi kay god. 😊
19 years old ako now and I'm 16 weeks pregnant. Sinabi ko sa parents ko na buntis ako when I was 2months preggy plano namin ni hubby na sabihin kapag 5months na tiyan ko kasi that time hindi pa kami ready pero nahalata na ni mudra ko na buntis ako hinihintay nya lang na ako ang magsabi. Bilang normal na reaction ng magulang syempre nagalit sila pero yung galit nilang yon tinanggap ko ini-expect ko pa nga na masasaktan nila ko physically but I was wrong, kinausap lang nila ko ng mahinahon pati na yung hubby ko. Sabihin mo na sa parents mo lalo na sa mother mo dahil I'm sure nahahalata kana rin nya at baka hinihintay lang nila na ikaw ang magsabi.
14yrsold ako nung nabuntis .tho nagalet saken parents ko pero still supportado pa din nila ako .pati Father ko .pang gatas ng baby ko sya ang nagbibigay. Kahit pwede naman akong mag pure breastfeed nalang .at kami nalang ng asawa ko .ang sumagot sa Diaper .at sa iba pang need ng baby ko .pero sila talaga ang .mapilet na Sila ang .sumagot sa Kahit pang gatas lang .ng anak ko .enfamill a+1 user .pa si LO , pero supportado ang mga magulang ko . Nagalet sila .at alam ko dissapointed sila .pero wala na silang magagawa .dahil Choice mo naman yan .ehh ginawa mo yan kaya panindigan mo.
Kahit saang anggulo tingnan, magagalit at magagalit parents mo sayo. Unang una napaka bata mo pa para mabuntis at harapan ang responsibilidad bilang isang ina. Pero lahat naman yon natututunan, sa una syempre magagalit sila.. Pero unawain mo din. Lahat ng magulang may pangarap sa mga anak nila. Wag mo gawing hadlang yung pagiging batang ina para di tupadin pangarap mo at pangarap ng magulang mo para sayo. Humingi ka ng tawad, i'm sure sa una lang naman yan magagalit, at the end of the day matatanggap din nila kung ano sitwasyon mo at every baby is a blessing lagi mo tandaan yan 😊
And specially maturuan ka ng mama mo kung ano ano ang dapat gawin habang buntis ka at pagka panganak mo. Tanggapin mo lahat ng sasabihin nila kasi kasalanan mo yan, ginusto mo yan.. Sabi nga nasa huli ang pag sisisi.
Ako 17 ako nag ka baby magagalit talaga sila. Wala namang magulang na matutuwa pag nalaman mong nabuntis ang anak mo ng bata pa, pero nandyan na yan wala na magagawa, ako nun siguro 1 week ako hindi kinausap ng mama ko pero lagi nila kong binibilhan ng prutas tapos iiwan lang nila sa kwarto ko pag tulog ako. Kahit hindi nila ko kausapin nandun pa din pag aalala nila. Pag labas ng baby mo uunahan ka pa nilang kargahin yan..pati kelangan mo ng tulong lalo na sa mother mo kase napagdaanan na nya yan. Mag sabi kana hanggat maaga pa.
Same here! 17 years old i got preggy then i gave birth nung Nov 5. Una takot na takot ako kase honor student ako sa school at nung nalaman ng bf ko na buntis ako biglang nakipaghiwalay sakin, so nasa isip ko sobrang magagalit yung mama ko tas masstress kase OFW sya ang taas ng pangrap nya sakin tapos sinira ko, ganun pa nasa isip ko that time pero nung nalaman na nila sila pa nagmotivate sakin na kaya ko lahat basta kasama ko anak ko hindi pa dito natatapos lahat pagsubok lang ni Lord to para sa mas magandang blessings pa.
Dan