6 Các câu trả lời

I had HG during my first trimester. Sobrang hirap, kahit tubig sinusuka ko. Naconfine ako ng 2 days dahil sa dehydration dahil delikado yun para kay baby. Pagka discharge ko, niresetahan ako ni OB ng antiemetic para pang lessen ng vomiting and nausea. I suggest small frequent meals. Kahit 5x ka kumain sa isang araw basta pakonti konti. If wala talaga kayang tanggapin tiyan mo, eat plain crackers. If di ka makainom ng water, inom ka gatorade para may electrolytes pa din katawan mo. Ok din buko for rehydration.

nag HG case din ako nung 9 weeks ko, naospital din ako due to dehydration... 2 days din... paconfine na if wala tlgang food intake na maayos at water intake... ngayon 11 weeks na ako nakakakain na ng paonte onte na hnd nagsusuka pero problema nagdidischarge ako ng odorless, sticky slightly yellowish discharge no sign of itchyness naman pero papacheck yp ako kc hnd ko alam if infection sya na no sign due to dehydration before tapos hnd nakakawiwi dhl walang watee intake masyado... 😭 Pero wag naman sana...

pag hnd nyo na po Kaya at wla na po kaung lakas I mean tumayo maglakad kumain at uminom.. better na pumnta na po kayo ng hospital at magpaadmit pra maidextrose na kau. mahirap yang HG kasi ongoing ko pinagdadaanan. kakarelease q lng po ng hospital after 9 days at medyo nalessen na ung pagsusuka ko... at nakakakain at inom nrn aq kaht konting kanin... iwasan u po tlg ung pagkain na malasa masarsa at mabaho o mabango man kasi nagttrigger po yan ng suka. ingat ka po

Same case sis, pero advice sakin ni ob try ko raw small frequent meal every 2hrs. Ang ginagawa ko sis bago a kumakain inom muna aq ng tubig kc pag kain muna aq then inom ng tubig tlagang sinusuka ko. Gusto nga aqng I confine dhil baka madehydrate aq. Sv ko observe ko muna. Skyflakes sis lagi aqng nagbabad sa bibig q. Now I'm 10weeks and 5days preggy. Khit papaano nakakasurvive naman.

Hindi po ako nag HG nun pero araw araw ung nausea ko at times vomiting din, hirap pag nasa work pa. Small frequent meals lang po muna, kung nakatulong nguya kayo ng ice chips. Ask din your OB for advice if may meds na makatulong malessen HG. Importante po mag hydrate kau hanggang maari. Reason for admission po kasi ng HG is dehydration.

Sa 1st baby ko ganyan na ganyan ako, haysss iniiyak ko na lang nun para maibsan yung stress ko, tapos libangin mo sarili mo, manood ka ng mga movies or kdrama, while watching kumain ka paunti unti..or maghanap ka ng kausap o kwentuhan tapos habang nakikipag kwentuhan ka..inom inom ka tubig pakonti konti, ganyan mga teknik ko nun:-)

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan