19 Các câu trả lời
maraming factors, mi. nakadepende. if ftm ka, earliest na mafeel mo yung movements nya around 18wks and above. depende rin yun sa placenta. If anterior ka, matagal tagal pa at dmo masyadong maffeel outside, madalas nsa loob lang ang pakiramdam. kung posterior, maffeel mo agad yung quickening na tnatawag. yung prang butterflies or gas bubbles. pagdating mo ng 20wks above makikita mo na sya umaalon sa tiyan mo. I felt mine at around 17wks. currently 29wks, di na nya ako pnapatulog sa sobrang kalikutan 😅
First time mom here. Nagstart ko pong maramdaman si baby around 16-17 weeks. Pero parang pitik pitik lang or bubbles yung feeling. Then towards 18 weeks po mas ramdam na yung galaw. Helpful yung kick counter dito para mamonitor fetal movement ni baby. 😊
Same. 16 weeks nga lang ako. Di ko pa maramdaman si baby. Siguro dahil anterior placenta ako. Sabi nila mga 20 weeks and up pa, so waiting din ako na maramdaman sya. Hehehe.
Hello po , nag pa raspa po ako nung july 5, tapos dinugo po ako ng 8 days .. tapos my ngyari samin ng partner ko. My posibilidad ba akong mabuntis ulit? Thanks po sa makasagot..
Ako FTM, 16 weeks ko unang naramdaman galaw ni baby🥰 Pero dipende padin po yan sa nagbubuntis mi, may iba 20 weeks + pa nila naramdaman.
Nung around 16weeks ako parang paunti unti lang yan yung tibok tibok lang sya.. tapos nung mga 22weeks nako don na sumisipa ng malaks HAHAH
pano ba yung pakiramdam na nagalaw sha? mag 10 wks na kasi ako 😅
Anterior placenta ko kaya 22weeks ko na naramdaman ang kicks
depende kasi mamsh, iba-iba tayo, 20 weeks pataas sakin e
Anonymous