Bakuna

ilang oras na kaming ganito, ayaw namn magpalapag sa higaan kasi iyak ng iyak. kakatapos lang ng bakuna nya, nagpapatugtog din ako ng calming lullabies sa youtube para makatulog siya. PS. Nakakakalbo nadin ang baby girl ko 😂

Bakuna
13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

normal po yun na lagi gusto magpakarga lalo after ng bakuna. kasi dun nya po nafifeel na safe and secured sya kpag karga at yakap plagi. tiis tiis lang kahit masakit sa likod at braso magkarga minsan lang sila maging baby.

4y trước

minsan nakakainis din kasi di mo magawa dapat mong gawin kahit ihing ihi or gutom ka na di mo magawa bitawan si baby kasi iiyak talaga pag nilapag mo na. ganun talaga ang isang ina maraming sakripisyo. kahit sarili mo di mo na maasikaso kasi ang oras mo nauubos kakakarga kay baby. pero worth it naman lalo kung nakikita mong lumalaking maayos healthy at bibo si baby.

Super Mom

Ganyan po talaga after ng bakuna kaya dati talagang kinakarga ko talaga at hinehele si baby para lang makatulog sya ng mahimbing kahit nakakangalay na basta huwag lang sya umiyak kase nakakaawa 🙂

Thành viên VIP

Ako mommy pag ganyan si baby nilalagyan ko ng warm towel yung pinagbakunahan kasi masakit para sa kanya saka advise ng pedia ko rin painumin ng tempra para kahit papaano mawala yung sakit

4y trước

Hindi po. Pain reliever po kasi yun basta isang beses lang po siyang painumin at 3ml

ok lang yan mommy konting tiis lang sa pagbubuhat kung sa pagbuhat mo sya natatahimik gawin mo mas komportable kasi sya sa yakap natin mga magulang

ganyan talaga babies after bakuna, kung pwede lang tayo nalang tumanggap sa nararamdaman nila hehe. tutubo na nyan hair ni baby ng mas malabong. 😊

Nkakaawa pa nman pag iyak ng iyak si baby kaya khit nkakangalay na buhat pa rin maka tulog lang at maging komportable

Super Mom

Ganyan talaga sila after magpabakuna. Si LO ko din ganyan before. Yung hair naman ni baby is tutubo rin mommy. 😊

Same feels tayo mamsh pag bagong vaccine si baby girl ko. Super lambing ayaw pababa. 😍😊

Thành viên VIP

Normal lang yan, mommy. Kasi kahit pa paano mamamaga ang pinag turukan ng bakuna. 😊

Thành viên VIP

Ganyan po talaga si baby mommy specially after ng bakuna :)