34 Các câu trả lời
Hindi siguro ako magbabawas ng intake until 8 months. Gusto ko lumaki si baby dahil may threat ako of preterm labor and directly proportional ang survival ng preterm babies sa weight nila. 6 months palang ako now. If di ka naman maselan magbuntis, consult mo lang si ob mo sa size ni baby. Kung andun siya sa higher side saka ka magcontrol.
What to do???? ISIPIN MO SI BABY!! Yung health mo lalo na si baby. Kung ayaw mo po maCS discipline yourself. Im having ½c of brown rice per meal. Kahit anong sarap ng ulam bawal humirit at bawal gawing excuse na pregnant. Ang iniisip ko ayokong maCS, ayoko lumaki masyado si baby inside me at ayoko irisk ang health ni baby.
Medyo mag control kana sa rice .. Ako sa 7mos ako ng control kung dipako nag control nun sigurado cs aabutin ko.. Buti nalang nakapg control ako.. Nahirapan pa nga ako sa 6.1pounds. Pano pa kung di ako ng control ang laki siguro ni baby .. Pero worth it naman lahat ng pahihirap kasi nailabas ko ng maayos ang bby ko😊
6mos. Pano ba naman kase nung tinodo ko ang kain ko, week after that dagdag ako agad 3kg HAHAHAHAHAHA ngayon 1cup nalang tas pag gabi cereals/oats nalang fruits and milk pero milk ko sa gabi 2-3 glasses HAHAHAHA MY GAHHHD
Same here. 7months and sabi ng OB ko magstart na daw ako ng diet pero kase yung iniinom kong gamot parang may side effect na lage akong gutom mas tumakaw pa ako sa kanin unlike before
Ako unlicrice ako kasi suhi si baby.. cs pa rin ako.. Sis makikisuyo po ako pa visit po ako sa profile ko and please paki ♥️ like ng famiy picture namin. Maraming salamat.
4 months po kasi sabi po sakin kapag madaming rice lalo sa gabi lalaki daw si baby sa loob mahihirapan ako so ayun dina-diet ako ng mother ko sa rice habang kaya pa 😊
7 months dpt dw bwas n sa kanin... Aq kc mula ng simula ng pg buntis q half rice lng naubos q... Minsan lng aq mka 1 cup.. Kc msakit sa tyan pg mrami nkain..
no rice ako previous trimester. pero ngaun 8months na tyan ko, ngaun ako nagkakaen ng kanin.. parang ayaw na ni baby na walang rice. lagi akong gutom
5 months on diet na po ako, more on saging na nilaga at kamote nlng po ako, okay rin yun to maintain ur weight at para di lumaki c baby maxado