Sleepless night

Ilang hrs po tinutulog ng lo nyo? Sakin kasi 2hrs lang talaga. Bakit ganun sobrang puyat to the max ako mga momsh

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Ganyan din ako mamsh nung una, normal kasi yun puyatan talaga. Pero nung nagstart kami magkaron ni LO ko ng sleeping routine tumatagal na tulog niya sa gabi ng 3-5hours pero nagigising siya every 2hours para humingi dede tapos tulog ulit. Matutulog kami ng 10pm or minsan 12am tas gigising kami ng 5 or 6 in the morning tas papaaraw na deretso. Ipapaalam mo po sa kaniya yung differece ng umaga sa gabi dapat kapag umaga hanggang hapon maingay at maliwanag tas kapag gabi babawasan niyo na ingay tapos kapag matutulog naman na wala na dapat maingay at dim na yung ilaw. Tapos kapag alam kong alanganin na yung oras ng tulog niya at tulog parin siya ginigising ko siya pinupunasan ko mukha niya ng bulak na may warm water tapos pinapalitan ko ng damit tas kapag gising na siya di ko muna pinapadede agad kasi makakatulog ulit siya ng mahimbing ginagawa ko nilalaro ko muna siya o di kaya kinakausap ko siya tas ayun effective naman. Try mo mamsh sa LO mo ☺️

Đọc thêm
5y trước

Noted mamsh! ❤️ thankyouuu po sana maadapt ni baby ko

Normal po yan sa newborn till 3month old. Pinakamaganda po magkaroon ng routine